CHAPTER:2

3.1K 97 12
                                    

Astrid's POV

Maaga akong nagising para magluto ng almusal at hinintay ko ring magising si Mark.

15 minutes pagkatapos kong magluto ay lumabas si Mark sa kwarto.

"Babe i'm sorry about last night" salubong ko sa kaniya pero hindi nya ako pinansin at nagdire-diretso lang sya sa banyo.

Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa lungkot.

After 15 minutes ay lumabas sya sa banyo at nakaligo na sya pagkatapos ay nagbihis na sya ng school uniform.

"Babe kumain ka muna ng breakfast pinagluto kita" masayang sabi ko sa kaniya.

"Sa school nalang" malamig na sabi nya at binuhat ang bag nya at umalis.

Napaupo na lang ako sa upuan dahil hindi ko alam kung paano ulit kami mag-kaka-ayos.

To: Babe

Babe kumain ka ng breakfast ko ah. Sorry nga pala dahil sa nangyari kagabi. I love you:*

Sent

Tinext ko na lang sya at nagbihis na para pumasok.

*****

"Oh anong meron sa mukhang yan?" Tanong sa akin ni Julie pagkapasok ko sa classroom.

"Mamaya ko na lang ikukwento nandyan na si sir" sabi ko sa kaniya at tumango naman sya.

*****

"So ano nga ang nangyari? Parang nalugi ka?" Tanong ulit nya sa akin.

Nandito kami ngayon sa rooftop ng isang building sa school. Dito namin napiling mag lunch dahil tahimik at walang ibang pumupunta dito.

"Kagabi umuwing late si Mark tapos lasing pa" panimula kong kwento.

"Eh may nagawa kasi akong ikina  galit nya, nasampal ko sya pero humingi naman ako ng sorry kanina pero hindi nya ako pinansin" malungkot na kwento ko sa kaniya.

"Ibang klase ka gurl, sinampal mo dahil uminom lang? Eh kung ako yun magagalit din ako sayo" sabi nya at nag cross arms pa na parang damang dama ang sinasabi.

"Hindi dahil dun" sabi ko pa.

"Eh ano ba? Tumbukin mo na kaya" sabi nya na parang medyo naiinis.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko dahil baka magalit sya kay  Mark.

"K-kagabi kase p-pinipilit ako ni Mark na may mangyari samin p-pero ayaw ko pa tapos bigla nya nalang akong hinalikan sa leeg at hinawakan sa katawan kaya sa sobrang gulat konay nasampal ko sya" nanginginig na kwento ko sa kaniya.

Bigla naman syang napatayo.

"ANONG SABI MO?! HINARASS KA NYA? TAPOS IKAW HUMINGI KA PA NG SORRY NUNG NASAMPAL MO?! KUNG AKO SAYO HINDI LANG SAMPAL ANG AABUTIN NG HAYOP NA YAN!" Halata sa mukha nya na galit na halit sya dahil sa kinwento ko.

"Huminahon ka muna" sabi ko sa kaniya at pilit na pinapakalma.

"Paano ako kakalma trid?! Eh ginawa nya yun sa kaibigan ko! Tapos ikaw 'tong tanga gusto mo pang magka-ayos kayo sa kabila ng ginawa nya sayo" galit pa rin na sabi nya.

"Hoy mahal ko lang sya kaya gusto kong magka-ayos kami" dipensa ko sa sarili ko.

"Katangahan lang yan Astrid! Tingin mo mahal ka din nya?" Tanong naman nya sa akin.

"Oo mahal nya din ako noh" sabi ko naman sa kaniya.

"Kung talagang mahal ka niya makakapaghintay syang ibigay mo yung buo mong sarili sa kaniya at hindi yung pipilitin ka nya ng ganyan" sabi pa ni Julie sa akin.

"Kung hindi nya ako mahal, hindi kami aabot ng 2 years" sabi ko sa kaniya.

Nabatukan naman nya ako kaya napakamot ako sa ulo ko.

"Hindi kayo aabot ng 2 years kung ibinigay mo na ang sarili mo. Diba sa loob ng 2 years ano ang lagi mong ikinukwento sa akin na lagi ka nyang niayaya sa ganon. Diba?" Parang nabuhusan naman ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi nya.

Totoo lahat ng sinabi nya. Kung ganon nya totoo rin bang hindi ako mahal ni Mark. Na katawan ko lang ang gusto nya.

Parang pinipiga ang puso ko sa mga oras na ito at sa mga realization.

"Oh natameme ka ngayon. Makipag-hiwalay ka na dyan dahil kung hindi friendship natin ang matatapos. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kaniya kapag nagkasalubong kami" sabi nya sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya na may halong gulat.

Pero mahal ko si Mark, mahal ko din ang kaibigan ko.

"Follow your friend advice"

Nagulat kaming dalawa ni Julie nang may biglang magsalita sa likod namin sa napakalamig na boses.

Isang lalaking sobrang gwapo at sobramg puti din pagkatapos ay mapupula ang kaniyang mga labi.

Hindi ko sya kilala dahil mukhang bago lang sya.

"K-kanina ka pa dyan?" Kinakabahang tanong dahil nakakahiya kung narinig nya ang mga pinag-uusapan namin ni Julie.

"Yes, i heard it all. Don't worry hindi ko ipagkakalat kaya wag kang mahiya kung narinig ko man" sabi pa nito pero seryoso pa rin ang itsura nito.

Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi nya. Nababasa nya ba ang nasa utak ko.

"I'm not a mind reader it's just obvious with your reaction" sabi pa nito.

Napakunot ulit ako pero agad ko ding inayos ang itsura ko.

"Next time wag mo syang batukan" sabi naman nito kay Julie na gulat na gulat pa rin at pagkatapos ay naglakad na ito paalis.

"Uyy Julie" tawag ko kay Julie na parang may after shock pa.

"Ang gwapo. Mukhang sya yung transferee" sabi ni Julie.

Ah transferee pala ngayon ko lang nalaman.

"Gwapo nga kaso chismoso naman" sabi pa ni Julie.

"Shh baka marinig kapa nya" pagbabawal ko sa kaniya.

*****

Natapos ang buong araw ng pasom namin.

"Yung pinag-usapan natin" sabi ni Julie sa akin na ang tinutukoy ay ang pakikipaghiwalay kay Mark.

Tumango nalang ako sa kaniya at nagpaalam na.

Siguro ay bibigyan ko pa ng isang pagkakataon si Mark para patunayan kung talagang mahal nya ako.

Naghintay ako ng 15 minutes sa waiting shed sa labas ng school kay Mark.

Halos wala ng estudyante pero hindi ko pa rin sya nakikitang lumabas.

Kaya naisipang puntahan sya sa room nila baka may tinatapos lang syang project.

Limang minuto lang at narating na ako sa tapat ng pintuan ng room nila.

May narinig akong parang ingay kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko ngayon.

*****

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon