CHAPTER:10

2K 62 8
                                    

Astrid's POV

Matapos ang ginawa naming pagpapamper sa mga sarili namin kanina sa mall ay dumiretso ako agad sa Pampanga sa probinsya namin.

"Happy Birthday My Baby Boy!" Masiglang bati ko kay Edward nang makarating na ako sa Pampanga.

"Oh anak nandyan ka na pala" gulat at maligayang sabi ni mommy at sinalubong naman nila ako.

"Ate i'm no longer a baby, I'm already 16" parang medyo naiinis na sabi ni Edward.

Hinalikan nya ako sa pisngi pagkatapos ay lalayo na sana pero hinila ko sya.

"Still you're my baby" sabi ko habang kinukurot ang pisngi nya at dinambahan sya ng mahigpit na yakap.

"Ate!" Reklamo nya sa akin.

"Oh baka magmukhang narape yan ah" rinig kong sabi ni Kuya Kurt na nanggaling sa kusina.

Napatingin ako sa kaniya at tumakbo ako papunta sa kaniya.

"Kuya!" Masayang sabi ko at tumalon ako tapos ay binuhat naman ako ni Kuya. Parang bata lang kami.

"Ang bigat mo na" sabi ni Kuya na parang nabigatan sa akin kaya bumaba na ako.

Si Kuya Kurt pala ang nakatatanda naming kapatid he's 26.

"Grabe ka Kuya hindi naman ah" sabi ko sa kaniya na ikinatawa naman nya.

"Oh nandoon pala sa kusina sila apo" sabi ni kuya kaya dumiretso ako sa kusina puntahan ang lola at lolo ko.

"Apo kamusta na? Namiss ko kayo" sabi ko pagkatapos ay nagmano sa kaniya at niyakap sya. (Apo=Lola)

"Aba Dalaga naka ah" (Aba Dalaga ka na ah) sabi ni lola sa akin na parang nagulat.

"Syempre po, ang tagal ko na kasing hindi nakakadalaw sa inyo sa Tarlac" sabi ko sa kaniya.

"Akakit ke talaga i Cecile keka" (Nakikita ko talaga si Cecile sayo)  sabi ni lola na ikinakunot ko ng noo.

"Po? Sino pong Cecile?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Malamang sa mga napapanood nanaman ng lola mo yan, alam mo na kapag matanda mahilig sa mga drama" biglang sulpot ni Mommy at sabi.

Napatango naman ako sa kaniya.

*****

10 pm pa lang ng matapos ang party ni Edward. Simple lang naman ang ginawa naming celebration para sa kaniya.

"'Trid diba you're already 21?" Biglang tanong ni kuya habang nag-aayos kami sa mesa.

"Yes kuya. Ganon ka na ba katanda para makalimutan pati edad ko?" Sabi ko sa kaniya na medyo tumatawa.

"Ayy nako Kurt kung ano man yang iniisip mong gawin, tigilan mo yang kapatid mo" suway ni Mommy kay kuya na parang basang basa na nito kung ano ang binabalak ni kuya.

"Mom wala naman akong gagawin na ikakapahamak ng kapatid ko" sabi ni kuya.

Napatingin naman ako sa kaniya.

"Ano ba 'yun kuya?" Tanong ko kay kuya.

"Ah yayayain sana kasi kita mag bar, para na mafreshen up ka" sabi nya na may pataas-taas pa mg kilay.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon