CHAPTER:3

3K 93 18
                                    

Astrid's POV

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon.

Ang sakit na makita mo ang taong mahal mo na tinataksil ka.

Nakita ko si Mark na nakikipaghalikan kay Ashley.

Biglang napatingin si Ashley sa akin at halata ang gulat sa mga mukha nya.

"A-astrid" halos hindi nya mabigkas ang pangalan ko.

"Why you stop? Don't worry hindi nya malalaman 'to" sabi ni Mark sa kalagitnaan ng paghalik nya sa leeg ni Ashley.

Parang may kung anong tumusok sa puso ko nang sinabi nya ang nga salitang 'yon.

"N-nandito si A-astrid" may halong kaba sa boses ni Ashley habang pinipigilan si Mark.

Napatigil naman si Mark at napatingin sa pintuan kung nasaan ako.

Bigla namang nag-ayos ng uniform si Ashley.

Sa mga oras na ito ay wala akong ivang nararamdaman kung hindi sakit at galit, parang gusto kong makapanakit dahil sa ginawa nilang panloloko sa akin.

"A-astrid let me explain" kinakabahang sabi Mark habang lumalapit sa akin.

Hinawakan nya ako sa braso na agad ko namang kinabig.

"Wala ka ng dapat na ipaliwanag dahil narinig ko na ang dapat kong marinig" matigas na sagot ko sa kanya.

Sinubukan kong pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko. Ayokong mag mukhang mahina sa harap nila.

"I-i'm sorry babe" sabi nya na parang nag-papaawa.

"What sorry can do?" Tanong ko sa kaniya na walang emosyon.

"Babe please forgive me!" Pagmamakaawa nya sa akin at lumuhod pa sa harapan ko.

Tinulak ko naman sya para makalayo ng kaunti.

"Sagutin mo ako. Minahal mo ba talaga ako?" Tanong ko sa kaniya.

Tumayo naman sya.

"Yes, I love you Astrid" sagot naman niya.

"Ah kaya pala nagawa mo akong lokohin. Hahaha ganon pala ang pagmamahal para sayo" para akong baliw na tumatawa dito.

"Mark sabi mo sa akin makikipag hiwalay ka na sa kaniya" singit naman ni Ashley.

Tinignan ko naman agad sya ng masama.

"Ashley shut up!" Suway naman sa kaniya ni Mark.

"Kaya pala naging iba ang pagtrato mo sa akin dahil inaahas mo na pala ako" baling ko naman kay Ashley.

"Ako naman talaga ang mahal ni Mark" sagot pa nya sa akin  na parang walang gjnawang masama.

"Ashley!" Bulyaw pa ni Mark dito.

"Why don't you tell her Mark? 1 year and 5 months na tayo!" Sigaw pa nito kay Mark.

"Tama na!" Sigaw pa ni Mark.

Nagulat naman ako sa nalaman ko.

Ibig sabihin matagal na akong nagbubulag bulagan sa hayop na pag-ibig na ito.

Napayuko na lang dahol doon.

"Oh ano astrid? Itutuloy mo pa ba ang relasyon sa taong di naman para sayo?!" Matapang na tanong ni Ashley sa akin.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon