CHAPTER:74

809 18 20
                                    

Almendra's POV



Nagpapahinga kami ngayon dito sa may batis pagkatapos ng ginawa namin sa mga Alba Lamia.




"Nakaka-relax sa katawan yung ginawa natin sa mga Alba Lamia" sabi ni Spike habang nagtatampisaw.




Natawa naman ako sa sinabi niya.




"It's not enough tho" sagot ni Sandro at seryosong nakaupo sa bato.




Alam kong malungkot parin ito at iniisip si Astrid. Gusto niyang ipaghiganti si Astrid lalo na kay Pandora.




"Alam ko 'yon Sandro, magpapahinga lang tayo sa ngayon at babalikan natin ang mga walang hiyang Alba Lamia na iyon" sabi ko kay Sandro.




Hindi na umimik pa si Sandro kaya nagtampisaw na lang din ako dito kasama si Spike.




"Señora Almendra" napatigil ako sa pagtatampisaw nang tinawag ako ng mga Gwardya ni King Francis.




"Anong kailangan ninyo?" Tanong ko sa kanila at mabilis na umahon.




"Pinapatawag po kayo ni Haring Francis sa kaniyang kaharian" sagot nito sa akin.




Napakunot noo ako dahil sa sinabi niya. Anong kailangan ni King Francis sa amin.




"Bakit daw?" Tanong naman ni Spike.




"Hindi niya po sinabi ang dahilan pero nais niya po kayong makausap Señora Almendra, Señor Spike at Señor Alessandro" sagot pa nito sa amin.




"Sige susunod kami" sabi ko sa kaniya at umalis na sila.




"Ano kayang kailangan ni King Francis sa atin? May uutos kaya siya?" Tanong ni Spike sa akin.




"Spike pareho nating hindi alam kaya pumunta na lang tayo doon" sagot ko sa kaniya.




Napatingin ako kay Sandro na hindi parin tumatayo mula sa kinauupuan niya.




"Sandro narinig mo naman 'di ba? Pinapatawag tayo ni King Francis sa Palasyo" sabi ko kay Sandro.




Tinignan ako nito with his poker face.




"I'm done with my duties" sagot lang nito sa akin.





"Pero paano kung importante itong sasabihin niya, ayaw mo bang sumama?" Sabi ko pa sa kaniya.




"I don't care" sabi lang nito sa akin.





"Ahmm Almendra halika na, tayo na lang siguro ang pumunta" sabi ni Spike sa akin at hinila na ang kamay ko.




Mukhang wala naman na akong magagawa kaya hinayaan ko na lang.



*****



Nagbihis lang kami ni Spike para presentable kaming haharap sa hari.



Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Palasyo nila.




"Ate Almendra what brings you here?" Biglang tanong ni Eunice sa akin nang makasalubong namin siya dito sa Palasyo.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon