CHAPTER:47

912 28 2
                                    

Astrid's POV

Matapos nang mga pag-uusap namin ni Ate Almendra ay umuwi ako agad dahil parang pagod na pagod ako.

Hindi ko parin mapigilan ang mga luha ko na bumubuhos pamula pa kanina.

"Oh Astrid ba't ganiyan ang itsura mo? Saan ka galing? Anong nangyari sayo?" Alalang tanong sa akin ni Kuya Jethro at lumapit sa akin.

Parang nawalan ako ng lakas para magsalita.

"K-Kuya!" Hagulgol na tawag ko sa kaniya kaya niyakap niya ako ng mahigpit.

Tama! yakap ang kailangan ko sa mga oras na ito.

"Nandito lang si Kuya, handa akong makinig sayo" sabi ni Kuya na lalong nakapagpa-iyak sa akin.

"K-Kuya pinipilit ako n-ni Ate Almendra na m-makipaghiwalay kay Sandro" parang batang pagsusumbong ko sa kaniya.

"Huh? Bakit niya naman ginawa yun?" Parang hindi makapaniwalang taning ni Kuya.

"D-Dahil hindi daw kami bagay, isa akong P-Prinsesa" mapait na sagot ko sa kaniya.

Nakita kong napapikit ng mariin si Kuya.

"Huwag kang mag-alala, gagawin lahat ni Kuya para maging masaya ka. Hinding-hindi nila kayo mapipigilan sa pagmamahalan ninyo" sabi ni Kuya at hinawakan ang magkabila kong pisngi at pinunasan ang mga luha kong hindi maawat sa pagtulo.

"A-Anong gagawin mo Kuya?" Tanong ko sa kaniya.

"Basta magtiwala ka sa akin, gagawin ko ang lahat para maging maligaya kayo ni Eunice" sabi ni Kuya Jethro.

"Oo Kuya, salamat" tanging nasabi ko at yumakap ulit ng mahigpit sa kaniya.

*****

Parang wala akong ganang kumilos ngayon dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Buong maghapon lang akong nakakulong sa kwarto ko.

Nakaupo lang ako sa may veranda at tinitignan ang paligid, malapit ng gumabi at inaabangan ko na lang ang sunset.

**Tok Tok**

Napatingin ako sa may pintuan dahil may biglang kumatok doon.

Dahan-dahan kong binuksan iyon at nakit ko si Spike.

"Spike?" Patanong na tawag ko sa kaniya dahil wala man akong alam na lakad namin.

Bigla niya akong hinila pababa ng hagdan.

"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko sa kaniya.

Hindi niya ako sinagot kaya hinayaan ko na lang siya na hilain ako.

*****

Ilang minuto lang ay nakarating kami ss may parang Fountain, ngayon ko lang ito nakita.

Maganda ang paligid at halos wala ng mga bampira na pakalat-kalat sa daan dahil gabi na rin.

"A-anong gagawin natin dito?" Tanong ko kay Spike.

"Iiwan mo ang problema mo dito at pag-uwi kailangan masaya ka na" seryosong sabi niya sa akin.

"Wala naman akong problema haha" kunot-noong sagot ko at pilit na tinatago ang lungkot.

"Ah kaya pala maghapon kang nakakulong sa kwarto mo kasi wala kang problema, kaya pala malungkot ang mga mata kasi wala kang problema" sabi niya.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon