Kabanata 9

209 20 0
                                    

Pagmamay-ari

Ang akala ko'y hindi na ako muling makakapagdikit ng love letter sa locker ni Kiro ay mali.

Pagkatapos naming maghiwalay ng daan ni Ylatch ay tinungo ko ang locker area at dinikitan ko locker ni Kiro ng love letter ko para sa kaniya ngayong araw nang madaanan ko na ito.

Napangiti ako nang lingunin ko itong maayos na nakadikit pagkalagpas ko rito. Humarap muli ako sa daanan at napakagat labi. Ramdam ko ang kakaibang kuryente sa aking sistema dahil sa aking ginawa. Ano kaya ang reaksyon ni Kiro sa tuwing nababasa niya ang mga sulat ko para sa kaniya?

Iyon ang naging routine ko sa mga sumunod na araw, parang dati lang kaso ngayon ay may kakaiba na dahil bago ako makadikit ng love letter sa locker ni Kiro ay sabay muna kaming naglalunch ni Ylatch. Iyon raw ang date namin kapag may pasok.

"And for today, fried chicken ulit," anunsyo niya sa akin at inayos na ang aming pagkain pagkarating ko sa manggahan.

"Bakit chicken ulit?" tanong ko, nagtataka.

"Sorry, ito lang kasi ang alam kong lutuin, I mean prituhin bukod sa egg, hotdog and bacon. Alangan naman iyon ang kainin natin ngayong lunch?" mahabang lintaya niya, tila problemado.

Napamaang ako dahil sa kaniyang sinabi at natawa na lang dahil akala ko'y marunong siyang magluto pero magprito lang pala.

"Ayos lang naman sa akin. I appreciate your effort," sabi ko at nginitian siya.

Totoo naman dahil siya nagdadala ng pagkain para sa aming dalawa at talagang niluto niya pa. Baka maging chicken nga lang ako nito.

Lumunok siya at kinagat ang labi.

"Damn, buti naman," bulong niya.

Nag-umpisa na kaming kumain habang pareho kaming nakasandal sa punong mangga.

"Iniiwasan mo na ba talaga si Mirella?"

Hindi ko alam kung bakit ko iyon naitanong gayong kahapon lang ay sinabi niya sa akin na hindi niya naman sinagot ang tawag ni Mirella.

Natigilan siya saglit bago tumango.

"Oo."

Napatango ako at nakontento dahil sa kaniyang sagot. Tama lang naman siguro ang aking pagtatanong 'di ba? Dahil iyon ang kapalit ng pagpayag kong makipagdate sa kaniya.

"Bored ka lang ba talaga kaya't naisipan mo akong i-date?" biglang tanong kong muli na nakapagpasamid sa kaniya.

Nataranta ako at agad na binigyan siya ng tubig. Tinanggap niya iyon at uminom.

"Are you joking?" tanong niya ng mahimasmasan.

"Hindi," agap na sagot ko sa kaniyang tanong.

"Puwes iyon din ang sagot ko," seryosong aniya at tiningnan ako sa aking mga mata.

Lumunok ako.

"Pero 'di ba ay gusto mo si Mirella? Bakit iniiwasan mo siya dahil lang sa hiling ko?" muling tanong ko.

Iniwas niya ang tingin sa akin.

"Naaawa lang ako sa'yo," sagot niya at saglit na natigilan.

Napatango ako at nalinawan dahil sa kaniyang sinabi. Kung ganoon ay talagang gusto niya si Mirella, baka nga ay mahal niya ito at naaawa lang siya sa akin kaya niya iniiwasan ito.

"Pero hindi parin iyon sapat na rason," sabi ko.

"Kung ano man ang rason ko, sa akin nalang muna iyon ngayon, Sacha."

Tumango nalang ako at hindi na siya kinulit pa dahil sa nahimigan kong kaseryosohan sa kaniyang boses.

Naghiwalay na kami ng daan ni Ylatch pagkatapos naming kumain. Siya ay papunta sa kanilang building at ako naman ay patungo sa locker ni Kiro para sa pagdikit ng love letter ko para sa kaniya sa araw na ito.

Natigilan ako nang mapansin ko si Mirella at ang mga kaibigan siguro nito na nasa tapat ng locker niya. Pasimple ko silang nilampasan nang mapatigil ako dahil sa kanilang pinaguusapan.

"Blooming ka ata, Mirella."

"Syempre alaga sa dilig kaya't namumulaklak," sabi ni Mirella na ikinatawa ng mga kaibigan niya.

Panay ang tukso ng mga ito sa kaniya at hindi ko mapigilang hindi makinig.

"Iba talaga kapag inlove ano?"

"Kaguwapo ba naman ni Kiro!"

Umiling nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Si Kiro ang tinutukso nila kay Mirella at hindi si Ylatch.

Bakit ko nga ba naisipan na si Ylatch ang tinutukoy ni Mirella na dahilan kaya't blooming raw siya? Sinabi na naman sa akin ni Ylatch na iniiwasan niya na ito, maging ang tawag nga ay hindi na sinasagot, hindi naman siguro siya magsisinungaling sa akin 'di ba?

Ylatch would never lie to me. Tama, iyon ang tinatak ko sa isipan ko hanggang sa hindi ko na narinig ang boses nila Mirella.

Napabuntong hininga ako at idinikit ang envelope sa harap ng locker ni Kiro nang mapansing ako na lang ang tao roon.

Napatitig ako rito. Minsan ay nagtataka ako kung nababasa ba ito ni Kiro. Para kasing wala siyang pakialam.. parang hindi siya interesado. Paano ko ba malalaman kung may pakialam at interesado siya? Magdidikit din siya ng love letter sa locker ko? Ni hindi nga niya alam kung sino ako!

Napasimangot nalang ako at umiling bago tinalikuran ang locker na iyon. Ganoon na lang ang gulat ko nang may katawan ng isang tao ang bumungad sa akin.

Napatitig ako sa dibdib nito na kaharap ng mukha ko bago kinakabahang tiningala ito.

"Ylatch!" gulat na pagtawag ko sa kaniya at kinakabahang napangiti.

Salamat naman at hindi si Kiro! Labis ang kaba ko dahil sa ediyang iyon!

Masungit ang kaniyang ekspresyon habang salubong ang kilay na nakatingin sa akin.

"Bakit ka nandito?" tanong niya.

Hindi ako nakaimik dahil roon at napasimangot na lamang. Paniguradong nakita niya ang ginawa ko.

"Bakit may pa-love letter ka pa kay Kiro?" muling tanong niya at napasulyap sa locker ni Kiro.

Yumuko ako at ngumuso.

"Bawal na ba?"

"Oo. Iwasan mo na siya at sa akin mo nalang ituon ang buong atensyon at oras mo," aniya na ikinagulat ko.

Tiningala ko siya.

"Bakit?" tanong ko.

"Dahil wala siyang pakialam sa'yo o sa love letter mo."

Napamaang ako at nakaramdam ng pagkainis sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi.

Siguro oo. Wala ngang pakialam sa'kin si Kiro pero anong karapatan niyang sabihin iyon sa akin na parang wala siyang pakialam sa mararamdaman ko? He is so selfish talaga! Hindi niya iniisip ang maaring maramdaman ko dahil sa kaniyang sinabi!

"Ano naman sa'yo ngayon?! Wala kang pakialam! Gusto ko ang ginagawa ko at wala kang pakialam roon!" singhal ko sa kaniya.

"Meron.. meron akong pakialam, Sacha."

"Bakit?!" inis na tanong ko pero hindi na siya umimik pa.

Mariing nakatikom ang bibig niya bago ako tinalikuran at inis na napasuklay sa kaniyang buhok.

"Huwag mo nang uulitin 'yang ginawa mo," malamig na aniya bago lumakad palayo.

Tinitigan ko lamang ang kaniyang likuran at umiling. Hindi mo ako madidiktahan sa nga gusto kong gawin Ylatch.

"Hindi mo ako puwedeng diktahan sa kung anong dapat kong gawin! Hindi mo ako pagmamay-ari!" sigaw ko sa kanya at mabuti na lamang ay walang ibang tao rito.

Muli siyang humarap sa akin at nginisihan ako, pero kapansin pansing wala iyong kasiyahan.

"Nagkakamali ka, Sacha. Nang sinabi kong pagmamay-ari ko na ang labi mo, ibig sabihin moon noon ay lahat sa'yo ay akin na. Akin lang."

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Where stories live. Discover now