Kabanata 3

297 16 0
                                    

Hindi mo alam

Tapos na ang pag-aaral nila Kuya at kasalukuyan siyang nagliligpit ng mga gamit niya habang pasulyap sulyap sa akin.

Tahimik naman ako habang nakaupo pa rin sa aking puwesto mula pa kanina.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.. pakiramdam ko ang sama ko kung isusumbong ko si Mirella kay Kiro.

Ang sama ko kung sisirain ko ang kanilang relasyon. Alam kong simula first year pa lamang ako'y sila na at alam ko rin kung gaano kamahal ni Kiro ang girlfriend niya, alam nga yata ng halos lahat na estudyante.

"Galit ka ba sa'kin, Sacha?"

Napatingala ako kay Kuya Serio dahil sa kaniyang tanong.

"Ha? Bakit naman po ako sa'yo magagalit, Kuya?" salubong ang kilay na tanong ko, nagtataka.

"Dahil sa nangyari kanina," sagot niya.

Umiling ako nang maalala ang nangyari kanina.

"Hindi ako galit sa'yo, Kuya," katotohanang sabi ko.

Napagtanto ko rin kasi na mali ang ginawa ko kanina. Pilit kong idinidiin si Ylatch at sa harap pa ng maraming tao lalo na sa harap nila Kiro.

Hindi ko naisip na maaaring magkagulo kung nasabi ko ang alam ko. Mabuti na lamang at pinatigil ako ni Kuya Serio.

Tumango siya sa akin at ipinagpatuloy nalang ang ginagawa.

"Kay Ylatch 'to," aniya kaya't naagaw niyang muli ang atensyon ko.

Napatigil siya sa paglalagay ng kaniyang mga gamit sa kaniyang bag at napatitig sa pulang notebook na hawak.

Tumingin siya sa akin kaya't tinaasan ko siya ng kilay.

"Isauli mo sa kaniya 'to, Sacha. May pupuntahan pa kasi ako. Paniguradong kailangan niya itong notes niya. Nasa classroom pa iyon panigurado," aniya at inilahad sa akin ang notebook.

Bumagsak ang tingin ko doon at nagdalawang isip sa pagpayag.

Kung isasauli ko ito ay may dahilan ako upang makita si Ylatch at puwede ko siyang tanungin tungkol sa relasyon nila ni Mirella!

Sa isiping iyon ay kaagad kong tinanggap ang libro at kinuha ang aking bag.

"Sige, ako na ang magsasauli nito sa kaniya, Kuya Serio. Hintayin mo nalang ako sa kotse," sabi ko na ikinatango niya.

Kaagad akong lumabas ng library. Uwian na kaya't wala ng masyadong estudyante sa corridor. Papalapit na ako sa classroom nila Kuya ng makita kong lumabas si Mirella doon kaya't kaagad akong nagtago sa nakabukas na room na nasa gilid ko.

Hinintay ko siyang malagpasan ako bago ako patakbong pumunta sa classroom na pinanggalingan niya.

"Ylatch," pagtawag ko sa nag-iisang lalaking naroon na puwerteng nakaupo sa upuan.

Napatingin siya sa akin at bumagsak naman ang tingin ko sa kaniyang hawak.

Nanlaki ang aking mga mata at uminit ang aking mga pisngi sa inis at hiya nang makitang hawak niya ang love letter ko para kay Kiro!

Kaagad akong lumapit sa kaniyang harapan at inagaw ang love letter pero katulad noong unang binalak ko itong kuhanin sa kaniya ay walang kahirap hirap niya lamang itong iniwas.

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Bakit ka nandito?"

"Pinapasauli ni Kuya Serio," sabi ko at inilapag sa armchair ang kaniyang notebook.

Tumango siya at nanatiling nakatingin sa akin.

"Bakit mo binabasa iyan?! Sinabi kong hindi iyan para sa'yo!" asik ko, iritado na dahil sa pagbabasa niya ng aking love letter.

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon