CHAPTER:14

1.6K 47 4
                                    

Astrid's POV

Pagkatapos ng klase namin ay napagpasyahan ko munang dalawin si Mark.

Nandito ako ngayon sa harap ng puntod nya.

"Mark kahit niloko mo ako mahal pa rin kita" sabi ko at medyo maluha-luha na.

"Ayos lang sa akin na nakikita kang masaya sa iba basta't alam kong buhay at masaya ka dahil kahit na matagal ay kakayanin kong mag move on" sabi ko pa at hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadya.

"Pero kung ito talaga ang nakatadhana para sayo, para sa atin, ay tatanggapin ko na. H-hindi na natin maibabalik ang lahat" sabi ko pa at humagulgol na.

Hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko kay Mark dahil matagal ang pinagsamahan namin.

"Mark diba minahal mo din ako kahit konti?" Parang baliw na tanong ko sa harap ng puntod nya.

"Ano ba 'to? Alam kong hindi ka na sasagot pero tinatanong pa kita" sabi ko pa medyo natawa ng kaunti.

"Mark sa tingin ko dito na matatapos ang lahat. Sana kung nasaan ka man ay maging masaya ka para sa akin. Mahal kita" sabi ko at pinunasan na ang luha ko at tumayo na.

Pagtalikod ko ay isang sampal ang dumapo sa pisngi ko kaya napasalampak ako at nalaglag ang mga gamit ko.

Hinawakan ko ang pisngi ko at dama ko ang init nito.

"Sa wakas wala na ang mga alipores mo" nakangising sabi ni Ashley sa akin kasama ang dalawa nyang alalay.

Naka Arm brace ang isa nyang braso at may band aid din sya sa mukha.

Naalala ko ang video na isinend sa akin last time.

Imbes na magalit ako sa ginawa nya ay bigla akong nakaramdam ng awa dahil sa itsura nya ngayon.

"A-anong nangyari sayo?" Tanong ko sa kaniya habang nakaupo pa rin.

"Huwag ka ng mag-maang-maangan alam kong inutusan mo ang mga alipores mo para gawin ito sa akin" galit na sabi nya.

Napakunot naman ako ng noo. Anong sinasabi nyang alipores? Sino?

"Ano bang pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Yung kasama mong dalawang lalaki. Sila ang may gawa nito sa akin. Pinahirapan nila ako at tinakot na huwag kang sasaktan!" Sigaw pa nito sa akin.

Teka sila Spike at Alessandro?

Pero bakit?

"At ngayong wala sila, walang magtatanggol sa iyo. Baka nga hindi ka na umabot hanggang bukas" galit na galit na sabi ni Ashley at pinagtulungan na nila ako.

"Ahhh!!" Sigaw ko ng sipain ako sa sikmura ng kasama nya.

"Tama na" pagmamaka-awa ko sa kanila dahil hindi lang sipa ang ginagawa nila sakin kundi sabunot at sampal din.

Sinusubukan kong i-iwas ang mukha ko pero hinihila nila ito.

"Ahh" inda ko ng hablutin ni Ashley ang buhok ko.

"Any last word?" Tanong nya at tumawa.

Unti-unti kong nararamdaman ang init mula sa aking katawan. Parang may kung anong nagkukubli sa loob ko na gustong lumabas.

"SINABING TAMA NA!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at naitulak ko na sila ng ubod ng lakas. Sila naman ang nakatumba ngayon at ako na ang nakatayo.

Dahan-dahan ko silang tinignan at bigla akong napangisi dahil sa nakikita ko.

Parang bigla silang natakot dahil napapa-atras sila.

"Halimaw!!" Sigaw ni Ashley at mabilis na tumayo at nagtakbuhan sila.

Parang natawa naman ako dahil kanina ang tapang-tapang nya pero ngayon parang maiihi sila sa takot.

"Sa ganda kong ito tatawagin nya akong halimaw" bulong ko sa sarili ko at pinagpagan na ang sarili ko pagkatapos ay pinulot ko ang mga gamit kong nagkalat.

Kinuha ko ang salamin ko sa bag ko para tignan ang itsura ko.

Nabitawan ko agad ang salamin dahil sa gulat na nakita ko sa itsura ko.

Literal na naging pula ang mga mata ko. Anong nangyayari sa akin? Kaya ba tinawag ako nila Ashely na halimaw?

*****

Kinabukasan ay hindi ko alam kung paano ako haharap kay Julie dahil may band aid na rin ako sa mukha. Galit na galit nga sya nang sinabi kong si Ashley ang may gawa nito.

Kasalanan ito ng bwisit na Ashley na yun eh. Hindi ako makatulog kagabi dahil sa kakaisip sa nangyari sa akin.

Imposible naman may sore eyes ako dahil agad ding nawala ang pamumula ng mga mata ko kahapon. Maging ako ay natakot sa naging itsura ko.

"Nyem*s yang Ashley na yan. Pag talaga nakasalubong ko yan sa daan sisiguraduhin kong gagawin ko lahat ng ginawa nya sayo" inis na inis na sabi ni Julie.

Hindi ko na kinwento sa kaniya ang tungkol sa nangyari sa aking mga mata dahil gusto ko ako muna ang nakakaalam.

Maya-maya lang ay biglang dumating sila Alessandro at Spike dito sa rooftop.

Gusto ko munang umiwas sa kanila. Gusto kong ako mismo ang makadiskubre ng kung ano ang tinatago nila. Ayokong idamay si Julie dito.

"What happened to you?" Alalang tanong ni Alessandro nang makita ang itsura ko.

"Pinagtulungan sya nila Ash--" sasabihin na sana ni Julie pero agad ko itong pinutol.

"Wala" may diing sabi ko.

"Ayos ka lang ba?" Tanong pa ni Spike.

"Oo" maikling sagot ko. Kung dati ay nginingitian ko sila, ngayon ay hindi ko magawang gawin iyon.

"Astrid, tell me what happened?" Seryosong tanong ni Alessandro at hinawakan ang kamay ko.

Tinabig ko naman agad ang kamay nya. Parang nasasaktan ako sa nangyayaring ito. Pero kailangan ko munang umiwas para magpalamig.

"Sinabing wala" seryosong sagot ko sa kaniya at kinuha na ang bag ko para pumasok sa room.

"Julie halika na" tawag ko kay Julie kaya agad naman syang sumunod.

Nang nasa room kami ay tinanong ako ni Julie.

"Nag-away ba kayo?" Tanong ni Julie sa akin.

"Hindi. Bakit naman kami mag-aaway?" Sabi ko kay Julie at nginitian sya para maniwala.

"Galit ka ba sa kanila?" Tanong pa niya.

"Hindi ako galit Julie" sagot ko pa.

"Concern lang ako sa frienship nating apat baka masira dahil sa galit na yan" malungkot na sabi ni Julie.

"Apat? Dalawa lang tayong magkaibigan" sabi ko sa kaniya.

Halata sa itsura nya na naguguluhan sya.

"Astrid ano bang nangyayari sayo?" Naguguluhang tanong nya sa akin.

Hinawakan ko ang kamay nya at tumingin ng diretso sa kaniya.

"Magmula ngayon wala kang sasabihin sa kanila tungkol sa mga nangyayari sa atin. Wala tayong ibang pinagkakatiwalaan dito kundi tayo lang. Maliwanag?" Sabi ko kay Julie.

Naguguluhan ma'y nagawa nyang tumango. Alam kong alam nya na may malalim akong dahilan kaya ko sinabi iyon.

*****

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon