CHAPTER:38

1.1K 37 6
                                    

Astrid's POV

"Ama" tawag ng isang batang babae kay kuya.

Kinarga naman siya agad ni Kuya Jethro.

Bakit tinawag siyang ama nito? Anak ba siya ni Kuya Jethro? Ito ba ang tinutukoy na sikreto ni Ama?

Pero bakit naman ito isisikreto ni Kuya? Eh masaya nga kasi may pamilya na siya at magihing masaya ang palasyo dahil may bata.

"Sino ka? Isa kang espiya?" Rinig kong sabi ng isang lalaki mula sa likod ko at bigla ako nitong tinitukan ng patalim sa leeg.

Isang maling galaw ko lang ay babaon ang patalim na ito sa leeg ko.

Halos hindi ako humihinga dahil kinakabahan ako.

"Sumagot ka! Sino ka?" Sigaw nito kaya nagulat ako.

Napapikit ako ng mariin.

"Goryo bitawan mo siya, kapatid ko siya" biglang tumakbo si Kuya sa amin nang marinig siguro ang sigaw nito at pinigilan ang lalaking ito.

Bigla naman nitong binitawan ang patalim at pinakawalana ko.

Napahinga naman ako ng malalim dahil i feel relief.

Napayuko naman ako nung tignan ako ni Kuya.

"Halika doon tayo sa loob mag-usap" sabi ni Kuya at sinundan ko naman siyang pumasok sa isang nag-iisang bahay dito sa loob ng gubat.

Maya-maya lang ay nakapasok na kami sa bahay at naupo kami sa sofa.

Pagkatapos ay pinaghanda ako ng juice ng isang magandang babae na sa tingin ko ay kasing edad ko lang.

"Anong ginagawa mo rito?" Mahinahong tanong ni Kuya.

Nagdadalawang isip naman ako kung sasabihin ko ba na inutusan ako ni Ama.

"A-Ah n-nakita lang kasi kita k-kaya sinundan kita" pagsisinungaling ko.

"Astrid pakiusap sabihin mo ang totoo" pagmamaka-awa ni Kuya.

Parang hindi ko naman siya matiis dahil siyempre kapatid ko siya.

"Pakiusap huwag mo itong sasabihin kay Ama" muli pa niyang sabi na ipinagtaka ko.

"Bakit naman kuya? Sino yung batang tumawag sa iyo ng Ama? Sino gung Goryo? Anong ginagawa mo rito ?" Diretsong tanong ko kay Kuya.

Medyo naramdaman ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Siya si Rose, 4 years old at anak ko siya, dito ko sila dinala para malayo sa maraming taong mapanghusga at para na rin sa katahimikan ng pamilya ko" malungkot na sabi ni Kuya sa akin.

Nagulat naman ako sa mga revelations niya.

Si Kuya may anak? Pero bakit dito niya dinala at hindi na lang sa palasyo tutal tahimik naman doon at walang manghuhusga sa kanila.

"Woahh may pamangkin nako??? Ang cute cute niya naman" sabi ko at hinila si Rose at pinanggigilan, natatawa naman siya sa ginagawa ko sa kaniya.

Nakita ko namang napapangiti si Kuya.

"Pero kuya bakit hindi mo na lang sila dalhin sa palasyo para mas-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung putulin ito ni Kuya.

"Hindi maaari, hindi sila pwedeng makita ni Ama at hindi ito pwedeng malaman ni Ama" may halong lungkot at takot ang nababakas ko sa mga mata ni Kuya.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon