CHAPTER:68

748 22 0
                                    

Eunice's POV

Nandito parin ako sa palasyo nila Ate Almendra at naghihintay ng balita tungkol kay Ate Astrid.


"Eunice dito ka lang ah, tutulong ako sa paghahanap kay Astrid" sabi ni Ate Almendra sa akin kaya agad akong tumayo.

"Sasama ako" sabi ko sa kaniya.


"Hindi na, dito ka na lang" sabi ni Ate Almendra sa akin mabilis kong iniling ang ulo ko.


"Hindi, hindi matatahimik ang konsensiya ko hangga't hindi nahahanap si Ate Astrid, kasalanan ko ang lahat ng ito!" Sabi ko at nararamdaman ko nanaman ang pagkagalit sa sarili ko.



"Wala kang maitutulong doon kaya manahimik ka muna diyan" parang naiinis na sabi ni Ate Almendra sa akin.


"Sasama ako!" Muling sabi ko sa kaniya.



"Sinabing manahimik ka diyan! Dahil diyan sa pagiging bratinella mo kaya lalong lumalala ang gulo! Itabi mo muna yang ugali mong yan pakiusap! Gumagawa na kami ng paraan para matulungan ka kaya kung pwede makinig ka muna!" Inis na sigaw ni Ate Almendra sa akin.


Napayuko ako at naluha dahil sa sinabi niya.


Mukhang tama siya, sumosobra na nga siguro ako.


"Oh anong nangyayari dito?" Biglang sulpot ni Spike kasama si Kuya Sandro.



Napaupo na lang ako at tumahimik.



"Wala, Oh kamusta ang paghahanap niyo?" Biglang tanong ni Ate Almendra sa kanila.


"Hinanap namin siya sa Bundok Lamia pero wala kaming makita na kahit anino niya" malungkot na sabi ni Spike kaya kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.



"Hindi kaya may nangyaring masama sa kaniya?" Kinakabahang tanong ni Ate Almendra.



"Can you please shut your mouth!" Sigaw ni Kuya Sandro sa kaniya.



"Paano kung tama ako?! Ni wala kayong makitang pruweba na maayos siya" sabi ni Ate Almendra at tinignan ako ng masama.


"She's fine, She's okay, She's Alright! So shut up!" Sigaw pa ni Kuya Sandro kay Ate Almendra.



"Kumalma kayo, Hindi ito ang oras para mag-away kayo" biglang sulpot ni Tandang Sally sa harapan namin kaya napatingin kami sa kaniya at napatayo din ako at lumapit sa kaniya.



"Alam niyo po ba kung anong nangyari sa Ate ko?" Tanong ko sa kaniya.


"Hindi ko alam kung ano ang nangyati sa kaniya pero muli kong naramdaman ang kaniyang presensya at dahil iyon sa kapangyarihan na taglay niya, nais niyang ipaalam sa inyo na siya'y buhay at wag kayong mag-alala dahil kakayanin niya iyon" paliwanag ni Tandang Sally sa amin.


Napahinga naman ako ng malalim dahil sa sinabi niyang iyon.



"Salamat naman kung ganon" biglang sabi ni Ate Almendra.



"What part of that freaking Mountain can we find her?" Inis na tanong ni Kuya Sandro kay Tandang Sally.



"'Yan ang hindi ko masasagot dahil malamang ay sakop na siya ng kapangyarihan ni Pandora, manalig na lang tayo kay Astrid na makakaya niya ito" sagot ni Tandang Sally at biglang nawala.


Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon