CHAPTER:67

795 30 3
                                    

Eunice's POV


"Tita gusto ko pang magyaro" sabi ni Rose sa akin at inabot sa akin ang maliit na bolang hawal niya.



"Oh sige, wala kang kapagurang bata ka" sabi ko at medyo natatawa dahil sa kaniya.



"Tita salo" sabi niya at inihagis sa akin ang bola at sinalo ko naman.


"Oh ikaw naman, salo" sabi ko at inihagis sa kaniya ang bola.



Sa gitna ng paglalaro namin ay biglang dumating si Ate Clara.



"Ah Eunice napansin mo ba si Astrid?" Biglang tanong sa akin ni Ate Clara.



Umiwas ako ng tingin sa kaniya.



"Hindi po Ate Clara" sagot ko dahil magmula nung nangyari sa amin kaninang umaga ay hindi na kami muling nag-usap pa.



"Pagabi na kasi at hindi ko pa siya nakikita sa buong palasyo, tinanong ko na din sina Haring Dominus at Ethan pati na rin ang ibang katulong at gwardya, hindi daw nila napansin" nag-aalalang sabi nito sa akin.



Kahit na may tampo ako kay Ate Astrid ay hindi ko maiwasang hindi mag-alala.



"Hindi daw nila napansing lumabas ng palasyo?" Tanong ko kay Ate Clara.



"Wala daw eh" sagot ni Ate Clara.



'Ate where did you go?'


"Hahanap ako ng tulong para mahanap siya" sabi ko kay Ate Clara at mabilis na tumakbo para puntahan sila Kuya Sandro.



I felt guilt dahil sa mga sinabi ko sa kaniya kanina.


Dapat hindi ko na lang sinabi ang mga iyon, baka nang dahil doon kaya napressure siya na gumawa ng paraan para mabawi si Papa.



Sorryyyy Ateee!


*****


Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa palasyo nila Kuya Sandro.


"Kuyaa Sandro!!" Tawag ko sa kaniya nang makapasok ako sa loob ng kanilang palasyo.



"What happened? You almost out of breath" salubong na sabi sa akin ni Kuya Sandro.



"Si Ate Astrid hindi pa umuuwi mula kanina" sabi ko sa kaniya.



Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.



"Ano??!" Biglang sulpot ni Ate Almendra.



"Where did she go?" Tanong ni Kuya Sandro sa akin.



"Hindi ko alam, wala siyang sinabi, basta kanina pa siya wala" kinakabahang sabi ko sa kaniya.




"How can we find her if we don't know where she went?" Kita ko ang alala sa itsura ni Kuya Sandro.



"Hindi ko din alam Kuya Sandro, hindi ko na alam, kinakabahan na ako baka kung ano nang nangyari sa kaniya" sabi ko at unti-unti ng pumatak ang mga luha ko.




I'll blame myself kapag may nangyaring masama kay Ate Astrid, ayokong unti-unti silang mawala sa akin.




"Huwag kang magsalita ng ganyan Eunice" sabi ni Ate Almendra at niyakap ako.


Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon