Kabanata 23

181 14 0
                                    

Haze

Tumayo ako mula sa aking kinauupuan nang bumukas ang pinto ng clinic at pumasok ang isang babaeng may karga kargang batang babae.

"My god, baby! Ang bigat mo na!" sabi ng babae at ibinaba ang karga kargang bata na tingin ko'y anak niya.

Napasimangot ang batang babae at inayos ang suot na sunglasses, ipinagkrus niya ang kaniyang mga braso.

"I told you, Mommy, we need my Dada because I'm sure he's strong, he can carry me."

Napangiti ako habang nakatitig sa batang babae. Napanguso ang Ina nito nang sulyapan ko ito.

"Mas mahal mo na ang Dada mo kaysa sa'kin? Kurutin ko singit mo eh," anito na ikinailing ko.

Inismiran lamang siya ng kaniyang anak kaya't napailing nalang rin siya at lumapit sa akin.

"Welcome to our clinic, Madame. I'm Dra. Safaria Rivancio. How can I help you?"

"Hi, Dra. I'm Adaline Marions and this is my daughter, Eliada Fera. Ah.. mag-aampon sana kami ng pusa," anito habang nakangisi sa akin.

Sumulyap ako sa anak niya na nakatingala sa'kin habang mayroon pa ring suot na sunglasses.

Bumuntong hininga ako.

"Pasensya na, Miss Adaline. Pero wala na pong aampuning mga pusa ngayon dahil last week pa ho kami dinagsa," sagot ko at ngumiti ngunit napanguso lamang siya.

Tumingkayad siya at tiningnan ang likuran ko kaya't napatabi ako. Napapalakpak siya at malawak na napangiti.

"Ayan! Siya ang aampunin namin!" aniya at itinuro ang nasa likuran ko kaya't napabaling ako roon at nagulat ng ituro niya si Haze, ang lalaking pusa ko.

"Pusa ko ho siya, Miss. Hindi ko siya ipinapapaampon," malumanay na sabi ko at ngumiti ng tipid.

Napanguso muli siya at binalingan ang kaniyang anak. Pinantayan niya ito at tiningnan ang mukha.

"Baby, hindi raw ipinapa-ampon ni Miss Rivancio ang pusa dahil kaniya raw iyon. Pero kailangan talaga nating maibigay iyon kay Tito Hangin 'di ba?" malambing na anito sa kaniyang anak.

"Yes. We need to give that cat to Tito Hangin!"

Ngumiti si Miss Marions at sumulyap sa'kin.

"Can you change her mind?" tanong niya sa kaniyang anak na ikinatango naman nito.

Humarap sa'kin ang batang si Fera at sa gulat ko noong tinanggal niya ang kaniyang sunglasses ay napamaang ang aking labi.

"Dra. Rivancio, We badly want that cat-no my Tito Hangin want that cat of yours. Can you change your mind? Pretty please?" nakangiting anito at kinurap kurap ang kaniyang kulay asul na mga mata.

Parang may humaplos sa puso ko dahil sa kaniyang ginawa. She's so cute, ang suwerte ni Miss Marions sa anak niya.

Ngumiti ako at pinantayan siya.

"If I agree, can you promise me that your Tito Hangin will take care of my cat?" tanong ko na ikinatango niya kaagad ng sunod sunod.

"Yes! He said, he need your cat so that his cat will have a husband."

Tumango tango ako at bumuntong hininga. Sige na nga.. siguro ay imo-monitor ko nalang itong si Haze.

Napamahal na itong pusa na ito sa'kin. Last year kasi ay nakita ko siya sa labas lamang ng clinic na ito, palaboy laboy kaya't inalagaan ko. At ngayon ay magkakahiwalay kami.

Ang sakit talaga kapag may mahihiwalay na importante sa'yo..

Napailing nalang ako dahil alam ko na naman kung saan mapupunta ang aking pinag-iisip.

Tumayo ako at tiningnan si Miss Marions na nakangiti sa akin.

"Sige, papayag na ako. Pero puwede ko bang i-monitor ang pusa ko?"

"Ah wait, Dra., tanungin ko lang si Hangin!" aniya at may tinawagan sa kaniyang cellphone.

"Hangin!-" aniya sa maangas na boses ngunit napanguso bigla, mukhang may sinabi ang kausap sa kabilang linya.

Tumango siya at umismid bago ngumiti ng peke na para bang kaharap niya lang ang kausap.

"Hangin, papayag na raw si Dra. Rivancio.. kung mamo-monitor niya raw ang pusa niya kapag na sa'yo na?" aniya sa malambing na boses.

Tumango tango siya bago ako nginitian.

"Oo raw ba, Dra."

"Sige kung ganoon," sabi ko at aasikasuhin na sana si Haze nang magtanong pa si Miss Marions.

"Ano raw pangalan ng pusa Dra. Rivancio?" tanong niya kaya't natigilan ako.

Sana naman ay huwag nalang nilang palitan ang pangalan nito.

"Haze," tipid na sagot ko at inasikaso na ang pusa.

Narinig kong sinabi niya iyon sa kausap at ilang segundo pa bago sila natahimik. Nang maayos ko na ang lahat ay malungkot kong ibinigay ang hawla kung nasaan si Haze kay Miss Marions.

"Don't be sad, Dra. Rivancio. Aalagaan ito ni Attorney Hangin," aniya at nginitian ako.

Natigilan ako dahil sa kaniyang sinabi. Naalala ko ang taong nagmamay-ari pa rin ng puso ko hanggang ngayon. Ilang taon na ba ang lumipas? Eight years na at hindi man lang naibalik sa akin ang nanakaw kong puso.

Napangiti ako ng mapait.

Kumusta na kaya siya? Attorney na ba siya? Kasi ako veterinarian na.. pero hindi ko masasabing successful na ako dahil wala siya. Pero may pag-asa pa rin ba? Bakit umaasa pa rin ako? Baka nga ay may pamilya na sila ni Mirella.

Pumikit ako ng mariin at umiling. Sinipa ko ang mga naiisip. Dapat ay hindi ko na iyon iniisip!

"Dra. Rivancio."

Napamulat ako nang marinig ang boses ni Miss Marions na nakatingin sa'kin ng nagtataka.

"Ha? Yes? May sinasabi ka, Miss Marions?"

"Here's the address of Attorney Mahangin, siya ang mag-aampon kay Haze," aniya at napangiwi saglit bago ngumiti muli.

"Alam niya na naman na imo-monitor mo ang pusa," aniya kaya't tumango ako at tinanggap ang inilahad niyang papel kung saan nakasulat ang address.

Ngumiti ako.

"Sige. Salamat, Miss Marions," pagpapasalamat ko na ikinatango niya bago kinarga ang Anak na kumaway sa akin kaya't kinawayan ko rin ito. Ang ganda ng mga mata niya.

Bumagsak ang tingin ko sa hawak na papel pagkalabas nila. Hindi ito kalayuan sa aking clinic kaya't siguro'y madalas ko itong madadalaw.

Nami-miss ko na agad si Haze..

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon