CHAPTER:40

1.2K 46 3
                                    

Astrid's POV

"ATE WAKE UP!!" bigla akong nagising nung may narinig akong boses na sigaw ng sigaw.

Nagtakip ako ng tenga dahil sa ingay.

"Ate ano ba tumayo ka nga diyan" sabi pa ni Eunice sa akin at inagaw ang unan na nakatalukbong sa tenga ko.

Dahil bwisit ay napaupo ako.

"Ano ba? Kay aga-aga nambubulabog ka!" Inis na sabi ko sa kaniya.

"Hay nako at imbes na gumanyan ka diyan halika sa baba" sabi niya at hinila ang kamay ko pero hinila ko pabalik ang kamay ko.

"Ano bang meron? Matutulog pa ako" sabi ko at aktong hihiga pero napatigil dahil sa sinabi ni Eunice.

"Sige bahala ka diyan hayaan mo na lang ying boyfriend mo na paalis na kasama yung tukmol na higad" agad naman akong napatayo matapos marinig ang mga sinabi niya at napaayos ng mukha pagkatapos ay tumakbo na pababa.

Wala akong pakealam kung ano man ang itsura ko ngayon basta makita ko lang si Sandro.

"Sandro!!" Tawag ko kay Sandro nung makita kong pasakay na siya sa kalesa.

Napatigil naman siya at napatingin sa akin. Mabilis akong tumakbo palapit sa kaniya.

"Aalis ka ng hindi nagpapaalam sa akin?" Pagtatampong tanong ko sa kaniya.

Bigla naman niyang tinap ang ulo ko at napangiti.

"I'm sorry baby, galing ako sa kwarto and i saw you na mahimbing matulog kaya hindi na kita inistorbo pa" sabi niya sa akin.

So nakita niya kung paano ako matulog? Grabe nakakahiya paano kung nakakanganga pala ako tapos may laway pa, shocksss no!

Sabagay ilang beses niya naman na siguro ako nakitang ganon.

"Ah ganon ba, oh sige mag-iinga kayo ni Ama ah? Susulat ka araw-araw kung ano ang ginagawa mo doon" sabi ko sa kaniya.

"Yes baby, kahit oras-oras pa kitang sulatan para mabawasan ang pagkamiss ko sa'yo ay gagawin ko" sabi niya na ikinangiti ko.

Dahan-dahan niya naman akong hinalikan sa noo kaya kinilig ako dahil doon.

Para akong baliwa na nakangiti ngayon dito.

"We gotta go baby" biglang sabi ni Sandro sa akin.

Tumango naman ako sa kaniya kaya sumakay na siya sa kalesa, kinawayan ko naman siya habang palayo ito, nagpa-alam din ako kay Ama.

"Siguradong inggit yung higad na yun" sabi ni Eunice sa akin.

Napatingin naman ako sa kaniya at bahagyang natawa pagkatapos ay pumasok na sa loob para magpalit.

*****

Lumipas ang tatlong araw at bagot na bagot na ako dito sa palasyo, natutuwa lang ako kapag nagpapadala ng sulat si Sandro pati si Ama.

"Haysss naiinip na talaga ako" sabi ko at napapabuntong hininga dito sa veranda habang nakatanaw sa kabuuan ng palasyo.

Bigla kong nakita si Spike na papasok dito sa palasyo kaya mabilis akong bumaba.

"Oh ba't tumatakbo ka?" Bigla kong narinig na tanong ni Kuya Jethro.

"Wala naman kuya" sabi ko at tumakbo na ulit pababa.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon