CHAPTER:51

881 32 4
                                    

Jethro's POV

Nandito ako ngayon sa opisina ko at nag-aayos ng mga papeles para sa mga pwedeng ayusin sa mundo namin.

Dahil parang kami na ang namumuno dito dahil tinitingala si Papa ng lahat bilang isang Hari.

"Kuyaaaaa!" Hingal na tawag sa akin ni Eunice.

"Oh ba't hingal na hingal ka? Maupo ka muna" sabi ko sa kaniya.

"Kuya you need to know it" sabi niya sa akin na bakas sa mukha ang pangangamba.

"Ano yun?" Tanong ko sa kaniya.

"Si Ate Astrid pumayag na magpakasal sa isang Prinsipe" sabi ni Eunice sa akin.

"Ano?!" Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Eunice.

"And parang nag-iba na si Ate" malungkot na sabi pa nito.

Lumapit ako kay Eunice hmat hinaplos ang ulo nito.

"Huwag kang mag-alala maayos ang lahat ng ito" sabi ko sa kaniya.

"I hope so" sabi naman ni Eunice.

Hindi ko akalain na papayag si Astrid, alam kong may dahilan ang lahat.

Kailangan kong makausap si Astrid.

****

Hinanap ko si Astrid sa buong palasyo at nakita ko siya sa Garden na tahimik na pinagmamasdan ang mga bulaklak.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya.

Alam kong napansin niyang nandito ako pero hindi niya ako pinansin.

"Astrid can we talk?" Paunang sabi ko sa kaniya.

Napatingin naman siya sa akin na walang emosyon.

"You're already talking" sagot nito sa akin.

Nagulat ako sa sagot niya sa akin dahil hindi ganito si Astrid.

"A-Ah oh yes, gusto ko lang malaman kung bakit ka pumayag na magpakasal?" Tanong ko sa kaniya.

Bigla naman siyang nag-cross arms.

"Dahil iyon ang obligasyon ko, mo, natin, Kuya" may diin na sabi ni Astrid sa akin.

Nakakapanibago na ganito ang trato niya sa amin ngayon.

"Pero ikaw na din ang nagsabi na mahalin natin ang mga taong mahal natin diba?" Malungkot na sabi ko sa kaniya.

Ngumisi naman siya dahil sa sinabi ko.

"Kalimutan mo na yung sinabi ko Kuya, ang importante ngayon kung ano ang mas tama, iyon ang gawin natin" sagot nito sa akin.

"Kung magpapakasal ka sa isang Prinsipe, paano si Sandro?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

Napatingin siya sa malayo pagkatapos ay muling tumingin sa akin.

"Si Sandro??? Hmm, kumpara sa atin ay mas mababa sila sa atin kaya bakit makiki-level sa kaniya? Hindi ko ibababa ang sarili ko para sa kaniya" sabi nito sa akin habang napapangisi.

Hindi na talaga siya ang Astrid na kilala ko.

"Astrid hindi mo alam iyang sinasabi mo" saway ko sa kaniya.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon