Kabanata 12

199 17 0
                                    

Excited

Magkatabi kaming pinapanood ang sunset pagkatapos ng nangyaring halikan kaya't namumula pa ang aking pisngi.

"Pansin ko lang na palagi mo akong hinahalikan tuwing nagdidate tayo.."

Narinig ko ang paghalakhak niya dahil sa aking sinabi kaya't uminit ang aking mga pisngi.

"Bakit? Gusto mo ba ay kahit hindi natin date ay halikan kita?" pilyong tanong niya na ikinasimangot ko sa hiya.

"Ewan ko sa'yo! Playboy!" asik ko.

"I am not a playboy," manghang aniya na ikinaismid ko.

"Playboy ka! Ang landi mo!" sabi ko, hindi nagpapatalo sa pagtanggi niya.

Playboy siya, malandi at makapal ang mukha!

Tumaas ang kaniyang kilay at bakas ang pagkamangha sa kaniyang mukha.

"Nalalandian ka sa'kin?" sagot niya, tila mangha pa na ikinairap ko.

"Oo!"

"Hindi naman ako malandi. Slight lang.." aniya at humalakhak.

Nagkasalubong ang mga kilay ko dahil sa kaniyang sinabi bago ako napangiti. Akala ko ay puro lang siya pagtanggi.

"Anong slight lang?" natatawang tanong ko.

Tumigil siya sa paghalakhak at sumeryoso. Tiningnan niya ang mukha ko na para bang kinakabisado ito gamit ang kaniyang namumungay na mga mata.

"Let's just say na nilalandi ko ang babaeng gusto ko para mapasaakin siya," seryosong aniya at nginitian ako.

Naging tipid ang aking pagngiti at tumingin na lamang sa araw na papalubog.

Hindi ko alam kung bakit ang puso ko ay naging tahimik, tila nanlamig ito nang maalala kung bakit kami magkasama ni Ylatch ngayon.

May mahal siyang iba at naaawa lamang siya sa akin kaya niya ako pinagbigyan sa aking kahilingan. At kung ano man ang iba pa niyang rason na hindi ko alam ay isa lang ang sigurado ako.. na baka kapag nagsawa na siya sa aming pagdidate ay tumigil na siya at bumalik kay Mirella. Kaya niya itong landiin para lang makuha niya ito kahit na may boyfriend na.

Naramdaman ko ang lamig na bumalot sa aking puso.

"Gusto mo pa rin ba akong i-date Ylatch?" biglang tanong ko.

I badly want to know his answer. Naguguluhan ako ng labis kung bakit niya pinagaaksayahan ng panahon ang pakikipagdate sa akin gayong naaawa lang siya sa akin. Hindi iyon sapat na rason at higit sa lahat ay hindi naman kami magkaibigan noon para pagbigyan niya ang aking hiling ngayon.

Namumungay ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin.

"Gustong-gusto, Sacha."

Ang malamig na pakiramdam na bumalot kanina sa aking puso ay unti unting uminit. Tila natunaw ang yelo roon dahil sa pagtitig niya sa akin.

Napangiti muli ako at tumango, kuntento na sa aking narinig.

Binalingan ko ang magandang tanawin at ilang segundo kaming natahimik.

"Bakit mo nga pala nagustuhan ang lugar na ito?" pagbasag ko sa katahimikan.

"I dreamed watching sunset with someone special.. and that someone special is you, Sacha," sagot niya na ikinagulat ko kaya't napatingin muli ako sa kaniya.

Bumilis ang pintig ng puso ko habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Nakitaan ko ito ng kislap na hindi ko matukoy.

I am special for him.. hindi ko inaasahan ang labis na kasiyahang mararamdaman ko dahil sa kaniyang sinabi.

"Kaya't tawagin mo nalang itong our place dahil ito ang lugar nating dalawa. Saksi ang paglubog na araw sa araw na pagpunta ko rito ngayon kasama ka," aniya at hindi ko mapigilan na hindi mapangiti.

Isang malawak na ngiti ang kumawala sa aking labi kasabay ng mabilis na pintig ng aking puso. Labis labis na kasiyahan ang naramdaman ko dahil kay Ylatch ng araw na iyon.

Kaya't pagkatapos niya akong maihatid sa bahay ay hondi na naman niya nilubayan ang isipan ko. Mabuti na lamang at wala pa si Kuya Serio at si Daddy nang ihatid niya ako dahil baka ay nahuli pa kami.

Ylatch:

Good evening. Matulog ka ng maaga at may date pa tayo bukas.

Iyon ang gext niya sa akin nang gabi na at nakahiga na ako, balak na sanang matulog ngunit mas piniling makatext na lamang siya.

Ako:

Good evening too. Wala ka bang ibang gagawin bukas?

Iyon ang reply ko imbes ang sundin ang kaniyang i-ti-next. Ang puso ko ay natutuwa sa ediyang hindi niya hilig ang pagtetext pero heto at katext ko siya.

Ylatch:

I'm always free when it comes to you, Sacha.

Nakagat ko ang pangibabang labi ko upang pigilin ang ngiting gustong kumawala dito pero bigo ako. Sa huli ay natagpuan ko ang sarili kong wagas ang ngiti habang nakatitig sa aking cellphone.

Ako:

Okay then. Tuloy talaga ang date natin bukas?

Ylatch:

It's supposed to be my line, not yours. Mang-aagaw ka.

Napahalakhak ako dahil sa kaniyang reply. Naiisip ko palang ang itsura niya habang bahagyang nakanguso ay natatawa na ako.

Ako:

I'm sorry.

Ylatch:

Don't be. Pinakilig mo ako.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa aking nabasa. Is he serious?! Kinilig siya? Bakit pakiramdam ko ay sobrang saya ko dahil sa ediyang iyon?!

Ako:

Talaga?!

Ylatch:

Kidding. Gusto mo bang matuloy ang date natin bukas?

Napanguso ako pero kaagad ding napangiti at walang pag-aalinlangang pumayag.

Ako:

Yes!

Ylatch:

My baby is excited huh. Goodnight, have a sweet dreams. ;)

Ang have a sweet dreams na sinabi niya ay hindi ko naramdaman dahil nahirapan akong makatulog.

Tinitigan ko lamang ang kisame hanggang sa bumagsak na ang talukap ng aking mga mata kaya't kinaumagahan ay lutang ako na ikinapagtaka ni Kuya Serio.

"Hindi ka sasama ngayon sa plaza?" tanong niya, nagtataka.

Natigilan ako saglit at nagtaka rin pero nang makita ko si Daddy na nasa hapag kainan na ay napatango tango ako. Magtatapos na pala ang buwan at may proyekto na naman si Daddy para sa mga tao katulad ng nakagawian lalo na at tatakbo siya bilang Governor.

"Hindi.."

Tumango lamang si Kuya Serio sa aking sagot. Sabay kaming nag-agahan pero wala na si Daddy. Siguro ay susunod nalang si Kuya Serio sa plaza.

Ylatch:

Handa ka na? Susunduin kita.

Nabuhayan ako dahil sa natanggap na text galing kay Ylatch. Samantalang tumaas ang kilay ni Kuya Serio habang nakatingin sa aking reaksyon kaya't tinapos ko na muna ang aking pagkain bago ako tumungo sa aking kuwarto upang makapagreply kay Ylatch at makapag-ayos na rin.

Ako:

Maghahanda pa lang.

Ylatch:

Okay, I'm on my way.

Nagulat ako dahil sa kaniyang reply. Ang aga pa! Nakatulog ba siya ng maayos samantalang ako itong lutang dahil sa pagiging excited ngayong araw?!

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Where stories live. Discover now