CHAPTER:28

1.1K 44 5
                                    

Eunice's POV

"Dalhin mo ng lahat ng ito" utos ko sa tsuper namin at kinuha niya naman ang mga pinamili namin ni Astrid.

Imbes na nagbubeauty rest na ako ngayon ay kakauwi ka lang at feeling ko ang dumi ko ngayon.

Sana hindi na nila makit yung Astrid na yun.

Pagkapasok ko sa loob ay nadatnan ko sila Ama at Kuya Jethro na naghihintay sa may pintuan.

Humalik ako sa mga pisngi nila.

"Oh bakit ginabi kayo? Nasaan ang ate mo?" Tanong ni Papa sa akin.

Napayuko naman ako at nagkunwaring malungkot.

"Papa bigla na lang po kasi siyang nawala kanina at hinanap namin siya pero hindi po namin mahanap, kinuha niya nga po lahat ng pilak sa akin eh" pagsisinungaling ko.

Napapikit naman ng mariin ang si Papa.

"Hindi mo ba sinabi sa kaniya na delikadong mag-isa kapag gabi?" Seryosong tanong ni Papa.

"H-hindi ko na po nasabi dahil bigla niya po akong tinulak at nagmadaling umalis" sabi ko pa naluluha.

"Sige na pumasok ka na sa kwarto mo, hahanapin namin siya" sabi ni Papa sa akin.

"Papa huwag na" pigil ko kay papa.

Bakit kasi kailangan pa nilang hanapin ang babaeng iyon?!

"Bakit?" Seryosong tanong ni Kuya sa akin.

Mabilis naman akong nag-isip ng idadahilan.

"E-Eh kasi baka mapahamak kayo lalo na't gabi" pagdadahilan ko sa kanila.

"Hindi kami mapapahamak kung sama-sama kami" seryosong sagot ni Kuya sa akin.

Napayuko na lang ako ay pinapasok na nila ako sa kwarto ko.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at hinihiling na sana hindi na nila mahanap si Astrid.

Sana bumalik na lang siya sa mundo nila.

*****

Astrid's POV

"Teka lang po" sabi ko at kinakatok ang mga glass door ng mga shop dito dahil mabilis silang nagsasara.

Hindi ko alam kung bakit parang natataranta sila. Kapag kumakatok ako iniilingan nila ako.

Wala ng katao-tao dito sa labas kung hindi ako na lang.

Pinapatay na din nila ang mga ilaw kaya ang buwan na lang nagsisilbing nagpapaliwanag sa paligid.

"Paano ako uuwi nito?" Kinakabahang  tanong ko sa sarili ko.

Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng parang nakakatakot na tunog.

"Ki-ki-ki-ki" tunog na aking naririnig na nakakapangilabot sa akin.

Palakas ng palakas ang tunog na iyon at sobra na ang nararamdaman kong takot kaya naisipan kong tumakbo.

Paglingon ko sa likod ko ay nakakita ako ng Black Soul na mabilis na tumatakbo papunta sa akin kaya binilisan ko ang takbo ko.

Naiiyak na ako sa mga oras na ito dahil hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko pa kontrolado ang kapangyarihan ko kaya hindi ko alam kung kailan ito lalabas.

Tumakbo lang at hiwag tumigil ang naisip kong paraan para makatakas dito.

Hindi ko na alam ang dinadaanan ko dahil napadpad na ako sa isang gubat na lalong nakapag-pangilabot sa akin.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon