CHAPTER:18

1.5K 51 4
                                    

Alessandro's POV

It breaks my heart seeing her being hurt.

But she have to know everything because it's her destiny.

I know that it's hard to accept those revelations but we can't do anything about it because it is who she really is.

I hope that wound will heal soon.

"Mabuti pang hayaan na muna natin sya para makapagpalamig dahil mahirap ito sa kaniya" sabi ng Daddy ni Astrid.

He's Dad is a retired vampire hunter. I investigate everything about them.

That's why he feel our presence when we tried to follow Astrid.

I ask them to tell Astrid everything because our clan really need her to save us.

Everyone thinks that she's just a normal girl but they don't know that she's a Powerful Woman.

This is our task, to find the Savior of Vampires Pack.

****

Astrid's POV

Nagmukmok ako sa kwarto habang iniisip pa rin ang mga sinabi nila sa akin.

Sa tagal ng panahon ngayon ko lang nalaman ang lahat ng ito.

Mas mabuti bang hindi ko na lang nalaman? O mas mabuting nalaman ko?

Kailangan daw ako ng Clan namin para iligtas sila pero paano ko gagawin eh ganito lang ako. Hindi ko rin kayang iwan ang pamilya ko rito.

Pero gusto kong makilala ang tunay kong ama.

Kahit hindi ko lubusang kilala ang aking tunay na ina ay malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil ipinagkatiwala nya ako sa mga taong tunay na nagmahal sa akin at inalagaan ako.

Wala akong galit na nararamdaman sa kanila. Alam kong nagawa lang nila iyon dahil sa kahilingan ng tunay kong una.

Kailangan ko na nga bang harapin ang tunay na ako?

*Ting*

Maya-maya lang habang nag-iisip ako ay may nareceive akong text.

From: Julie

Astrid helpn me, mays mga sjmsusjnod saa akin

Nang mabasa ko ang message ni Julie ay kinabahan ako. Hindi ganito magmessage si Julie maliban na lang kung emergency.

Hindi kaya nanganganib si Julie?

Hindi sya maaring mdamay dito.

Mabilis akong bumaba para puntahan si Julie sa napag-usapan namin na susunduin ko sya sa may terminal ng bus.

Pagdating ko sa baba ay walang tao sa sala. Nasa garden area siguro sila.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras mabilis akong lumabas ng bahay at pinaharurot ang kotse ni Alessandro.

"Alessandro mapatawad mo sana ako" sabi ko habang nagmamaneho ng mabilis na ang tinutukoy ay ang sasakyan ni Alessandro na baka masira ko.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na ako sa Terminal pero napakatahimik ng lugar walang katao-tao.

Bumaba ako sa kotse para hanapin si Julie pero wala akong nakita kahit na anino nya.

Tinadtad ko sya ng text at tawag pero walang sumasagot.

Ramdam ko ang pangangatog ko dahil sa pag-aalala kay Julie.

"Jusko po Huwag nyo pong pabayaan si Julie" sambit ko nang hindi ko na alam ang gagawin ko.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon