Kabanata 17

194 16 0
                                    

Ang pag-amin

Ang gabing iyon ang isa sa pinakamasayang gabi sa buong buhay ko. Pakiramdam ko kasi ay kahit papaano ay may gusto sa'kin si Ylatch..

Sabado ng umaga ay nagulat ako nang makita si Kiro sa aming sala. Wala si Daddy at Kuya Serio dahil umalis na raw ang mga ito ngunit alam naman nitong dumalaw siya.

"Bakit mo ako naisipang dalawin?" nagtatakang tanong ko.

Ngumiti siya ng tipid.

"Alam kong may pagtingin ka sa'kin noon," aniya imbes na sagutin ang tanong ko na ikinagulat ko.

Hindi ko inaasahan iyon! Paano niya nalaman? Hindi ako nakaimik ma ikinangiti niya lalo.

"Alam kong sa'yo galing ang mga love letters na natanggap ko noon.. Nakita kita isang beses, first year ka palang noon at doon ko nalaman na kapatid ka ni Serio," pag-amin niya na ikinaawang ng aking labi.

"Sabi ko, bawal ka kasi bata ka pa at may girlfriend na ako. Kaya hindi ako nagpakita ng interest sa'yo kahit na ang totoo ay interesado naman talaga ako sa'yo. Akala ko hindi ka magbabago. Napapasaya mo ako sa mga kuwento mo sa letters na idinidikit mo sa locker ko," aniya na naging sagot sa mga katanungan ko dati.

Naguguluhan ako. Bakit niya sinasabi ito ngayon sa'kin? At naging interesado siya sa'kin? Nakakagulat pero mas nakakagulat dahil kalmado lamang ang kalooban ko.. samantalang ito ang mga salitang pinangarap ko dati ba sabihin niya sa'kin.

"Hanggang sa nangyari iyong pagkikita natin na kasama mo si Ylatch. Alam ko, inangkin niya lang ang love letter na iyon pero alam kong sulat mo iyon para sa'kin di'ba?"

Hindi ako nakaimik, gulat pa rin sa biglaan niyang pag-amin.

"Hindi ako naniwalang si Ylatch ang gusto mo pero noong wala na akong natanggap na letters mula sa'yo ay nagtaka na ako," pagpapatuloy niya kaya't lumunok ako.

Bumuntong hininga siya at ngumiti.

"Kaya ikaw ang inaya kong maging date ko ng gabi ng party na iyon dahil total ay wala na naman kami ni Mirella. Nakita kita.. kasayaw ni Ylatch ng gabing iyon. Ang sakit lang na huli na.. huli ko na nasabing gusto kita. At nasaktan ako na ako yung ka-date mo ng gabing iyon pero siya ang kasayaw mo," aniya pa kaya't napakagat labi ako.

"B-bakit mo sinasabi sa'kin ito, Kiro?" bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa na hindi na ikaw ang tinitibok ng puso ko?

"Dahil umaasa ako na ako pa rin ang gusto mo.." aniya na kaagad kong ikinailing.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kaniyang tabi at nginitian siya ng tipid.

"Pasensya na, Kiro. Pero.. pero hindi na.. wala na, hindi na kita gusto," sabi ko at kaagad siyang tinalikuran.

Hindi ko man gusto iyong sabihing sa kaniya pero hindi ko napigilan ang aking sarili.

Malinaw na sa'kin. Si Ylatch na talaga.. si Ylatch lang.

"Ylatch, naranasan mo na bang magmahal?" iyon ang tanong ko sa kaniya nang hapon at nanunuod kami ng sunset sa aming lugar.

Nakahilig ako sa kaniyang balikat habang nakaupo kami sa inilatag niyang sapin. Kaninang alas tres ng hapon pa kami pumunta rito dahil araw naman ng sabado. Malaya ako dahil walang tao sa bahay.

"Oo," sagot niya habang marahang sinusuklay ang aking buhok na ikinakasaya ng kalooban ko pero hindi iyon nagtagal dahil napangiti ako ng mapait dahil sa kaniyang sagot.

Siyempre.. naranasan niya na. Mahal niya si Mirella. Magagawa ko bang nakawin ang puso niya mula rito? Malakas ang paniniwala kong oo.

"Anong pakiramdam?" tanong ko at tiningala ko siya.

Namumungay ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin. Napatigil siya sa pagsuklay ngunit nanatiling nasa aking buhok ang kaniyang kamay.

Nararamdaman ko ang init ng kaniyang hininga dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"Masarap.. masaya.. at mahirap," aniya at ngumiti sa'kin ng tipid.

Masarap, nararamdaman ko iyon sa piling niya. Masaya, masaya ako sa tuwing kasama siya at sa tuwing naiisip siya. Mahirap, mahirap isipin ma may mahal siyang iba.

Gusto ko siya pero dahil sa kaniyang sagot ay napagtanto kong lumalim pa iyon.. ngayon ay mahal ko na. Mahal ko na siya.

"Ylatch.. gusto kita."

Iyon ang inamin ko na ikinanlaki ng kaniyang mga mata.

Bumakas ang gulat sa kaniyang mga mata at napaawang ang kaniyang labi. Napangiti ako ng mapait. Alam ko.. dapat ay hindi ko siya magustuhan dahil may gusto siyang iba.. pero wala eh, gusto ko na siya.

Napapikit ako saglit at mabilis na dumilat. Pagkatapos ay kaagad kong idinampi ang aking labi sa kaniyang malalambot na labi bago pa siya makapagsalita.

Naramdaman kong natigilan siya ngunit hindi ako tumigil. Iginalaw ko ang aking labi at pinilit na palalimin ito. Kiss me back Ylatch.. iparamdam mo sa'kin na puwede.. na puwede tayong dalawa.. na may pag-asang maging pagmamay-ari kita.

Ngunit ilang segundong pinipilit kong palalimin ang aming paghahalikan ay hindi siya tumugon.

Tumulo ang luha sa aking mga mata kaya't napamulat ako dahilan upang masaksihan ko ang kaniyang unti-unting pagpikit.

Ang kaninang pilit kong pinapalalim na halik ay siya na ang nagpatuloy. Naramdaman ko ang kaniyang kamay na nasa aking buhok na bumama sa aking likuran hanggang sa tumigil ito sa gilid ng aking baywang.

Tumigil siya sa paghalik at tinitigan ako sa aking mga mata. May ngisi sa kaniyang labi.

"Gusto mo ako? Bakit ka umiiyak kung ganoon?" tanong niya at namungay ang mga matang tumingin sa aking pisngi.

Umangat ang kaniyang isang bakanteng kamay at pinahid ang bakas ng luhang lumandas sa aking mga pisngi.

"Gusto kita.." Mahal na nga eh..

"Gustong-gusto kita, Ylatch," sabi ko at napakagat labi.

Kumislap ang kaniyang mga mata at binasa ang namumulang labi. Hindi ko matukoy ang kaniyang reaksyon. Tila halo-halo iyon.

Umaasa lang ako na sana man lang.. may gusto rin siya sa akin.. At hindi ko inaasahan na ang inaasahan ko ay totoo.

"Gusto rin kita, Sacha," aniya at muling inangkin ang aking labi.

Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko dahil sa kaniyang sinabi. Totoo.. may gusto rin siya sa'kin. May pag-asa ako!

Ikinawit ko ang aking mga kamay sa kaniyang batok at buong pusong sinuklian ang kaniyang matamis na paghalik.

"Gustong-gusto.." bulong niya sa aking labi bago ako marahang inihiga sa saping nakalatag.

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon