CHAPTER:5

2.6K 72 9
                                    

Astrid's POV

Isang linggo na din ang nakalipas matapos mangyari ang insidenteng yun. Ngayon ay halos lagi na naming kasama si Alessandro. Wala ata syang kaibigan bukod sa amin.

Napakamisteryoso ng lalaking 'to. Hindi man palakwento tungkol sa buhay nya.

Nung nangyari din pala ang insidenteng yun ay may narecieve nanaman akong letter from S.

Smile sweetheart.

               -S

Tinanong ko naman si Julie kung sya ba ito pero sabi nya hindi naman.

Medyo kinakabahan na din ako dahil parang may stalker ako.

"Oh magpapabili kayo ng drinks?" Tanong ni Julie sa amin ni Alessandro habang nagtetake kami ng break time dito sa may field.

Kinalkal ko yung bulsa ko para hanapin yung wallet ko pero wala doon, kinalkal ko din yung bag ko pero wala din doon.

"What's wrong?" Takang tanong ni  Alessandro sa akin.

"Ah ako na lang ang bibili ng drinks tutal nakalimutan ko din ata yung pera ko sa locker" suggest ko sa kanila.

"Samahan na kita" sabi ni Alessandro.

Hindi ko alam kung sweet ba talaga 'to o hindi nya lang alam ang sinasabi nya.

"Ah hindi ako na lang. Keri ko na 'to" sagot ko sa kaniya.

"Ah sigeee. Orange juice yung akin ah?" Sabi ni Julie sa akin.

Tumango naman ako sa kaniya.

"Eh sayo?" Tanong ko kay Alessandro.

"Same with her" sagot nya na lang.

Tumango na lang ako at nag paalam na sa kanila para bumili.

Pumunta muna ako sa locker para kunin yung wallet ko.

Ilang minuto lang at nakarating na ako sa locker.

Habang hinahanap ko yung wallet ko ay may biglang bumunggo sa parang door ng locker ko pagkatapos ay tumama ito sa ulo ko. Napayuko ako at napahawak sa ulo ko dahil sa sakit.

Napansin kong may likidong lumabas sa ulo ko.

"Hold her" rinig kong sabi ng babae.

May bigla namang humawak sa magkabilang kamay ko.

"Masakit ba?" Sabi ng babae.

Nakilala ko lang kung sino ang babaeng  ito nang hawakan nya ang panga ko at iharap sa kanya. Si Ashley pala may gawa nito.

"Anong kailangan mo?" Nanghihinang tanong ko dahil nakaramdam ako nang hilo.

"I want you dead" malamig na sabi nito sa akin at marahas na binitawan ang panga ko.

Hindi ko ininda ang sakit nito.

Tinignan ko sya ng nakangisi.

"Hindi ko alam kung bakit ginagawa mo ito. Pwede bang ipaliwanag mo?" Nakangising tanong ko sa kaniya.

Parang nainis naman sya sa tanong ko kaya marahas syang lumapit sa akin at kinwelyuhan ako habang yung dalawa nyang kasama ay nakahawak pa rin sa kamay ko.

"Ahh!" Napasigaw ako dahil sa pagkabigla at sa sakit.

"You killed Mark! Sapat ng dahilan yun para gantihan ka at bawian ka rin ng buhay" galit na sabi nya sa akin.

Parang biglang umakyat ang dugo ko sa ulo dahil sa narinig ko.

"Ilang beses ko bang kailangang ulitin na hindi ko pinatay si Mark. Napatunayan ko na yun. Eh baka ikaw ang pumatay sa kanya at ibinibintang mo lang sa akin" inis na sabi ko sa kaniya.

Parang uusok na sya sa galit.

"Eh bakit ko naman gagawin 'yon? Sige nga" parang hinahamon nya ako sa tono nya.

"Simple lang. Baka sinabi nya sayong mas mahal nya ako at ginamit ka lang nya para sa sarap na inaasam nya" nakangising sabi ko sa kaniya.

*PAK*

Isang malakas na sampal ang ibinigay nya sa akin.

"How dare you!" Galit na sabi nya.

Halos nakatingin na ang mga estudyante ngayon sa amin.

Gaganti sana ako kaso hindi ako makawala dahil ang higpit ng hawak nila sa akin.

"Kung susugod ka, siguraduhin mong patas kang lumaban" sabi ko sa kaniya.

"Whatever" sabi nya at biglang lumapit sa akin.

"Tama na yan" may biglang lalaking humarang sa gitna namin.

"Who the hell are you?" Iritang tanong ni Ashley dito.

Maging ako ay hindi ko sya kilala. Parang newbie din ata. Matangkad sya. Hindi ko pa nakikita ang itsura nito dahil nakaharap sya kay Ashley.

"Who the hell am i? Well I'm....Spike" sagot nito.

Hindi ko man makita ang mukha nito pero alam kong nakangisi ito ngayon.

"I don't care" sabi ni Ashley at inirapan nya ito.

"Then why did you ask?" Tanong ni Spike daw.

"Ugh.. tsk" inis na lang na sabi ni Ashley.

Naglakad na lang sya papalapit sa akin at binunggo si Spike. Pero hinawakan naman sya ni Spike sa braso.

"Ahhhhh!!!" Sigaw ni Ashley na namamalipit sa sakit.

"Let her go or else i'll break your arm" bulong ni Spike kay Ashley pero tama lang para marinig ko.

"Bitawan mo ako!" Sigaw ni Ashley at nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Spike.

"Arayyy!! Masakit!!" Sigaw pa ulit nya.

"Habang pinapatagal mo, i'm slowly breaking your arm" sabi ni Spike na nakapangingilabot.

"O-Oo na! B-bitawan nyo na sya!" Sabi ni Ashley at binitawan na ako ng mag kasama nya.

"Now let me go!" Baling nito kay Spike.

Binitawan na sya ni Spike at mabilis naman silang tumakbo.

Ilang sandaling katahimikan ang naganap pagkatapos mangyari yun.

"T-thank you" sabi ko sa kaniya.

Dahan-dahan itong humarap sa akin at nakita ko na rin ang mukha nito. Sobrang puti din at gwapo din. Makalaglag panty din ang kagwapuhan nya parang si Alessandro.

Ngumiti ito sa akin.

"Astrid!" Rinig kong tawag sa pangalan ko mula sa likod kaya napatingin ako dito.

Nakita ko sila Julie at Alessandro na tumatakbo papalapit sa akin.

"Anong nangyari sa iyo?" Alalang tanong sa akin ni Julie.

"Ah ano--" hindi ko magawang tapusin ang sasabihin ko dahil bigla akong nahilo. Nasapo naman ako ni Alessandro.

"Who did this to you?" Cold na sabi ni Alessandro na parang may halong galit. O baka naiisip ko lang.

Hindi ko na nagawang sumagot dahil unti-unti ng nagdidilim ang paningin ko at hanggang sa wala na akong maramdaman.


*****

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon