CHAPTER:29

1.1K 43 9
                                    

Almendra's POV

Nandito kami ngayon sa palasyo at dinala na namin ang katawan ni Astrid dito.

Sobrang nalulungkot ako dahil alam kong minahal ng kapatid ko si Astrid at kahit na hindi pa kami masyadong nagkakasama ay alam kong mabuti siya.

Nasasaktan akong nakikita parang nawawala sa sarili ang kapatid ko na si Sandro.

Kung pwede lang ibalik ang oras ay ibabalik ko.

Inilagay na ang katawan ni Astrid ngayon sa kahoy na kung saan ay sinusunog ang katawan ng patay.

Hindi kami makapaniwala sa mabilis na paglisan ni Astrid.

"Si Tandang Sally" biglang sabi ni Spike.

Napakunot noo naman ako sa kaniya.

"Oh napano?" Takang tanong ko naman sa kaniya.

"Nakakalimutan mo na ba? Diba kaya niyang bumuhay ng patay?" Sabi ni Spike.

Parang nagliwanag naman ang mata ko dahil sa narinig kong iyon.

"Pero matagal na siyang nawawala kaya saan natin siya hahanapin?" Tanong ko naman sa kaniya.

"I'll find her" sabi ni Sandro sa amin at biglang tumalikod.

Napangiti naman ako dahil doon, kaya niyang gawin ang lahat para sa babaeng mahal niya.

Love is full of sacrifice.

That's why i hate that f*cking love. Masaya na akong makitang masaya ang kapatid ko.

"Samahan mo na siya baka may makasalubong pang Black Soul yun" sabi ko kay Spike.

"As if naman matakot ang lalaking iyon, wala namang kinakatakutan ang lalaking yun eh" sabi nito sa akin, bahagya naman akong natawa dahil doon.

"Noon wala pero ngayon meron na.... Takot siyang mawala ang babaeng mahal niya" sabi ko kay Spike habang nakatingin kay Astrid.

Napangiti naman si Spike dahil sa sinabi ko.

"Oh dalian niyo na, meron lang tayong 24 hours para muling mabuhay si Astrid, kakausapin ko na si King Francis" sabi ko kay Spike at tinapik ang balikat niya, tumango naman siya at sinundan na si Sandro.

Sana mahanap nila si Tandang Sally nang muling mabuhay si Astrid.

*****

Eunice's POV

Isang oras na pagkatapos kong makauwi at hinahanap pa rin nila si Astrid.

Sana ay hindi na nila siya mahanap kasi nakakainis kung palagi ko siyang makikita dito sa Palasyo.

Pahiga na ako nang biglang bumukas ng malakas ang pintuan ng kwarto ko.

Nakita ko na parang umuusok sa galit si Kuya Jethro.

"What the hell Kuya? Baka masira ang door ko" inis na sabi ko sa kaniya.

"Sabihin mo kung ano talaga ang nangyari kanina?" Halos hindi ko na makilala si kuya dahil sa galit niya. Nakalabas na ang pangil niya

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko ng sobrang higpit.

Inilabas ko na din ang mga pangil at mahahabang kuko ko.

"What do you mean?" Inis na tanong ko.

"Alam kong hindi umalis si Astrid, kung aalis man siya ay pupunta siya kay Sandro, kaya sabihin mo kung ano talaga ang nangyari" pagpipigil niya ng galit.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon