CHAPTER:33

1.1K 44 5
                                    

Astrid's POV

Hindi ako makapaniwala sa narinig kong iyon, kaya ba malawak ang ngiti ni Sandro kanina dahil kay Esmeralda? Mahal niya pa rin ba kaya siya?

"Puntahan muna natin si Sandro tutal maliwanag pa naman" sabi ko kay Eunice.

"Nice idea" sagot niya naman at sumakay na kami sa kalesa.

"Magmula ngayon ay rerespetubin mo na ang mga nakatatanda sa iyo at kapag nakalimutan mo kaming respetuhin kahit na isang beses lang yan ay isusumbong kita kay Ama" sabi ko kay Eunice.

"Ang hirap naman niyan" reklamo niya.

"Oo nga noh anyways sabihin mo lang kung mas gusto mo yung parusa ni Ama kaysa sa parusa ko" sabi ko sa kaniya at nakangiti na parang demonyo.

Dinemonyo niya ako kaya dedemonyohin ko din siya.

Napahinga naman siya ng malalim.

"Sige na p-po A-Ate Astrid" parang nahihirapan niya namang sabi at napapangiti ng pilit.

Parang gusto kong matawa sa itsura niya.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa palasyo nila Sandro.

Pumasok kami agad at nadatnan namin sina Don Apostol at Doña Crisanta.

Nagmano ako sa kanila at nginitian sila.

Nakatingin lang si Eunice sa kanila kaya kinalabit ko siya binigyan ng tingin na gayahin niya ang ginawa ko.

Wala naman siyang nagawa kaya ginaya niya ako.

"Nakakatuwa naman kayong magakapatid" sabi ni Doña Crisanta habang nakangiti sa amin.

"Heheh" hindi komportableng tawa ni Eunice.

"Oh maupo muna kayo at tatawagin ko si Almendra" sabi ni Doña Crisanta.

"Ah si Sand- I mean Kuya Sandro po ang pinunta namin dito" sabi naman ni Eunice kaya napatingin ako sa kaniya.

Diretsahan talaga ang batang ito.

"Ahh wala si Sandro rito, akala ko ikaw yung kasama niyang babae kanina" sabi naman ni Don Apostol.

Parang nanikip ang dibdib ko sa sinabi ni Don Apostol.

"A-Ah hindi po" sagot ko naman.

Bakit hindi man lang nagsabi si Sandro sa akin.

"Ah mauna na po kami pakisabi na lang po kay Kuya Sandro na dumaan kami" sabi ni Eunice kina Don Apostol.

"Oh sige ija, mag-iingat kayo" sabi ni Doña Crisanta.

Hinila na ako ni Eunice palayo doon. Hindi ko man lang magawang ngumiti.

"That F*cking B*tch arghh" inis na sabi ni Eunice nang makalabas kami.

Hindi ko rin magawang magsalita agad dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ko ngayon.

"B-Baka may importante lang silang p-pinag-usapan" nauutal na sabi ko kay Eunice.

Napairap naman siya.

"Are you blind? Astr- Ate sa tinginan nila kanina parang mahal pa rin nila ang isa't-isa" sabi naman ni Eunice.

"Tumigil ka ngang bata ka" pagbabawal ko sa kaniya kasi hindi ko na kinakaya itong mga naiisip ko.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon