Kabanata 22

181 14 0
                                    

Galit

Namumugto ang aking mga mata sa kakaiyak habang nakakulong sa aking kuwarto. Alas dose na ngunit tila hindi ako nakakaramdam ng gutom.

Sariwa pa rin sa aking isipan ang nasaksihan ko kanina na nangyari sa pagitan nila Ylatch at Mirella.

Ano 'yon Ylatch? Kapag may araw ay ako at kapag gabi na ay si Mirella na? At kung hindi ko pa nakita ang nangyari kanina ay hindi ko mapapatunayang totoo ang sinabi noon sa'kin ni Mirella!

Pakiramdam ko ay durog na durog ang puso ko kahit tingin ko'y namatay na nga talaga ito.

Bakit ba kasi napunta sa ganito? Bakit ako naligaw? Bakit nawala ang puso ko? Bakit nanakaw! Dapat si Kiro eh.. umpisa pala si Kiro na ang gusto ko pero bakit ngayon ay iniiyakan ko si Ylatch?! Bakit kasi mahal ko na siya?! Bakit siya na hindi seryoso at hindi ako mahal?! Bakit siya na hindi ko pagmamay-ari at hinding hindi ko magiging pagmamay-ari?! Bakit?!

Ang daming tanong, ang daming bakit sa aking isipan ngunit walang naging sagot kahit sa isa man lang roon.

Nakatulog ako dahil sa aking pag-iyak at nagising lamang dahil sa ingay na nanggagaling sa baba. Paniguradong sa sala iyon.

Kaya't bumaba ako sa sala kahit namumugto ang aking mga mata at nagulat dahil sa mga nakaunipormeng pulis na nakapalibot kay Daddy na nakaupo sa sofa sa sala, nakayuko.

"What the hell?! Saan niyo naman nakuha ang ediyang iyon! Hindi magagawa ng Ama ko ang mangbaril dahil lang natalo ito! 'Di ba Dad?!" sigaw ni Kuya Serio, galit na galit.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. M-mangbaril? N-natalo? Kumalabog ang aking puso sa kaba. Sino ang nanalo? Sino ang nabaril?!

"Kuya! Daddy! Anong nangyayari rito?" tanong ko at naglandasan muli ang luha sa aking mga mata.

Ang lahat ng naroon ay napatingin sa akin maging ang mga pulis na nakabantay. Tumayo si Daddy kaya't kaagad na nagsigalawan ang mga pulis at hiawakan siya sa kaniyang magkabilaang mga braso.

"Bitawan niyo ako! Hindi ko iyon ginawa! Kailangan kong mayakap ang Anak ko!" sigaw ni Daddy, galit ngunit naglalandasan ang luha sa magkabilang pisngi.

Kaagad akong lumapit sa kaniyang puwesto at ako na mismo ang yumakap sa kaniya na ikinatigil ng mga pulis.

"Dad! Anong nangyayari?! Bakit may mga pulis?! Sinong nabaril at sinong bumaril?!" lumuluhang tanong ko at hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.

Si Kuya Serio ay panay ang mura sa aking likuran samantalang si Daddy ay inilalayo na sa akin ng mga pulis.

"Nabaril si Governor Persico at si Mr. Rivancio ang suspect, Ma'am," Iyon ang sagot ng isang pulis kaya't tiningnan ko siya.

Nagulat ako dahil sa narinig. Si Mr. Persico! Ang Ama ni Ylatch! Pero bakit si Daddy?! Hindi iyon magagawa ni Daddy!

"A-ano?! Bakit si Daddy?! May sapat ba kayong ibedensya?! Ano ba! Pakawalan niyo ang Daddy ko!" sigaw ko sa mga pulis ngunit sa huli ay napasalampak na lamang ako sa sahig ng labas ng aming pintuan. Nasaksihan ko ang pag-sakay nila kay Daddy na walang kalaban laban habang nakatingin sa akin.

"Daddy! Hindi!" sigaw ko at pinagsasapak ang sahig sa inis, galit, sakit at lungkot.

Naramdaman ko ang pagluhod ni Kuya sa aking tabi at ang kaniyang pagyakap sa akin. Humagulgol akong napasubsob sa kaniyang dibdib.

"Kuya! Anong nangyari?! Bakit si Daddy?!"

Wala siyang naging sagot na ikina-iyak ko lalo. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak ng umiyak sa piling ng aking Kuya Serio hanggang sa tuluyan akong mawalan ng malay.

Bakit yung mga gusto nating mapasa-atin ay hinding hindi napapasa-atin? Na kahit na iyakan mo pa ay hinding hindi talaga.. bakit yung kinakatakutan natin ay nangyayari? Para ba turuan tayo ng leksyon sa buhay? Ang tanong ay.. makakaya mo bang bumangon pa at matuto kung pagod ka na? Kung sobrang sakit na?

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Puro puti at nang magawi ang tingin ko sa malaking bintanang nakahawi ang malaking kurtina ay nagkasalubong ang mga kilay ko dahil sa hindi pamilyar na paligid.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at doon ko naramdaman ang aking panghihina. Sinapo ko ang aking ulo at saglit na nanatiling nakaupo, at nang maramdamang wala na ang pagkahilo ko ay dahan dahang akong tumayo at tumingin sa labas ng bintana.

Napaawang ang aking labi at napuno nang katanungan ang aking isipan. Paanong nasa Maynila ako?! Ang naaalala ko ay nasa Mansyon ako sa aming probinsya at si Daddy..

"Gising ka na pala. Kumain ka na, Sacha."

Kaagad akong napabaling sa nagsalita at nakita si Kuya Serio na gulo gulo ang buhok. Namumula ang kaniyang mga mata at bakas ang kapaguran rito. Pagod siyang naupo sa sofa pagkatapos mailapag ang pagkaing dala sa lamesa.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi.

"Anong nangyari, Kuya Serio? Bakit narito tayo sa Maynila? Si Daddy?" Sunod-sunod na tanong ko ngunit tiningnan niya lamang ako ng seryoso.

"Kahapon ka pa walang malay at ngayon lang nagising na ikinapapasalamat ko. Si Daddy ay nasa kulungan. We're here because we'll stay here from now on," aniya na naging sagot sa aking katanungan.

Napaawang ang aking labi at nagtaas baba ang aking balikat dahil sa pinaghalo halong emosyon ngunit nag-uumapaw roon ang lungkot at sakit.

Doon nagbago ang lahat. Kasabay ng pagkalayo ko sa probinsyang kinalakihan ko at sa lalaking minamahal ko ang pagkawala ng puso ko.

Nawala na ito sa'kin dati.. napunta iyon kay Ylatch ngunit ngayong wala na ako sa piling niya ay talagang nawalay na ito sa'kin.

Si Daddy ay nakulong na labis pang nagpalungkot sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Mr. Persico. Ngunit hiling kong sana'y nasa maayos na kalagayan siya.

Galit ako kay Ylatch dahil sa panloloko niya sa'kin.. pero niloko niya ba talaga ako gayong hindi naman naging kami? Kasunduan lang ang lahat.. panloloko ba ang makipaghalikan sa taong tunay niyang minamahal? Hindi.

Ngayon ay sigurado akong galit rin siya sa akin dahil sa nagawa ng aking Ama sa kaniyang Ama. Hindi pala kami puwede.. hindi kami para sa isa't isa.

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Where stories live. Discover now