CHAPTER:24

1.2K 42 2
                                    

Astrid's POV

Matapos kong magbihis ay bumaba na kami ni Almendra at napansin kong may kausap si Alessandro sa may gate kaya sinilip ko muna bago lumabas.

"Sandro sobrang namiss kita" sabi nung babaeng kausap nya.

"Oh haha yeah" parang nahihiyang sabi ni Alessandro.

Napasimangot naman ako dahil don.

"Ang harot-harot" sambit ko sa sarili ko.

"Ohh parang may nagseselos ah" nagulat naman ako nang magsalita si Almendra sa likod ko.

Hindi ko namalayan na nandito pala sya likod ko.

Inirapan ko na lang sya.

"Lagi yang nandito basta nandito si Alessandro, minsan pag wala hihintayin nya basta makita nya lang" sabi ni Almendra habang naka cross arms at pinapanood sila.

Hindi ko alam kung binubwisit nya ba ako o ano eh.

"Sino ba yun?" Tanong ko sa kaniya eh hindi ko kasi makit yung itsura eh. Likod lang ang kita ko mula rito.

"Hmm malalaman mo rin mamaya" sabi nya.

Tsk bakit mamaya pa? Pwede naman nyang sabibin ngayon.

Naglakad ako papunta sa kanila.

"Oh san ka pupunta?" Tanong ni Almendra sa akin nang hinda pa ako nakakalayo.

"Duhh pupuntahan ko lang ang boyfriend ko" sabi ko sa kaniya at tinalikuran na sya pagakatapos ay dumiretso na kila Alessandro.

"Hi babe, nakapag-palit na ako" lapit ko kay Alessandro at hinalikan sya sa pisngi.

Parang nagulat sya sa ginawa ko pero agad din syang nakabawi at biglang ngumiti.

"Excuse me, who are you?" Rinig kong tanong babae kaya hinarap ko siya.

Nanalaki ang mga mata ko nung makilala ko kung sino sya.

"Ikaw?!" Sabay naming gulat na tanong.

Ito yung bata na natabig ko ng malakas sa batis.

"What the hell are you doing here? And why did you kissed Sandro?!" Inis na tanong nito sa akin.

Hinawakan namn ni Alessandro ang balikat ko oara pigilan ako pero tinignan ko naman sya kaya binitawan nya.

Dahan-dahan akong lumapit sa batang ito.

"Bata lang yan" sabi ni Alessandro.

"Kaya nga, bata lang sya. Kaya tuturuan ko syang gumalang sa mas nakakaganda sa kaniya" sabi ko kay Alessandro.

"Pero hindi kayo pwedeng mag-away" sabi pa ni Alessandro.

Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"At bakit hindi?" Tanong ko sa kaniya.

Parang nagdadalawang isip syang sagutin ang tanong ko.

Nang hindi sya sumagot ay lumapit na ako sa batang ito.

"Unang-una kaya ako nandito dahil kailangan niyo ako, pangalawa kaya ko sya hinalikan dahil boyfriend ko sya, at pangatlo matutong gumalang sa mas matanda sayo, tawagin mo syang Kuya, huwag Sandro lang. Ano kayo magka age?" Pangangaral ko sa batang ito.

Kinuyom nya naman ang mga kamao niya.

"Eh bakit ba nakiki-alam ka?" Inis na tanong nya sakin.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon