CHAPTER:19

1.4K 53 2
                                    

Third Person's POV

Laking gulat ko nang biglang lumabas ang isang napakalakas na pwersa ng kapangyarihan mula sa kanya.

Ano ang ibig-sabihin nito?

Halos hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

Unti-unting nagpaprocess sa utak ko ang mga nangyari. Napagtanto ko na ang babaeng gusto kong mawala ay ang  taong hinahanap namin na magliligtas sa aming angkan.

"Astrid! Heyy wake up!" Rinig kong sigaw ni Alessandro at mabilis natumakbo papunta kay Astrid.

"Oh sh*t you're bleeding" alala pa nitong sabi nang makitang nagdurugo ang ilong ni Astrid.

"A-ayos lang ako, w-wag kang mag-alala" sabi ni Astrid pilit ni tumatayo.

"Alessandro, why you didn't tell me?" Seryosong tanong ko sa kaniya na ang tinutukoy ay ang tungkol kay Astrid.

"Why would i tell you?" Parang walang pake-alam na tanong ng kupal na ito.

"Sira ulo ka ba? Muntikan ko na syang mapatay" sabi ko sa kaniya at medyo kinabahan dahil sa realization na muntik ko ng mapatay ang taong magliligtas sa amin.

Paano na lang kung natuluyan ko sya? Paano na ang Clan namin? Kahit kailan  talaga minsan hindi nag-iisip ang kupal na ito.

"'Cause i know you, you will rush everything" sabi nito.

Napairap naman ako dahil totoo ang sinabi nya. Ayoko ang pinaghihintay kaya gagawa ako ng kahit na anong paraan para mapabilis ang lahat.

"M-ma'am Angel? B-bakit ba gustong-gusto mo akong mapatay? Dahil ba n-nakakasira b-ba ako sa kung anong namamagitan sa inyo ni Alessandro?" Tanong ni Astrid na kita kong may halong sakit sa kaniyang mga mata.

Gusto ko namang matawa dahil sa tanong nya.

"Who the hell is Angel?" Naguguluhang tanong ni Alessandro.

Napatingin naman si Astrid kay Alessandro na may halong pagtataka sa kaniyang mga mata.

"HAHAHA! Ohh it's my screen name because i look like an Angel" natatawa kong sabi.

"You don't even look like an Angel. What the f*ck Almendra!" Galit na sabi ni Alessandro sa akin.

"Hoy wag ko akong mamura-mura dyan, ilang beses ko bang dapat ipaalala sayo na Ate mo ako. A.T.E" inis na sabi ko sa kaniya.

Halata sa itsura ni Astrid ang pagkagulo dahil sa mga nalalaman nyang ito.

Pumasok ako sa school nila para masubaybayan ang bawat galaw ni Astrid at para na rin sana pahirapan.

Sinadya kong palitan ang pangalan ko para hindi malaman ni Alessandro na nasa paligid lang nila ako.

Hindi alam ni Alessandro ang plano kong ito. Gusto kong mawala si Astrid sa kaniya dahil nagiging destruction lang si Astrid kay Alessandro para unahin ang task namin.

Pero laking pagsisisi ko ngayon dahil sa nalaman ko na ang taong gusto kong mawala ay sya palang magliligtas sa amin.

*****

Astrid's POV

Nagulat naman ako na si Ma'am Angel pala ay si Almendra na ate ni Alessandro.

Pero bakit nya naman ako gustong patayin? Ano ang dahilan nya? At bakit nagpanggap sya na ibang tao?

"B-bakit mo ginawa i-iyon? B-bakit mo ako gustong patayin?" Nanghihinang tanong ko sa kaniya.

Nakayakap ngayon sa akin si Alessandro para alalayan ako.

"Ikukwento ko na lang sayo ang lahat pagdating natin sa Lamia Mundi" sabi ng ate ni Alessandro na si Almendra.

Napakunot naman ako sa sinabi nyang salita na hindi ko maintindihan.

"Lamia Mundi?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Oo, mundo ng mga bampira" sagot nito sa akin.

Hindi ko naman alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

"F*ck that sh*t!" Rinig kong sigaw at mura ni Spike at bihlang sinuntok ang isang lalaki.

"Ano nanaman yan Spike?" Tanong ni Almendra kay Spike.

"Muntik nya ng magalusan ang napakagwapo kong mukha eh!" Inis na sabi ni Spike.

Napairap naman si Almendra dahil sa sinabi ni Spike.

"Oh tara na" sabi ni Almendra.

"Don't rush, she need to rest first" seryosong sabi naman ni Almendra.

"Okay, okay, easy bro" sabi ni Almendra at itinaas ang dalawa nyang kamay na para bang sumusuko.

Magkaiba nga sila ng ugali ni Alessandro.

"A-astrid" rinig kong tawag naman ni Julie sa akin.

Nag-alala naman ako bigla dahil alam kong gulong-gulo sya ngayon sa mga nangyaring ito.

"Julie sabi naman sayo makakalaya tayo" sabi ko kay Julie.

"T-totoo ba ang mga narinig ko?" Naguguluhang tanong nito habang umiiyak.

Napatango naman ako at napapikit ng mariin.

"Nagbibiro ka lang diba? Sabi mo hindi ka naniniwala sa mga ganyan dahil yan totoo" sabi nya at umiiyak na parang bata.

"Yun nga din ang akala ko eh, pero nagkamali ako" mapait na ngiti ang naibigay ko sa kaniya matapos kong sabihin ang mga salitang iyon.

"Gusto ko ng umuwi" malungkot na sabi ni Julie.

"Hindi natin sya pwedeng pakawalan, marami na syang nalaman sa atin" biglang singit ni Almendra.

Natakot naman ako sinabi nya.

"Pakiusap pakawalan nyo si Julie" pagmamaka-awa ko sa kaniya.

"Hindi kita mapag-bibigyan sa kahilingan mo" sabi naman ni Almendra.

"Nakikiusap ako" pakiusap ko pa at napahagulgol na, ganon rin si Julie.

"Kailangan ko syang patayin para walang lumaganap na balita tungkol sa atin" seryosong sabi ni Almendra.

Sinubukan kong tumayo ng maayos at inalalayan naman ako ni Alessandro.

Tinignan ko naman si Alessandro na parang nagmamaka-awa na tulungan kami ni Julie.

Napayuko naman ito.

"Ako ng bahala sa kaniya" sabi ni Alessandro kay Almendra.

Napatingin naman si Almendra kay Alessandro.

"Anong gagawin mo?" Mapag-usisang tanong naman ni Almendra sa kaniya.

"Don't you know that i can erase memories?" Nakangising tanong naman ni Alessandro sa kaniya.

Napangisi na din si Almendra dahil doon.

"That's my bro" sabi naman ni Almendra at ngumiti.

Napatingin naman ako kay Julie na malungkot ang mga matang nakatingin sa akin. Malungkot ako dahil naranasan nyang bagay na iyo pero masaya pa rin naman ako dahil maililigtas sya.

"T-thank you" sabi ko kay Alessandro.

Nginitian naman ako nito at hinalikan sa noo.

"Ang cheesy" pang-aasar na sabi ni Almendra.

Hindi naman sya pinansin ni Alessandro.

Binuhat na lang ako ni Alessandro dahil hindi ko talaga kayang maglakad at masyadong napuwersa ang lakas ko.

"Rest now baby, tomorrow we will face the reality" sabi ni Alessandro.

*****

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon