CHAPTER:64

829 27 0
                                    

Astrid's POV


Nandito ako ngayon sa Veranda ng kwarto ko, alas-singko pa lang ay gising na ako, sa totoo lang ay hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kaiisip kay Kuya Jethro.



Sobrang namimiss ko na siya, ilang oras ko na siyang hindi nakakausap, nayayakap at nasisilayan, sobra akong nangungulila sa kaniya.



Ang kailangan kong gawin ngayon ay ang hanapin ang tunay na salarin sa pagkamatay niya, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko nang mabigyan ko ng hustisya ang pagkawala ni Kuya Jethro.



"Papagpahingahin mo ang iyong isip" nagulat ako nung may magsalita sa gilid ko at iyon ay ang babaeng laging sumusulpot sa harapan ko.



"Ano po ang ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kaniya.


"Nalalapit ng maganap ang nakasulat sa propesiya at sa araw na iyon ay kinakailangan mong baguhin ang lahat ng mangyayari para sa ikatatahimik ng lahat" paliwanag nito sa akin na hindi ko pa rin maintindihan.



"Sa lahat po ng sinasabi niyo ay wala akong maintindihan. Kailan ko po ba kayo makikilala?" Sagot at tanong ko sa kaniya.



"Iyong maiintindihan ang lahat ng aking sinabi, at ang sagot kung kailan mo ako makikilala ay ngayon na" sagot nito sa akin.



Napakunot-noo ako sa kaniya.



"Kung gayon sino po kayo?" Tanong ko sa kaniya.



"Ako si Salarya o mas kilala sa tawag na...
.
.
.
.
.
.
Tandang Sally"



Sagot nito na ikinagulat ko.



"T-Tandang Sally??? A-Ang muling bumuhay sa akin??" Gulat na tanong ko sa kaniya.



Ngumiti naman siya sa akin.



"Hindi kita binuhay dahil hindi ka namatay, binawi lamang kita sa mga gustong kumuha sayo" sagot nito sa akin.



"Maraming salamat po dahil sa inyo ay nabawi ako pero paanong hindi ako namatay?" Tanong ko pa sa kaniya.



Gusto kong masagot lahat ng katanungan ko ngayon dahil lalo lamg akong nababagabag.



"Dahil sa kwintas mo" sagot niya at tinignan ang kwintas na suot ko na galing sa aking Ina.



Napahawak ako dito.



"Paano po nangyari na dahil sa kwintas ko na ito?" Takang tanong ko pa sa kaniya.



"Ang magsusuot ng kwintas na iyan ay mabibigyan ng lakas at magiging mortal" sagot nito sa akin.




Mas lalo akong nagulat sa naging sagot niya.




"P-Pero ang Ina ko? Bakit namatay siya?? Sa kaniya galing ang kwintas na ito" tanong ko pa sa kaniya.



"Malalaman mo ang kasagutan sa tanong na iyan sa takdang oras, sa ngayon ang dapat mong gawin ay pangalagaan at ingatan mo iyan" tugon niya sa naging tanong ko.



Napatitig ako sa kwintas ko at hinawakan ito.




May gusto din akong malaman tungkol sa Kuya ko.



"Tandang Sally hindi po ba nakakabuhay ka ng patay? Maaari mo po bang buhayin muli ang Kuya ko?" Namamag-asang tanong ko sa kaniya.



Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon