CHAPTER:46

918 31 0
                                    

Astrid's POV

Ilang days din ang lumipas mula nung umalis si Sandro at bumalik kay Ama.

Nagtataka ako dahil madalang na lang siyang magpadala ng sulat maybe because masyado lang silang busy sa mga ginagawa nila.

Pero hindi mapalagay ang loob ko hangga't alam kong kasama niya ang babaeng higad na iyon.

"Focus" sabi ni Spike sa akin.

Kasama ko si Spike ngayon dahil tinutulungan niya ako sa training ko.

"H-huh?" Parang wala sa sariling tanong ko.

"Kanina pa malalim ang iniisip mo, hindi ka na makapagfocus. Ano ba ang iniisip mo?" Tanong ni Spike sa akin.

Napailing naman ako dahil sa tanong niya.

"Ah wala lang 'to. Medyo nahihilo lang ako kaya ganito" sabi ko sa kaniya na totoo naman.

"Ah ganon ba? Oh sige magpahinga ka na muna diyan at kukuhanan kita ng pagkain baka nagugutom ka na" sabi ni Spike at ngumiti.

"Sige salamat" sabi ko at gumanti mg ngiti pagkatapos ay umupo muna sa upuan.

"Binibining Astrid mayroon po kayong sulat" biglang sulpot ng katulong namin at may dala siyang nakarolyong papel.

Parang bigla akong ginanahan dahil baka galing ito kay Sandro.

Mabilis akong tumayo at lumapit sa kaniya.

"Salamat po" sabi ko sa katulong namin at umalis na siya.

Mabilis kong binuksan ang sulat binasa ito.

Parang nalungkot naman ako dahil hindi kay Sandro galing ang sulat.

Astrid magkita tayo bukas ng alas-singko ng umaga sa may batis may gusto akong sabihin sayo.

                  
                           -Almendra


Napakunot-noo naman ako dahil nagtaka ako kung bakit kailangan pang magpadala ng sulat ni Almendra eh pwede naman akong pumunta sa kanila at doon na lang kami mag-usap.

Masyado bang seryosong bagay ito kung bakit kailangan sa may batis pa kami mag-usap?

"Oh ano yan? Natulala ka nanaman" biglang sulpot ni Spike na may dalang juice at tinapay.

Mabilis ko namang tinupi ang papel at umarte na parang walang nangyari.

"Ah wala, galing kay Ama, ayos naman daw sila doon" sabi ko at nginitian siya.

Tumango siya ay nginitian ako.

Umupo na ako at kumain ng dala niya.

*****

Lumipas ang isang araw at ngayon na ang araw na hiniling ni  Ate Almendra na mag-usap kami.

4 am palang ay nalahanda na ako, halos hindi nga ako nakatulog dahil sa ka-iisip kung ano ang sasabihin niya.

Napagpasyahan ko ng umalis dahil sampung minuto na lang bago mag alas-singko.

Siguro hindi naman susugod ang mga Black Soul dahil parte pa rin ng Kaharian ng mga Royal Blood Vampire ang Batis.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon