CHAPTER:8

2.2K 66 7
                                    

Astrid's POV

Naglakad na lang ako pauwi ngayon dahil wala akong masakyan tsaka para exercise na rin.

Habang naglalakad ako ay may biglang tumawag sa cellphone ko. Nakita ko si Mommy ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot.

"Hello Mommy, kamusta na po kayo?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Baby ko, miss na miss ka na namin, kailan ka ba uuwi? Birthday na ni Edward sa sunday" sabi ni mommy sa akin. Si Edward ay ang bunso kong kapatid.

"Mommy don't worry darating ako sa sunday. Manila to Pampanga lang naman eh hahah. Madali lang ang biyahe" sagot ko kay mommy.

"Ay nako itong bata talagang ito. Oh kamusta na pala yang puso mo anak?" Sabi ni Mommy at biglang tanong.

"Ayos na po Mommy, ayos lang po sana kung buhay pa sya kahit na niloko nya diba atleast nakikita ko pa rin sya pero tanggap ko na po na wala na si Mark" malungkot na sabi ko kay Mommy.

"Anak wag ka ng malungkot, talagang ganyan ang tadhana. Magiging maayos din ang lahat" pagpapagaan ni Mommy ng loob ko.

"Hayss Mommy haha okay na po ako. Oh sige na po, pakamusta na lang po ako kila daddy, huwag nyo pong pababayaan ang sarili nyo. I love you" sabi ko sa kabilang linya.

"Oo anak ikaw din. I love you too" sabi ni mommy at pinatay na ang tawag.

Pagkatapos ng tawag ay may nareceive akong message.

From: 09*********

This is from the police whose investigating the case of Mr. Mark Alfonso. We sent a message to inform you that the case has been closed due to lack of evidence.

Yan ang nabasa ko na case closed na daw ang kaso ni Mark. Pero bakit nangyari yun? Paanong wala silang mahanap na ebidensya? Ang galing magtago ng ebidensya nung pumatay sa kaniya.

Gusto ko mang tumulong pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula dahil maging ako ay pinagbibintangan ng ate nya. Hays!

"Ipapangako ko Mark kahit na nagawan mo ako ng masama, susubukan kong humanap ng ebidensya para mabigyan ka ng hustisya" sabi ko sa sarili ko at nagpatuloy ng maglakad.

Bigla akong napahinto sa paglalakad dahil nararamdaman kong may nakasunod sa akin.

Tumingin ako sa likod pero wala akong nakita kaya nagpatuloy na lang ulit ako.

Pero parang may nakasunod talaga kaya huminto ulit ako at timingin sa likod at wala na naman akong nakita.

Nagpatuloy na lang ulit ako pero naroon na naman ang mga paa na naririnig ko, parang may pumasok sa isip ko kung paano ko sya mahuhuli, huminto ako at kinuha ang cutter sa bag ko pagkatapos ay kunwari kong inihakbang ang paa ko pero mabilis akong tumingin sa likod at itinutok ang cutter ko sa kaniya.

"Bakit mo'ko sinusundan?" Tanong ko at mabilis din akong natigipan dahil sa taong nasa harapan ko.

"Easy" sabi ni Spike at itinaas ang dalawa nyang kamay na para bang sumusuko.

"S-spike?" Parang di makapaniwalang tanong ko.

"Put it down first bago ko sagutin yung tanong mo" sabi nya tinutukoy ang hawak kong cutter na nakatutok pa rin sa kaniya, mabilis ko namang naibaba ito.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon