CHAPTER:20

1.5K 42 2
                                    

Astrid's POV

Nagising ako mula sa hindi pamilyar na lugar, wala rin ako sa Hospital.

Isa itong malawak na kwarto at nakita ko sa gilid ko sa kabilang kama na mahimbing na natutulog si Julie.

Napangiti ako habang pinagmamasdan sya.

Wala na akong nararamdaman na kahit anong sakit sa katawan ko.

Tumayo ako para tignan kung nasaan si Alessandro.

Saktong tatayo na sana ako sa kama nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Spike.

"Oh ayos ka na ba?" Tanong nito sa akin.

Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti.

"Paparating na sina Alessandro" sabi pa nito na mukhang nababasa kung ano ang tumatakbo sa isip ko.

Maya-maya lang ay biglang pumasok si Alessandro kasama ang ate nyang si Almendra.

Niyakap agad ako nito kaya gumanti rin ako ng yakap.

"Parang gusto ko rin ng yakap" sabi ni Spike.

"Upakan kita gusto mo?" Sigang sabi naman ni Almendra kay Spike.

"As if naman ikaw ang pinariringgan ko" sabi pa ni Spike.

"As if naman yung kaibigan ni Astrid eh tulog yun" sabi pa ni Almendra.

Kumalas na kami sa pagkakayakap ni Alessandro.

Natawa naman ako kina Spike dahil parang bata silang mag-away.

"Pwede namang si Astrid" sabi pa ni Spike.

Bigla syang tinignan ng masama ni Alessandro.

"Don't you dare" may diing sabi ni Alessandro pagkatapos ay hinigit ang baywang ko palapit sa kaniya.

Napaka Obsess talaga ng Bampirang ito.

"I'm just joking" sabi naman ni Spike na medyo natatawa.

"Make sure your jokes are funny" sabi naman ni Alessandro.

"Enough na yan baka kung saan pa mapunta 'to, maging referee ako ng wala sa oras" awat naman ni Almendra sa kanilang dalawa.

Tumahimik naman ang dalawa.

"Are you hungry?" Tanong naman ni Alessandro sa akin.

Umiling ako sa kaniya kahit na nagugutom na ako.

"Hindi pa, hintayin ko na lang magising si Julie" sabi ko sa kaniya.

Tumango naman sya.

Teka sabi nya diba sya na ang bahala kay Julie kagabi? Anong ginawa nyang paraan para mailigtas sya?

"Ah wala na bang balak patayin ng ate mo si Julie?" Alalang tanong ko sa kaniya.

"Don't worry i already remove her memories about last night" sabi nito kaya napahinga naman ako ng maluwag.

Nginitian ko na lang sya bilang pasasalamat.

"Handa ka na ba?" Biglang tanong ni Almendra sa akin.

Napakunot naman ako ng noo dahil hindi ko makuha kung ano ang ibig nyang sabihin.

"Harapin ang tunay mong mundo, Lamia Mundi" sabi pa nito.

Bigla ko nanamang natandaan lahat ng usapan namin kagabi.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon