CHAPTER:15

1.6K 56 4
                                    

Astrid's POV

Nang umuwi ako ay nadagdagan langa ng inis na nararamdaman ko nang may nakita nanaman akong sulat sa mail box.

Tinignan ko ang likod nito at nakita ko ang sign na 'S'. Nang mabasa ko ang sign na ito ay pinunit ko agad ito dahil ayokong basahin kung anuman ang nasa loob nito.

"Ginugulo ko ang isip ko" sabi ko at tinapon na ito.

Nang makapasok na ako ay pinihit ko na ang door knob papasok sa sala. Nagtaka ako dahil nakabukas ito.

Hindi ko iniiwang bukas o hindi nakalock ang apartment ko. Nakakapagtaka naman at bukas ito ngayon.

Hindi kaya may magnanakaw?

Kumuha ako ng kahoy sa may ng apartment ko at dahan dahan akong pumasok sa loob.

Nagpalinga-linga ako pero wala akong makita na kahit ano.

"Sino ang nandyan?!" Sigaw ko.

Wala namang sumagot.

Nagulat ako nang may marinig akong nabasag mula sa kusina.

Yun ang tanda na may nakapasok nga sa bahay dahil wala akong alagang aso o pusa dito.

Tumakbo ako sa pintuan para sana humingi ng tulong sa mga kapitbahay ko pero hindi pa ako nakakalabas eh may humablot sa buhok ko at buong pwersa aking hinagis sa pader sa sala.

"Ahhh!!" Inda ko nang maramdaman ko ang sakit ng katawan ko at parang nabalian ata ako ng buto.

Hindi ko alam kung anong klasing tao ang nasa harapan ko ngayon dahil napakalakas nya.

Hinawakan ko ang likod ko at sinusubukang tumayo pero nahihirapan ako.

Dahan-dahang lumapit ang lalaking nasa harapan ko kaya umatras ako ng dahan-dahan.

Hinahabol ko na lang ang hininga ko dahil ramdam ko pa rin ang sakit ng likod ko.

"S-sino ka?" Nanghihinang tanong ko sa kaniya.

"Hindi mo na kailangang malaman" sabi nito habang nakangisi at tuluyan ng nakalapit sa akin.

"A-anong k-kailangan mo sa a-akin?" Tanong ko pa sa kaniya at hindi ko na magawang umatras pa sa kaniya dahil wala na akong maaatrasan.

"Ang kailangan ko ay ang mawala ka sa landas namin" sabi nito at bigla akong sinakal.

"Ahhh!!! TULONG!" Sigaw ko ng biglain nya ako.

Kakaiba ang lakas nito dahil isang kamay lang ang gamit nya at nagawa nya akong maiangat.

Halos hindi na ako makahinga.

Nagulat ako nang biglang namula ang mga mata nya kagaya ng nangyari sa akin. May lumabas ding pangil sa kaniya at biglang humaba ang kuko nya.

Naramdaman kong unti-unting bumabaon ang mahaba nyang kuko sa leeg ko.

"AHHHH!!! T-TAMA N-NA!!!" Sigaw ko dahil sa sobrang hapdi nito.

Katapusan ko na ba?

Hanggang dito na nga lang ba ako?

Hindi ko pa nakakusap sila mommy. Hindi pa ako nakakapag-paalam sa kanila kung ito man ang magiging huli kong hininga.

Ipinuwesto nya ang kamay nya para isaksak ang mahahaba nyang kuko sa akin.

Halos ma-ubo-ubo at habol hininga na lang ako dahil ramdam ko na kahit anong oras ay bibitaw na ako.

Parang nag slow-mo ang mga pangyayari nang itinaas nya ang isa nyang kamay at dahan-dahan itong mapalapit sa akin upang wakasan ang aking buhay.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon