CHAPTER:63

830 31 6
                                    

Astrid's POV

"Kuya please wake up! Get up! It's not a good joke!" Halos nagwawalang sigaw ni Eunice.

"M-Mahal bumangon ka na diyan nang magamot natin yang sugat mo" nanginginig na sahi ni Ate Clara habang umiiyak.

Hindi ko kaya ang nakikita kong ito, sobrang sakit.

"P-Papa!" Paulit-ulit na sigaw ni Rose habang umiiyak, halos magwala na siya sa iyak.

"P-Pakidala si Rose sa kwarto" sabi ko sa mga katulong na sinunod naman nila, nagpupumiglas pa si Rose pero wala din siyang nagawa.

"Anong nangya- Jethro Anak Ko!" Biglang sulpot ni Ama at nagulat nang maoita si Kuya Jethro na wala ng malay.

"Papa please do something about it!" Paghihinagpis ni Eunice.

"Jethro anak ko!! Bakit??!!! Sinong may gawa nito sayo??!!!" Sigaw ni Ama habang niyayakap si Kuya Jethro sa kaniyang paa.

"Nakita ko ang gumawa nito sa sa kaniya" seryosong sabi ko na nakapagpatigil sa kanilang lahat at tumingin sa akin.

"S-Sabihin mo sa akin anak kung sino at ako na ang bahalang magpataw ng kaparusahan sa kaniya" sabi ni Ama sa akin.

Umiling ako.

"Ako mismo ang magbibigay ng parusa sa kaniya" seryosong sagot ko at biglang tumayo at tumakbo para hanapin ang bumaril kay Kuya Jethro.

"Astrid!" Sigaw nilang lahat sa akin pero hindi ko sila pinakinggan.

Sinundan din ako ni Sandro pero mas binilisan ko para hindi niya ako masundan.

Kailangan pagbayaran ng may gawa nito kay Kuya, hindi ako makakapayag na walang managot sa ginawa nilang ito.

Nang makalabas ako sa labas ng palasyo ay nakita kong naglalakad palayo ang bumaril kay Kuya.

Mas binilisan ko ang takbo ko para mahabol ito.

Iwinagayway ko ang kamay ko at itinutok sa lalaking iyon, biglang lumakas ang hangin at ramdam ko ang pagbabagong kulay ng mata ko.

Napahinto ang lalaki at nakita kong nahihirapan siyang gumalaw, unti-unti ko siyang ipina-angat at inilapit sa akin.

"H-Hindi ako makahinga" sabi nito nang mailapit ko ito sa akin.

Naalala ko ang sinabi nung matandang babae sa gubat.

"Sadya ang gagawin nilang ito, Hangga't hindi pa nahuhuli kailangan mong baguhin ang nakasulat sa propesiya" (Chapter 59)

Ito ba ang tinutukoy ng matandang babae?!

"Sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo" seryosong utos ko sa lalaking ito.

"W-Wala akong alam s-sa nangyari" nanghihinnag sabi nito.

Dahil sa inis ko ay hinigpitan ko ang pagkakasakal sa kaniya.

"AHHH!!" inda nito sa sakit.

"Huwag mo akong pinaglololoko, alam kong planado ang lahat ng ito, kaya sabihin ko sa akin!" Sigaw ko sa kaniya.

"O-opo" sagot nito kaya dahan-dahan ko siyang ibinaba.

Napaubo naman siya, nakita kong dahan-dahan siyang kumakapa sa gilid niya para abutin ang baril kaya agad kong sinipa ang baril palayo sa kaniya.

"Huwag ka ng magtangka pa dahil hindi gagana sa akin yan, ngayon, sabihin ko sa akin ang lahat, pawang katotohanan ang gusto kong marinig" utos na sabi ko sa kaniya.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon