CHAPTER:43

1K 31 2
                                    

Jethro's POV

"Kuya I hope Ate's okay" malungkot at may pag-aalalang sabi ni Eunice habang nakaupo sa gilid ng kama ni Astrid.

Dinala siya ni Spike dito ng walang malay.

Mukhang napuruhan sila nang dahil sa mga Alba Lamia na 'yan.

"She'll be fine, 'wag kang mag-alala" sabi ko kay Eunice para gumaan ang nararamdaman niya.

Sampung taon ang nakakalipas nang sumugod sila dito. Halos maubos kami nang dahil sa kanila.

"Oh Kuya she's moving" biglang napatayo si Eunice kaya napatingin ako sa kaniya.

Nakita kong unti-unting gumagalaw si Astrid kaya lumapit ako sa kaniya.

"Astrid kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kaniya nang makalapit ako at hinilot-hilot ang ulo niya.

"K-Kuya" tawag niya sa akin at minulat niya na ang kaniyang mga mata.

"Nandito lang ako Astrid" sabi ko sa kaniya at hinawakan ang isa niyang kamay.

"K-Kuya si S-sandro?" Nanghihinang tanong niya at halata ko sa itsura niya na naubusan siya ng lakas dahil sa pakikipaglaban nila sa mga Alba Lamia.

"Ayos lang siya Astrid, huwag kang mag-alala ligtas siya at nagpapahinga na sa palasyo nila" pagpapagaan ko ng loob niya dahil alam kong nag-aalala siya.

"M-Mabuti naman kung ganon, G-gusto ko siyang puntahan Kuya" sabi pa niya sa akin.

"Astrid kailangan mo munang magpalakas bago ka kumilos, hinang-hina ka, Huwag mo siyang alalahanin dahil ligtas siya at hindi siya papabayaan nila Almendra" mahabang litanya ko sa kaniya.

Alam kong nag-alala siya sa kalagayan ni Sandro pero kailangan niya din ng pahinga dahil sa nangyari sa kanila kanina.

Napatango naman siya nang dahil sa sinabi kong iyon, alam kong naiintindihan niya ako.

"Kuya si Ama maayos lang ba siya?" Tanong niya pa sa akin.

"Oo nagpadala siya ng sulat kanina, maayos naman ang lagay niya, tayo ang inaalala niya, nakapagpadala na rin ako ng sulat at sinabi kong ayos lang tayo nang sa gayon ay huwag na siyang mag-alala sa atin" paliwanag ko sa kaniya.

"Salamat naman ah nasa mabuting kalagayan si Ama" sabi niya at napahinga ng malalim.

Ang mga uwak ang nagiging messenger namin dito kung bakit mas mabilis mapadala ang mga mensahe kaysa sa byahe.

Tinanguan ko siya at nginitian.

"Eunice ikaw ayos ka lang ba?" Baling niya kay Eunice.

Napangiti naman ng malawak si Eunice.

"Of course ate, don't worry about me,  ni hindi nga sila makatapak dito eh, kaya ikaw tumayo ka na diyan and let's go shopping" sabi niya at halata mo ang arte niya sa pagsasalita.

"Eunice" saway ko sa kaniya.

"Okay sorry Kuya, i was just kidding" sabi niya ay inirapan ako.

Natawa naman si Astrid nang dahil doon.

Ewan ko ba kung bakit napaka-arte ng kapatid kong ito, minsan nga nagtataka ako kung kapatid ko ba talaga dahil magkaiba kami ng ugali.

"Hmm Kuya paano pala ako nakarating ni dito?" Tanong nito sa akin.

"Dinala ka ni Spike kanina dito" sagot ko sa kaniya.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon