CHAPTER:7

2.4K 60 5
                                    

Astrid's POV

Pagkagising ko ng umaga ay mabilis akong naligo at nagbihis para pumasok. Gusto kong masiguro na ayos lang si Ashley.

Pagdating ko sa school ay agad akong dumiretso sa room nila Ashley pero wala daw sya sabi ng mga classmates nya.

Naghintay pa ako sa kaniya hanggang sa magring na ang bell ay wala pa sya. Pumasok na lang muna ako.

"Oh san ka galing? Bakit ganyan yung itsura mo?" Tanong ni Julie sa akin pagkaupo ko sa tabi nya.

Isa pa sa mga bumabagabag sa isip ko ay yung lalaki kagabi. Paano sya nakapasok sa bahay?!

"A-ah nag-aalala kasi ako kay Ashley" sagot ko kay Julie.

Nasapok nya naman ako ng mahina.

"Hibang ka ba? Bakit ka naman mag-aalala dun sa babaeng yun?! Matapos nang ginawa nya sayo" inis na sabi nya sa akin.

"Kumalma ka nga muna. Oo galit pa rin ako sa kaniya pero matindi kasi yung karma na bumalik sa kaniya" paliwanag ko kay Julie.

Bigla namang napakunot ang itsura nito.

"Anong karma?" Tanong nya sa akin.

Inilabas ko ang cellphone ko at hinanap yung video pagkatapos ay pinanood sa kaniya.

"Ano yan?" Tanong pa nya sa akin na parang nagtataka.

"Panoorin mo" sabi ko sa kaniya at pagkatapos ay pinanood na nya.

Bigla syang napahawak sa bibig nya at halata ang gulat sa itsura nya.

Nanginginig na yung kamay nya habang pinapanood ito kaya kinuha ko na ito sa kaniya.

"Sino ang gumawa nun kay Ashley?" Kinakabahang tanong nya sa akin.

"Shhh 'wag ka munang maingay" sabi ko sa kaniya kasi baka marinig nila kami at mapagbintangan na naman ako.

"Don't tell me pinatrabaho mo yan" bulong ni Julie sa akin.

Napasapo naman ako sa noo ko dahil sa sinabi nya.

"Hindi ako ganoon kasamang tao para gawin yun, nag-aalala nga ako sa kaniya kaya hinintay ko sya sa room nila kanina pero wala pa sya" sagot ko sa kaniya.

Napatango naman sya sa sinabi ko.

"Sino kaya ang lalaking iyon?" Tanong pa ni Julie.

"Hindi ko din alam eh. May isa pa pala akong ikukwento. Kagabi kasi may lalaking biglang nakapasok sa kwarto ko hindi ko makita ang itsura nito basta bigla na lang akong nahilo at diko na alam ang nangyari" pagkukwento ko sa kaniya sa nangyari kagabi.

"Haluhh tehh!!! Hindi kaya minumulto ka ni Mark dahil sa ginawa mo kay Ashley" sabi pa ni Julie kaya nakurot ko sya sa tagiliran.

"Hindi totoo ang multo at isa pa hindi nga akong may gawa non kay Ashley" nagpipigil na inis na sabi ko sa kaniya.

"Sorry nagjojoke lang ako eh" sabi nya sa akin.

Tinanguan ko na lang sya.

"Pero hindi kaya nananginip ka lang kagabi?" Tanong nya sa akin.

"Imposible yun. Pupuntahan sana kita para humingi ng tulong tapos biglang nangyari yun" sagot ko sa kaniya.

Imposible talagang panaginip yun dahil   alam ko amg mga nangyari at totoo lahat.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon