CHAPTER:6

2.6K 73 20
                                    

Astrid's POV

Unti-unti kong imunulat ang mga mata ko. Sa una ay malabo pa ang nakikita ko pero unti-unti din itong lumilinaw.

Dahan-dahan akong umupo.

"Oh Astrid gising ka na pala" sabi ni Julie at inalalayan ako nitong umupo.

Nandito kami ngayon sa clinic ng school.

May nakabenda na din sa ulo ko.

"Ano nga palang nangyari sayo kanina? Sobrang nag-alala ako nang makita kong may dugo ka sa ulo" alalang tanong ni Julie sa akin.

Inalala ko naman ang mga nangyari sa akin kanina habang nasa locker.

"Biglang dumating si Ashley at may mga kasama sya pagkatapos ay pinagtulungan nila ako" paunang kwento ko sa kaniya.

"Walang hiya 'yang babaeng iyan. Nako! Makita ko lang yan sa daan talagang kakalbuhin ko yang babaeng yan" galit na sabi ni Julie.

Aba'y lintik lang talaga ang walang ganti. Kung hindi lang ako nahilo kanina ay malamang nakayanan ko ang higad na 'yon.

"Relax ka lang mag-iipon lang ako ng lakas at humanda sa akin yang Ashley na iyan" pagpapakalma ko kay Julie.

Umupo naman sya sa tabi ko.

"Buti na nga lang at hindi ka masyadong napuruhan" sabi nya na parang nabunutan ng tinik sa puso.

Naalala ko naman bigla yung lalaking nagligtas sa akin kanina.

"May bigla kasing lalaking dumating kanina at tinulungan nya ako" sabi ko kay Julie.

Parang naintriga naman sya sa sinabi ko.

"Sino? Anong year? Gwapo ba? Kilala natin? Macho?" Sunod-sunod na tanong ni Julie sa akin.

Parang lalo lang sumasakit ang ulo ko kay Julie.

"S..park???... Spy??... hindi ko ako sigurado eh... Ah!! Natandaan ko na. Spike. Oo tama! Spike yung pangalan nya. At ikaw tumigil ka sa mga kagaganyan mo dahil hindi natin sya kilala kase parang newbie sya" sagot ko naman kay Julie.

"Ayyy ganon? Sayang naman... Teka Spike? Parang sa volleyball lang ah ahahha. Pero gwapo ba?" Tanong pa nya sa akin.

Ayy ewan ko sa babaeng ito kung bakit parang ewan sya minsan.

Napaisip naman ako sa tanong nya... Gwapo naman sya ah? Pero parang mas gwapo si Alessandro...

Ayy ako ba 'tong naiisip ko?!

Teka nasaan nga ba ang lalaking iyon?

"Oo gwapo naman. Teka nasaan si Alessandro?" Sagot at biglang tanong nang mapansing wala si Alessandro.

"Yun naman pala gwapo. Ah si Alessandro nga pala umalis din kanina matapos ka niyang ihatid dito. Minsan pasulpot-sulpot at pawala-wala talaga ang lalaking yun" sagot nya naman sa tanong ko.

Hayss di nya man lang ako binantayan? Bakit nga ba naman nya ako babantayan? Naku Astrid!

Kakasingle ko lang pero lumalandi na agad ako.

*****

Matapos ang buong araw na nangyari sa akin ay sa wakas at nakauwi na din ako.

Parang pagod na pagod ang buo kong katawan ngayon dahil na rin siguro sa nangyari.

Pagkauwi ko ay kumain na ako at naligo na din pagkatapos ay nagbihis para pumasok sa trabaho.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon