CHAPTER:23

1.3K 41 3
                                    

Astrid's POV

Nang makaalis kami sa bwisit na lalaking iyon ay pinaalis ko na din ang bata.

Bumalik na din ako sa Palasyo.

Dahan-dahan naman akong naglakad papasok sa palasyo dahil nakita ko sa labas na nandoon na ang kalesa, ibig sabihin nandito na sila Alessandro.

I'm deads now. Baka hinahanap na nila ako.

Nang makapasok ako saloob ay nakasalubong ko si Spike.

"Oh saan ka galing? Hinahanap ka na ni Alessandro" sabi ni Spike sa akin.

"Nag-ikot-ikot lang dahil naiinip ako" sagot ko habang nakasimangot nang maalala ko ang mga nangyari kanina.

"Oh what's with your face?" Tanong naman ni Spike.

"Nakakainis kasi, napakawalang manners pala ng mga bampira dito" sagot ko sa kaniya.

"Oopps wag mong lahatin, teka nanggaling ka sa labas?" sabi at biglang tanong naman ni Spike.

"Hmm oo hehe nainip kasi ako dito sa loob ng palasyo kaya sinubukan kong magahanap ng view sa labas" sagot ko kay Spike.

"Naku, buti naman ayos ka lang, mag-iingat ka dahil hindi ka pa sanay dito at hindi mo pa masyadong basa ang mga bampira dito" sabi pa ni Spike.

"Oo, hayysss bakit parang ang big deal kapag nagsalita ka ng english dito? Eh alangan naman sila lang ang marunong" reklamong sabi ko kay Spike.

"May naka-usap ka na dito?" Di makapaniwalang tanong ni Spike.

"Yes at sobrang nakakainis" sabi ko pa habang nanggagalaiti.

"Sa susunod wag kang aalis mag-isa dito sa palasyo kung wala ka pang masyadong alam, baka mapahamak ka" sabi nito sakin.

Napatango naman ako.

"Oo na, teka bakit nga ba big deal ang pagsasalita ng english dito?" Tanong ko pang muli sa kaniya.

"Ang mga Royal Blood Vampire o ang may kakayahan lang ang maaaring matuto ng English Language samantalang ang mga mabababang uri ng bampira ay hindi" paliwanag nito sa akin.

Napatango-tango naman ako dahil sa sagot nya.

Grabe hindi pala fair dito. Kawawa naman ang iba.

"Ahh nasan si Alessandro?" Tanong ko kay Spike.

"Nandyan nagiikot hinahanap ka" sabi nito.

Nagsimula na akong maglakad para hanapin si Alessandro.

Hindi ko sya nakita sa Garden kaya pumasok na ako sa loon nang biglang....

"Ahhh!!!" Sigaw ko ng may biglang sumakal sa leeg ko na sobrang nakakatakot ang itsura.

Purong itim ito at walang mukha. Nakakakilabot.

"Astrid!" Sigaw na tawag sa akin ni Spike.

"A-ahh erh" halos hindi ako makahinga dahil sa sakal nito.

"What the f*ck!" Sigaw ni Alessandro nang makita ako.

"Paano nagkaroon ng Black Soul dito sa loob?" Gulat na tanong ni Almendra nang makita ang halimaw na sumasakal sa akin.

Bakit kaya hindi na lang nila ako tulungan bago sila magsalita.

Sabay-sabay silang nagbago ng anyo, pumula ang mga mata nila, humaba ang pangil at mga kuko.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon