CHAPTER:4

2.9K 91 8
                                    

Astrid's POV

Maaga akong nagising para pumasok sa school pero hindi pa rin umuuwi si Mark.

Siguro umuwi siya kay Ashley... Hmmpp magsama silang mga walang hiya.

Tinurn on ko na sa ang cellphone ko at ang daming notifications ang tumunog sa cellphone ko.

From: Julie

HAYOP YANG MGA YAN! HINDI KO ALAM KUNG ANONG MAGAGAWA KO SA MGA YAN! Nasan ka???

Isa yan sa mga nabasa ko sa mga message sa inbox ko. Pero ang mas nakapukaw nang atensyon ko ay ang message ni Mark.

From: Mark

Help! Please Help me!

Halos ganyan ang lahat ng message na nareceive ko kay Mark.

Anong nangyari sa isang 'to? Bat hindi sya humingi ng tulong kay Ashley? Bakit ako pa ang tinatawagan nya.

Medyo nag-aalala ako dahil minahal ko pa rin si Mark pero ipinag walang bahala ko na lang dahil baka pinagtitripan nya lang ako.

*****

Pagdating ko sa school ay may nakita akong kotse na may tatak na pulis. Nagulat naman ako dahil baka may nangyari.

Mabilis akong pumunta sa school at nadatnan kong nagbubulung-bulungan ang mga kaklase ko.

Wala pa rin naman si Julie kaya umupo na lang ako.

Ayoko na lang pansinin ang nangyayri pero parang may nag-uudyok sa akin na alamin.

Lumapit ako sa isa sa mga kaklase ko para magtanong pero iniwasan ako nito.

Lumapit pa ako sa isa pero iniwasan din ako nito.

Pinagtitinginan nila ako at parang may takot sa mga mata nila.

"Can someone tell me what's happening?" Mahinahong tanong ko.

Nagbulung-bulungan pa silang lalo.

Lalo akong nainis dahil walang sumagot sa tanong ko.

Pumunta ako sa Teacher's Table at kinalabog ito para makuha ang atensyon nila. Hindi ako nabigo dahil tahimik silang napatingin sa akin.

"Anong nangyayari?" Inis na tanong ko.

"H-hindi mo a-alam?" May halong kabang tanong ng kaklaee ko sa akin.

Napapikit ako dahil sa inis.

"Sa tingin mo ba magtatanong pa ako kung alam ko na?!" Inis na sa bi ko sa kaniya.

Napayuko naman sya. Parang nakonsensya naman ako sa sinabi ko.

"Sorry" sabi ko at napabuntong hininga.

"Patay na si Mark" diretsong sabi nito na nakapagpatigil sa mundo ko.

Hindi ako makagalaw sa pwesto ko dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at nanginginig na din ang katawan ko.

Napailing ako ata napapikit. Umaasa ako na mali ang narinig ko at hindi totoo 'yon.

"Patay na si Mark na boyfriend mo" ulit pa nito.

"HINDI!" Sigaw ko dito at biglang bumuhos ang mga luha ko na pinipigilan ko.

"BAWIIN MO ANG SINABI MO!" sigaw ko pa dito.

Natahimik silang lahat at walang sumasagot.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon