CHAPTER:54

826 30 2
                                    

Astrid's POV

"Hayss ganyan ka ba magluto?" Reklamo sa akin ng tukmol na Ethan na ito.

"Kung gusto mo ikaw na lang" sabi ko at inabot sa kaniya ang sandok na hawak ko.

Ilang araw na akong ginugulo ng lalaking ito tungkol sa maraming bagay.

Napilitan lang akong magluto dahil inutusan lang ako ni Ama na pakisamahan ang so called Future Husband ko.

"Eh kung ganyan ka, paano mo ako bibigyan ng masarap na Almusal?" Tanong nito sa akin.

Sa totoo lang ay iritang-irita na ako sa lalaking ito.

"Sino bang nagsabing pinakasalan kita para maging katulong mo?" Iritang balik na tanong ko sa kaniya.

"Eh diba trabaho ng asawang babae ang ipagluto ang mga asawa nila?" Sagot pa nito sa akin.

Aba ang kapal talaga ng mukha nito.

"Pumayag akong magpakasal dahil sa posisyon ko, at para na rin mapangalagaan ang pangalan naming mga Argon, hindi ba't ikaw rin?" Mataray na sagot ko naman sa kaniya.

"A-ah oo nga pala, kapag arrange marriage ganon pala talaga ang kadalasang dahilan" parang naiilang na sagot niya sa akin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil wala akong balak na makipagkwentuhan.

"Ako kasi kahit na arrange marriage lang ito, i'm still hoping na magkakaroon ako ng isang masayang pamilya at asawang mamahalin din ako" sabi nito sa akin.

Nawala ang pagkakawela ng itsura niya.

"Pwes hindi mangyayari iyon" sagot ko sa kaniya.

Napatango na lang siya dahil sa sinabi ko at nagbigay ng pilit na ngiti.

****

Napag-isipan ko na pumunta sa Park, pamilihan at sa anong lugar dito sa Lamia Mundi para tignan kung ginagawa ba ng mga normal na bampira ang kanolang trabaho.

Naglalakad ako pasakay sa kalesa nang may marinig akong pamilyar na boses ng babae na nagsalita na parang nag-eecho.

"Nagaganap na ang nakasulat sa Propesiya"

Sabi nito pero wala akong ibang kasamang bampira dito.

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin non kaya hinayaan ko na lang muna.

Hindi pa man ako nakaksakay wa kalesa nung biglang may sumulpot sa harapan ko.

"Can we talk?" Tanong ni Sandro sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Tinabig ko ito at bahagyang umatras.

"Tungkol saan?" Walang ganang tanong ko sa kaniya.

"About us" sagot niya sa akin.

Ano ba ang kailangan ng isang ito sa akin??

"Huh?? Ano bang meron sa atin? Wala naman diba? Kaya wala din tayong dapat pag-usapan" tuloy-tuloy na sagot ko sa kaniya.

"Please, Just for this moment" pagmamaka-awa niya at dahan-dahang lumapit sa akin.

"Don't you dare to touch me" banta ko sa kaniya kaya napatigil siya sa kintatayuan niya.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon