Kabanata 8

211 18 0
                                    

Heartbeat

Ylatch:

Sabay tayong maglunch mamaya doon sa manggahan.

Iyon ang natanggap kong mensahe galing kay Ylatch pagkapasok ko palang sa classroom. Alam ko ang manggahan na tinutukoy niya kaya't hindi nalang ako nagreply.

Hindi ko parin makalimutan ang pangalan ni Mirella sa kaniyang call history. Mamaya ay sasabihin ko iyon sakanya dahil hindi na ako nagkaroon ng chance kanina, dapat ay hindi na sila magtawagan dahil sa aming kasunduan.

Kaya't pagkatapos na pagkatapos ng pangumagang klase ko ay agad akong umalis sa classroom.

"Wala akong baon," Simangot na sabi ko pagkarating ko sa manggahan at naabutan si Ylatch na nakaupo sa sapin na nakalatag.

Tiningala niya ako at nginitian. Inangat niya ang brown na paper bag.

"May dala ako para sa atin."

Namangha ako dahil sa kaniyang sinabi, handa siya ha?

"Ano naman iyan?"

"Fried chicken, ako ang nagprito niyan," nahimigan ko ang kayabangan sa kaniyang boses kaya't napanguso ako.

"Kaya ko din namang magprito niyan," nagyayabang din na sabi ko.

Inilabas niya ang laman ng paper bag at tiningnan ako.

"Bakit hindi ka nagprito kung ganoon?" nangaasar na aniya kaya't pinanliliitan ko siya ng mga mata.

"Joke," humalakhak siya.

Napaismid ako. Siya lang ang natawa sa joke niya kung joke ba iyong masasabi.

Tahimik kong tinanggap ang pagkaing nasa baunan na ibinigay niya at kinain. Pasulyap sulyap siya sa akin habang kumakain din, tila ba inaabangan ang magiging reaksyon ko.

Pilit ko namang pinapanatili ang reaksyon ko nang malasagan ko ang fried chicken. Mas masarap kasi ito kaysa sa mga nalasahan ko na.

"Anong lasa?" tanong niya, hindi na nakapaghintay na kusa akong magkumento.

Natawa ako sa aking isipan. Atat din ang isang ito kaya't ngumiti ako sa kaniya na mas ikinalawak din ng kaniyang ngiti.

"Lasang manok parin naman, Ylatch."

Bahagya siyang napanguso dahil sa aking sinabi pero kaagad din namang napangiti.

"Alam ko namang nasarapan ka," sabi niya at tumingin sa aking labi kaya't natigilan ako.

Naalala ko ang ginawa niyang paghalik sa akin kaya't pinanliliitan ko siya ng mga mata.

"Ewan ko sa'yo!" asik ko na ikinahalakhak niya lamang.

Tumahimik kami pareho hanggang sa matapos kaming kumain. At nang nagliligpit na siya ay saka lamang ako nagtanong.

"Nagtatawagan pa kayo ni Mirella? Nakita ko sa call history mo kanina."

Tiningala niya ako dahil nakatayo na ako sa tabi ng punong mangga.

"Oo, kagabi iyon.. hindi ko naman sinagot," sabi niya na ikinahinga ko ng maluwag.

"Mabuti naman kung ganoon. Dapat lang na layuan mo na siya dahil iyon ang kasunduan natin," masungit na sabi ko.

"Yes ma'am," aniya at tumayo narin kaya't napatingala ako sa kaniyang mukha.

"Kayo ba noong crush mo nagtatawagan?"

Natigilan ako saglit dahil sa biglaan niyang tanong.

"Wala naman akong number niya," sabi ko at umiwas ng tingin.

Kung meron ay talagang tatawagan ko siya! Pero wala eh. Ni hindi niya nga alam na crush ko siya..

Bumuntong hininga siya kaya't napatingala muli ako sa kaniya. Tumango siya, tila kontento na sa nalaman.

Bumaba ang tingin niya sa aking labi kaya't may naalala ako.

"Teka, is kissing part of dating?" I asked.

Bumalik ang tingin niya sa mga mata ko at bumakas sa mukha niya ang pagkamangha.

"Bakit mo natanong?" balik tanong niya.

"Dahil.." Bakit nga ba?

"Gusto mo akong halikan?" pilyong tanong niyang ikinanliit ng mga mata ko.

"Date ba natin ito?" masungit na tanong ko din.

I don't want to kiss him, gusto ko lang malaman kung parte ba iyon.

"Oo," agap na sagot niya na ikinasimangot ko.

"Ayaw kitang halikan 'no!" agad na asik ko.

Tumango tango siya at kinagat ang ibabang labi.

"Uhuh, ako kasi.. gusto kitang halikan ngayon," aniya at bago pa ako makaangal ay agad niyang dinampian ng halik ang labi ko.

It's just a smack but I don't know why my heartbeat suddenly quickened.

"Tara na."

Napakurap kurap ako at napatango nalang dahil ramdam ko parin ang kakaibang tibok ng puso ko dahil sa kaniyang ginawa.

Nakasunod lang ako sa kaniya habang naglalakad kami. Nakayuko siya at nasilip kong hawak niya ang kaniyang cellphone.

"Huwag ka ng magpasundo mamaya, ihahatid nalang kita sainyo," biglang sabi niya at tumigil upang masabayan ako sa paglalakad. Ibinulsa niya ang kaniyang cellphone.

"Sabay na siguro kami ni Kuya Serio," sabi ko dahil wala namang sinabi sa akin si Kuya na hindi siya sasabay at baka kapag hinatid ako ni Ylatch ay makita siya ni Kuya. Paniguradong patay ako kapag ganoon!

"Hindi siya sasabay," aniya, tila ba sigurado na at kinindatan ako.

"Sige, bahala ka.." iyon na lang ang aking sinabi at iniwasan ang kaniyang mga mata.

Kung bakit malakas ang naging epekto ng ginawa niyang paghalik sa akin ay hindi ako alam.

Sana lang talaga ay hindi sa akin sumabay si Kuya at sana din ay hindi niya makita si Ylatch sa paghatid sa akin.

Mabuti nga at iyon ang nangyari. Nagtext sa akin si Kuya Serio na hindi siya makakasabay sa akin pagkapasok na pagkapasok ko palang sa kotse ni Ylatch.

Magkatabi kami sa backseat dahil mayroon siyang driver.

"May driver ka pala.." sabi ko pagkaandar ng kotse.

Tumango siya.

"Actually nagpasundo lang ako ngayon. Ayokong magdrive na ikaw ang kasama ko at baka madisgrasya pa tayo," aniya at humalakhak.

Nagkasalubong ang mga kilay ko dahil sa kaniyang sinabi.

"Bakit? Lapitin ba ako ng disgrasya para sa'yo?" inis na tanong ko at pinanliliitan sita ng mga mata.

Ang lakas niyang mang-inis! Naalala ko tuloy noong unang beses ko siyang makita sa locker area. Pinahiya niya ako kay Kiro dahil sa sinabi niyang inabutan ko siya ng love letter! At tinaway niya pa talaga akong bata!

"Hindi," agap na sagot niya.

"Oh bakit ayaw mo?!"

"Hindi kasi ako makakapag-focus sa pagdadrive knowing na katabi kita," aniya kaya't agad akong napaiwas ng tingin.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya doon pero hindi na ako nagtanong pa lalo na at naramdaman ko na naman ang pag-iba ng tibok ng puso ko. Kung bakit ay hindi ko alam!

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя