CHAPTER:55

832 30 0
                                    

Jethro's POV

Ilang araw na ang nakalipas matapos nang mangyari sa Park ay naging mailap na ang pag-uusap namin ni Astrid.

Ayoko munang makealam sa mga desisyon niya kahit na labag sa loob ko ang mga gusto niya, iniisip ko ang kapakanan ng Pamilya ko.

Ayos lang sana kung ako lang ang mapapagamak pero hindi eh, madadamay si Clara at pati na rin ang anak naming si Rose.

"Kuya coffee" sabi ni Eunice at inabutan ako ng kape.

"Salamat" sagot ko sa kaniya.

"I noticed that these past few days ay parang matamlay ka Kuya, is it about sa nangyari sa Park?" Alalang tanong ni Eunice sa akin.

Hinaplos ko naman ang buhok niya at nginitian siya.

"I admit it na mali ako sa ginawa kong pakekealam sa desisyon ni Astrid" sabi ko sa kaniya.

Umiling naman siya.

"No Kuya, tama lang ang ginawa mo, actually si Ate Astrid nga ang mali eh,  parang sumasama na siya, dati ako yung pinaka brat at kinamumuhian ninyo dito because of my attitude and i agree with that na suwail ako noon, but now, parang hinigitan ni Ate Astrid iyon" parang naghihysterical na paliwanag sa akin ni Eunice.

Medyo natawa ako sa sinabi niyang suwail at brat siya.

"Wala tayong magagawa, at huwag na nating kokontrahin iyon Eunice, iba na magalit ngayon si Astrid kaya mas mabuting sumunod na lang tayo sa kaniya" malungkot na sagot ko sa kaniya.

"Parang tama ako sa unang expression ko sa kaniya na sana pala hindi na lang siya nahanap" pagmamaktol na sabi ni Eunice.

"Eunice wag na wag mong sasabihin yan dahil kapatid pa rin natin siya, at siya ang magliligtas sa mundo natin" pangangaral ko kay Eunice.

"Kapatid? Do you think kapatid pa rin ang turing niya sa atin?... And Magliligtas? Eh parang siya nga ang unti-unting umuubos ng lahi natin Kuya" may halong galit na sagot sa akin ni Eunice.

Hindi ko naman masisisi si Eunice kung ganon ang nararamdaman niya, dahil na rin sa mga nagagawang masama ni Astrid ngayon.


"We can't blame Astrid, marahil ay napuno ng galit ang puso niya dahil sa sakit na naramdaman niya, magtiwala pa rin tayo na babalik sa dati si Astrid" sabi ko kay Eunice at nginitian siya.

"I hope so" sagot naman niya.


*****

Astrid's POV

Nandito ako ngayon sa batis at nagpapahangin muna dahil mamayang gabi na ang pagdiriwang para sa pagpapakilala nila sa amin ni Ethan bilang Prinsesa at Prinsipe.

"Ahhh!" Napasigaw ako nang may biglang humila sa akin papunta sa likod ng puno.

Nagulat ako nang makita kong si Sandro pala ang humila sa akin at basang-basa siya ngayon at walang damit pang itaas.

Itinulak ko siya.

"Bitawan mo ako!" Sigaw ko sa kaniya.


"Please Baby, Let me explain my side" paki-usap nito sa akin at kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Hindi ako sanggol para tawagin mong baby" sagot ko sa kaniya at akmang aalis nang hinila niya na naman ang kamay ko.

Ginamit ko ang kapangyarihan ko para mapalayo siya at gumana nga at nakadapa na siya ngayon sa lupa.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon