CHAPTER:69

794 31 2
                                    

Eunice's POV


Nandito ako sa palasyo namin at kausap ko si Ate Clara na nag-aalala rin dahil wala pa si Ate Astrid.


"Anak!" Narinig kong sigaw ng pamilyar na boses.


Pagtingin ko ay si Papa humahangos habang papalapit sa amin.



"Papa! Salamat naman at nakabalik kana" salubong ko kay Papa at niyakap siya ng mahigpit, gumanti din siya ng yakap.



"Dahil sa ate Astrid mo" sabi ni Papa sa akin.



Napabitaw naman ako ng yakap kay Papa at tinignan siya.

"Papa nasaan po si Ate Astrid? Kasama niyo na po ba siya?" Excited na tanong ko sa kaniya.


Bigla namang napayuko si Papa at kita ko ang lungkot sa kaniyang mukha.



Umiling siya.



"Habang inililigtas niya ako ay nahulog siya sa bangin" sagot ni Papa at biglang humagulgol ng iyak.


Halos natulala lang ako at hindi makapaniwala, umiling-iling pa ako dahil ayaw mag sink in sa utak ko ang sinabi ni Papa.



"Kawawang Astrid" biglang sambit ni Ate Clara na ngayon ay humahagulgol na din sa iyak.



"No! Hindi, buhay si Ate Astrid at babalik siya, makikita pa natin siya!" Sigaw ko sa kanila.


Bigla namang lumapit sa akin si Papa at niyakap ako ng mahigpit.


"Anak huwag na nating pahirapan ang mga sarili natin, ayoko man mawalan ng pag-asa pero sobrang taas ng bangin na iyon at malabong makaligtas pa siya" sabi ni Papa sa akin.



"Hindi, pakiusap hanapin pa natin siya" pagmamaka-awa ko kay Papa.



"Anak, gustuhin ko man na bumaba sa bangin, ngunit walang daan upang makababa doon" sagot ni Papa.




Halos hindi na ako makapag-salita, tanging iyakan na lang ang maririnig sa amin.



*****


Almendra's POV



"Magpahing muna tayo ng bahagya atsaka na tayo babalik doon upang maghanap" sabi ko kina Sandro at Spike na hindi alintana ang pagod.



Gustong-gusto ko na ring makita si Astrid upang masigurong ligtas siya at pati na rin ang kaniyang anak.



"Paano ba natin matatalo si Pandora?" Biglang tanong ni Spike sa kalagitnaan ng pagpapahinga namin.



Napa-isip din ako sa tanong niyang iyon.



Madami na ang nakasubok na kalabanin si Pandora ngunit hindi nila mapatahimik ng pang habambuhay si Pandora.


"Isang bampirang hihigit pa sa lakas na tinataglay niya ang makakatalo sa kaniya" tanging sagot ko sa kaniya.



"Astrid" biglang sagot din ni Sandro.



Tama si Astrid lamang ang makakapagligtas sa amin at satingin konay nalalapit na iyon.



"Kaya kailangan na natin siyang mahanap" sabi ko sa kanilang dalawa.



Halos ayaw na ding magpahinga ni Sandro kung hindi ko lang siya pinilit.



"Ate Almendra" napatingin ako sa pintuan ng palasyo nang marinig na tinawag ako ni Eunice.



Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon