Kabanata 4

265 20 0
                                    

Selfish

"Sa sabado ay birthday ni Mr. Persico, Ylatch's father at inimbitahan niya tayo."

Nagulat ako dahil sa sinabing iyon ni Kuya Serio. Dalawang araw ko nang hindi nakikita ang Ylatch na iyon dahil sa aking pag-iwas at sa sabado ay makikita ko siya?

Umiling ako.

"Hindi ako sasama, Kuya," sabi ko na ikinakunot ng kaniyang noo, nagtataka.

"Bakit?"

"Paniguradong tatamarin ako," sabi ko at nginisihan nalang siya na ikinailing niya.

"Bahala ka."

Iyon ang naging desisyon ko. Hindi ko pa rin alam kung ano ang dapat kong gawin tungkol sa aking nalalaman pero isa lang ang alam ko, ayaw kong masaktan si Kiro kaya't ang nalalaman ko ay sa akin na lamang.

Sa loob ng dalawang araw ay iniwasan ko si Ylatch kahit na nakikita ko siya parati sa hindi ko malamang dahilan. At ngayong huwebes lamang pala kami muling magkakausap tungkol sa nangyari.

Lunch break at oras na para sa pagdidikit ko ng love letter ko para kay Kiro sa kaniyang locker nang matigilan ako dahil naroon sa tapat nito si Ylatch, puwerteng nakahilig roon habang nakatingin sa akin.

Tumigil ako at kaagad na ibinulsa ang hawak na envelope nang bumagsak ang tingin niya roon.

Tumalikod nalang ako at akmang hahakbang na palayo nang masalita siya.

"Iniiwasan mo ba ako?"

Kaagad ko siyang nilingon at nginitian ng peke.

"Hindi. Bakit naman kita iiwasan? Close ba tayo? We're not even friends kaya hindi kita kailangang iwasan," sabi ko at inismiran siya.

"Don't worry young lady. I don't want to be friends with you," nakangising aniyang ikinainis ko lang lalo.

Ano sa tingin niya? Gusto kong makipag-kaibigan sa kaniya?! No way! Ayoko sa mga manloloko! Kumukulo ang dugo ko sa inis. Pagdating talaga sa kaniya at sa pagngisi niya ay kaagad akong naiinis! Mukha ba naman ng makapal ang mukha!

"Mas lalo naman ako! Bahala ka sa buhay mo!" inis na sabi ko at tinalikuran na muli siya.

Mabilis kong hinakbang muli ang paa ko pero ganoon din kabilis ang pag-atras ko dahil sa narinig mula sa kaniya.

"Hey, Mir. Mamaya? Sure." rinig kong sabi nito kaya't napaharap muli ako sa kaniya.

Hawak niya ang kaniyang cellphone at nakangisi habang nakatingin sa akin.

I know it's Mirella.

Napakuyom ang kamao ko. Talagang may relasyon pa rin sila?! Anong ginagawa mo Mirella? Hindi ka ba makontento kay Kiro?!

Humakbang ako palapit kay Ylatch at kakausapin na sana siya nang may humarang na grupo ng mga babae, iyong grupo ng mga kapwa niya seniors.

"Hi, Ylatch! Kumusta ka?" tanong ng isa sa mga ito.

Nagtama ang mga mata namin ni Ylatch dahil sa kaniyang pagsulyap sa akin. Saglit lang iyon dahil binalingan niya ang nagtanong na babae at nginitian.

"Ayos naman.."

"Can I have your number?"

"Sorry, but I don't like texting.."

"Edi call nalang!"

Ngumisi lamang si Ylatch at umiling.

"Puwede ba tayong mag-date?"

Napanguso ako sa inis dahil sa mga babaeng ito. Kung kailan kailangan kong kausapin ang lalaking ito ay saka sila nagsisulputan!

"Sorry, I'm taken."

Napasulyap ako kay Ylatch dahil sa narinig kong sinabi nito. Taken? Taken ni Mirella? Nagbibiro ba siya? Alam niyang may boyfriend na ang tao!

Nakikipagtawanan siya sa mga kababaihan habang nakatingin saakin. Hindi ko maitatanggi na napakasarap pakinggan ng tawa niya. So manly. Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ako papayag na masira niya ang relasyon ni Mirella at Kiro. Ayokong masaktan si Kiro.

Nang magkatinginan muli kami ni Ylatch ay tinaasan ko siya ng kilay bago ko siya tinalikuran.

Kaagad ko ring narinig ang pagpapaalam niya sa mga kababaihan kaya't binilasan ko lalo ang lakad ko. Ramdam kong nakasunod siya kaya't hindi ako tumigil hanggang sa marating ko ang manggahan na malayo sa mga estudyante.

Sumandal ako sa puno nang pumunta siya sa aking harapan. Pinagkrus ko ang aking mga braso.

"Hindi ka parin tumitigil sa pakikipagrelasyon kay Mirella?" kaagad na tanong ko bago pa siya makapagsalita.

"You sounds so mature, Sacha. Stop it, mashado ka pang bata," aniya at mahinang tumawa na ikinainis ko.

"You don't care. Sagutin mo ang tanong ko," madiing sabi ko kasabay ang talim ng tingin sakanya.

Bahagya siyang ngumuso bago tumango.

"Fine. Yes, we're still dating," pagkitbit balikat niya.

Lumunok ako at nagtagis bagang. Tiningnan ko siya habang nanliliit ang aking mga mata.

Tinaasan niya ako ng kilay, nagtataka sa pagkakatitig ko sakanya.

Natigilan ako nang mapagmasdan ko siya. He have a neat black hair, kasing itim ito ng kaniyang makakapal na kilay. May kung anong kumikislap sa kaniyang kayumangging mga mata. May matangos na ilong. Mapupulang labi, perpekto at nakadipinang panga. Napakurap kurap lamang ako ng tumikhim siya, ngayon ay seryoso na. Guwapo nga malandi at makapal naman ang mukha!

"Kumusta kayo ni Kiro? Kayo na ba?" tanong niya na ikinairap ko.

"Wala akong balak na sabihin sa kaniya ang nalalaman ko kahit na crush ko pa siya. I am not selfish like you na kayang landiin ang isang taong pagmamay-ari na ng iba," sabi ko habang nakatitig sa kaniyang mga mata.

Namulsa siya at nagsalubong ang mga kilay, parang iyong una naming pagkikita. Baka ang inis sa kaniyang mukha sa hindi ko malamang dahilan.

"Oo, tama ka. I am so selfish, Sacha. Ang akin kasi gusto ko ay sa akin lang.." aniya na ikinasalubong lamang lalo ng aking mga kilay.

"Bahala ka! Basta ay layuan mo si Mirella! Tigilan mo na ang kalandian mo!" asik ko.

Umigting ang kaniyang panga at tumingila. He grunted before looking at me again.

"Alam mo hindi din kita maintindihan. Bakit mo pinagpipilitang tigilan ko si Mirella? Ayaw mo bang maghiwalay silang dalawa at maging kayo na ng crush mo?"

"Ayokong masaktan si Kiro! Kaya pwede ba! Tigilan mo nalang si Mirella!"

"Tsk," umismid lang siya bago ako tinalikuran at mabilis na naglakad paalis.

Susundan ko ba siya? Umiling nalang ako at lumakad na rin, binilisan ko ang paglakad ko para malagpasan siya. Nang malagpasan ay walang lingon lingon akong iniwan siya. Bahala siya!

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Where stories live. Discover now