Kabanata 1

735 31 8
                                    

Love letter and scandal

Napangiti ako nang maayos kong naidikit ang pink heart shaped sticker sa small envelope na naglalaman ng love letter ko para kay Kiro. Araw-araw akong nagsusulat ng love letter para maidikit sa harap ng locker niya.

Tumigil na ako sa paglalakad nang mapagtanto kong ilang hakbang nalang ay nasa harap na ako ng locker niya.

Mabilis ang pintig ng puso ko sa kaba at excitement dahil sa gagawin, lalo na at nakikita kong papalapit na siya rito kasama ang kaniyang girlfriend at mga barkada.

Mabilis akong naglakad at mabilis ko ding idinikit ang envelope ng nasa harap na ako ng kaniyang locker habang nakatingin sa gawi niya.

Sa gulat ko nang tumingin siya sa gawi ko at nagtama ang aming mga tingin ay nabitawan ko kaagad ang envelope na hindi ko pa pala nalalagyan ng tape!

Nataranta ako at mas dumoble ang bilis ng pintig ng puso ko sa kaba dahil sa pagsalubong ng mga kilay niya habang nakatingin sa gawi ko.

Umiwas ako ng tingin at tumalikod, yumuko ako upang kuhanin ang love letter na gawa kong ngayon ay na sa sahig na. Mamaya ko nalang siguro ito ididikit sa locker niya kapag uwian na!

Mahahawakan ko na sana ang envelope nang may maunang makakuha nito na ikinanlaki ng mga mata ko.

Agad na lumipad ang mga mata ko sa harapan ko kung saan naroon ang lalaking ngayon ay nakatingin sa akin habang hawak hawak na ang envelope ko!

"What's this? A love letter for me?" aniya at ngumisi sa akin na ikinanlaki pa lalo nang mga mata ko.

Kumislap ng kapilyuhan ang mga kayumanggi niyang mata habang nakatitig sa akin.

Tinaasan niya ako ng makakapal na itim niyang kilay habang nanatiling may ngisi sa labi kaya't napakurap ako ng isang beses bago siya tinaasan din ng kilay.

"Love letter nga but it's not for you!" asik ko at akmang aagawin sa kaniya ang envelope na hawak nang bigla siyang tumayo kaya't napatingala agad ako sa kaniya.

Ngumisi siya.

"Akin na iyan!" Sabi ko at tumayo na rin, pilit kinukuha ang envelope sa kaniya.

"May natanggap na akong ganito dati.. sa'yo pala iyon galing," aniya habang matiim na tinititigan ang envelope.

Tiningnan niya ako, mayroon paring nakapaskil na ngisi sa kaniyang labi na ikinairita ko.

"Excuse me po, Kuya. Hindi po iyan para sa inyo-"

Kaagad na nagkasalubong ang kaniyang mga kilay at napalitan ng inis na ekspresyon ang kaniyang ngisi.

"Kuya.." aniya at binasa ang labi bago tumango tango.

"Damn, I'm only nineteen years old! Tapos ay tatawagin mo na akong Kuya?" Salubong ang kilay na aniya sa akin kaya't kumunot ang noo ko.

"Sixteen palang ako kaya Kuya kita. Now give it back to me!" sabi ko at pilit inagaw ang envelope na nasa kamay niya nang walang kahirap hirap niyang iniwas ito.

"Kung sabagay ay bata ka pa.." Aniya at umiling iling sa akin.

Tinaliman ko nalang siya ng tingin at hinabol ang pag-iwas niya ng envelope nang marahan niyang itinulak ang noo ko gamit ang kaniyang isang daliri.

"Tumigil ka. Bakit mo babawiin? Hindi ba at balak mo ngang ibigay 'to sa'kin? Don't worry babasahin ko ito, batang babae," Aniya at nginisihan muli ako na ikinainis ko.

Ngayon ay inaasar niya na ako! Close ba kami? Hindi naman 'di ba?! Hindi ko nga siya kilala! I just want him to give back my envelope to me!

"Ang kapal ng mukha mo! Sinabi ko nga na it's not for you!" inis na asik ko sa kaniya ngunit bahagya lamang siyang ngumuso at umiling.

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Where stories live. Discover now