Kabanata 35

226 16 1
                                    

Noon pa man

"Gusto man kitang angkinin ngayon ng buo, Sacha. Higit na mas gusto kong iharap ka sa altar ng puro at Maria."

Kinagat ko ang aking labi dahil sa aking pagngiti dahil sa sinabi ni Ylatch na ngayon ay tumigil sa pakikipaghalikan sa'kin. Ang kamay niya ay nasa aking baywang habang nakapulupot ang aking mga paa sa kaniyang baywang.

Handa na ako para sa kaniya ngunit tumigil siya at dahil sa kaniyang sinabi ay nakaramdam ako ng kiliti sa aking tiyan.

God, I love this man at hinding hindi ako magsasawang mahalin siya. He stole my heart and I have no plan on taking it back.

Namumungay ang kaniyang mga mata na ngumisi sa'kin.

"Baby.. will you marry me?"

Napatakip ako sa aking bibig gamit ang aking palad dahil sa kaniyang tanong. Namuo ang luha sa aking mga mata kaya't itinaas niya ang kaniyang kamay upang pumasan ang luhang nagsipatakan na galing sa aking mga mata.

"Mahal kita, Sacha. Noon pa lang.. at ngayong nasa kamay na kita hindi ko na patatagalin pa 'to. Gusto kong maging asawa mo at gusto kong matali sa'yo," malambing na aniya at hinaplos ang aking mga pisngi.

Sunod-sunod akong tumango at niyakap siya. Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang leeg at mahigpit siyang niyakap.

"I will, Ylatch. Pakakasalan kita ng buong puso dahil mahal na mahal rin kita."

Suminghap siya at hinalikan ang aking buhok pagkatapos ay marahan niya itong sinuklay.

"Thank you, baby. Pinasaya mo ako ng sobra ngayong araw. Ito ang pinakamasayang kaarawan ko, Sacha. Ikaw ang pinakamasayang regalong natanggap ko," malambing na aniya, bakas ang kasiyahan roon.

Napaangat ang tingin ko sa kaniya, gulat dahil sa kaniyang sinabi. Inalala ko ang araw ngayon, May seven. Ito ang araw na iniwan ko siya noon.. ang araw ng kaniyang kaarawan.

"God. I'm sorry sa pag-alis ko noon, Ylatch. I'm so sorry, baby," masuyong sabi ko na ikinatango niya.

Napahikbi akong muli dahil sa pinahalong lungkot at sayang nararamdaman.

Namumula pa rin ang kaniyang mga mata at bakas pa rin ang luha sa kaniyang mga pisngi nang nginitian niya ako.

"You don't need to be sorry, Sacha. Kahit kailan ay hindi ako nagalit sa'yo dahil iniwan mo ako," nanginginig ang boses na aniya.

Tumango tango ako at sinuklian ang kaniyang mga ngiti.

"Thank you for loving me, Ylatch Haze."

He smiled.

"My pleasure, baby," bulong niya at idinampi ang labi sa aking labi.

Marahan at malambing ang ibinibigay niya halik kaya't napapangiti ako. Tumatalon ang puso ko sa sobrang kasiyahan at kiniliti ang mga paruparo sa aking tiyan.

Nang maghiwalay ang aming mga labi ay napapikit siya ng mariin bago hinawakan ang likod ng aking hita at ibinaba iyon.

"Let's stop this, baby. Baka hindi na ako makapagpigil pa," napapaos ang boses na aniya at umiwas ng tingin.

Ngumuso ako upang itago ang aking ngiti. Dati ay akala ko wala akong epekto sa kaniya ngunit ngayon ay nasa harap ko na ang ebidensiya.

Ang mga akala ko dati ay mali pala. Kabaliktaran ng mga iyon ang katotohanan.

"Hihintayin ko ang panahong gamit mo na ang apelyido ko, Sacha. At kapag dumating iyon ay ipapakita at ipadarama ko sa'yo ang karapatan ko bilang asawa mo," aniya at ngumisi sa'kin.

Nailing ako at napangiti.

Hindi ko lubos maisip na si Ylatch na pilyo ay kayang maghintay na maikasal kami bago ako angkinin ng buo.

"Gutom ka na ba? Ipagluluto kita?" masuyong tanong niya na ikinatawa ko.

"Sige, basta ay huwag ka nang maghuhubad!" biro ko na ikinahalakhak niya bago tinungo ang kusina sa kaniyang bahay kaya't sinundan ko siya.

Napaawang ang aking labi at natigilan bago pa ako makasunod sa kaniya sa kusina.

Napako ang tingin ko sa isang malaking larawan na nakasabit sa pader na sentro ng sala. Pahaba ito at sa ibaba ay lamesang may nakapatong na music box na.

Naitakip ko ang isang palad ko sa aking bibig. Labis na kasiyahan ang bumalot sa aking kalooban habang nakatitig sa larawang nasa aking harapan. Larawan ko habang isinasayaw ako ni Ylatch ng gabi noong party sa highschool.

"Nagustuhan mo ba?"

Napabaling ako kay Ylatch na nasa aking tabi na, nakangiti. Hindi makapaniwalang nakatingin ako sa kaniya, hindi ako makapaniwalang mayroon siya nito dito sa bahay niya.. at iyong sa clinic.. talagang hindi niya ako nakalimutan noon? Talagang mahal niya ako noon pa.

Tumango ako at napangiti, naluluha na naman ako ngunit dahil iyon sa labis na kasiyahan.

"Mabuti naman.. matagal ka ding hinintay nito," aniya at hinaplos ang ibabang larawan kaya't doon nagawi ang aking mga mata.

Nakagat ko ang aking labi nang mabasa ang pangalan ko at pangalan niya sa ibaba.

Bumagsak ang tingin ko sa music box na ngayon ay pinanggagalingan na ng isang kanta. Pamilyar ito.. Ito ang kanta noong gabing isinayaw ako ni Ylatch!

"Gusto kong isayaw ka ulit, Sacha. Dito sa tapat ng larawan nating dalawa habang sumasabay tayo sa musika."

Naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking baywang at hinuli niya ang kanan kong kamay.

Wagas akong napangiti at napakapit sa kaniyang balikat gamit ang bakante kong kamay.

"Akala ko.. akala ko hindi mo ako mahal at walang pag-asang maging pagmamay-ari kita," namumungay ang mga matang sabi ko habang marahan niya akong isinasayaw.

"Iyon din ang akala ko, Sacha. Ako, siguradong sa'yo.. pero ikaw? May iba kang gusto.."

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kaniyang sinabi.

"Hindi ko inakalang mamahalin mo ako, dati ay pinapangarap lang kita.."

Tumango ako at nginitian siya. Sobrang saya ng puso ko sa ediyang pinangarap niya ako.

"Mahal na mahal kita, Attorney Persico," buong pusong pagsasabi ko ng totoong nararamdaman.

"Salamat at minamahal mo ako, Dra. Rivancio," aniya na may ngiti sa labi.

Tumaas ang kaniyang kilay habang nakatitig sa'kin.

"You know what?"

"What?" nagtataka ngunit natatawang tanong tanong ko.

"Bagay sa'yo ang apelyido mo.. pero mas bagay kung maging Persico," aniya at kumindat sa'kin.

Tumalon ang puso ko dahil sa kaniyang sinabi.

"Okay then. Marry me now, Mr. Persico. Gusto ko ng surname mo," sabi ko at nginisihan siya.

Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi.

"Fuck. Kailangan ko munang mapalaya ang Daddy mo.. kailangan raw ay nasa kasal natin siya," aniya at bahagyang napanguso.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Alam ni Daddy?!"

"Yes, baby. Noon pa man.." aniya at kinindatan ako.

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Where stories live. Discover now