Kabanata 5

232 20 0
                                    

Condition

Wala na dapat talaga akong problema sa buhay. Tahimik ang buhay ko. Sa bahay ay palaging wala si Daddy dahil busy sa pagiging Mayor at sa susunod na eleksyon ay tatakbo na rin bilang Governor kaya't mas magiging busy lalo siya. Si Kuya ay kung hindi eskuwelahan ay banda ang kaniyang inaatupag kaya't busy rin. Ako dati ay bahay at eskuwelahan lang din. Wala akong close friends dahil ayokong magkaroon.

Simple lang dati.. ngayon ay nagugulo na. Biyernes at ang pagbabalak kong ibalik ang tahimik kong buhay ay hindi natuloy.

Papasok ako sa classroom nila Kuya Serio dahil pinapakuha niya sa akin ang kaniyang bag na naiwan dahil nagmamadali siya para sa practice ng kanilang banda, nang matigilan ako dahil sa muli kong nasaksihan.

Parang senaryong una kong nasaksihan noong lunes na hindi nagpapatahimik sa akin. Magkahalikan muli ang dalawang tao na para bang nasa sarili nilang mundo sila.

Hindi ba nila naisip na baka ay may pumasok dito?!

"Ayokong tumigil. Bahala ka.."

Nagkasalubong ang mga kilay ko dahil sa narinig na sabi ni Mirella. Umapaw ang inis ko. Ayaw niya pang tumigil sa pakikipaghalikan kay Ylatch?!

Ano't bakit palaging halikan nila ang nasasaksihan ko?! Bakit kailangang palaging ako? Hindi ba puwedeng si Kiro para buko na kaagad? Napailing nalang ako sa aking naisip. Edi nasaktan naman siya.. na ayokong mangyari.

Hindi nalang ako umimik at nagtago na lamang sa katabing room. Mabuti na lamang at wala na talagang ibang estudyante rito.

Hindi ko naririnig ang kanilang pinaguusapan pero alam kong mayroon. Wala akong nagawa kundi ang hintaying makaalis si Mirella.

Napaupo na ako sa sahig dahil sa pagkainip dahil dalawang minuto na ay hindi parin lumalabas ang isa sakanila. Ano na bang nangyayari?!

Tumayo ako at lumabas na sa room na pinagtataguan ko, balak ko sanang silipin ang dalawa sa classroom nila nang magulat ako dahil sa biglaang paglabas doon ni Mirella. Salubong na salubong ang kilay nito at bakas ang pagkainis sa mukha habang mabibigat ang hakbang na naglakad paalis.

Nagkasalubong ang mga kilay ko sa pagtataka pero umiling na lanang ako. Humakbang ako pasulong nang mabangga ako sa isang katawan ng tao.

"Anong ginagawa mo dito?"

Napatingala ako kay Ylatch dahil sa kaniyang tanong bago siya inismiran.

"Pinapakuha ni Kuya ang bag niya," sagot ko at pumasok na sa loob ng classroom at tinungo ang upuan ni Kuya kung nasaan ang kaniyang bag.

"Narinig mo?" tanong niyang ikinasalubong ng mga kilay ko.

Hinarap ko siya at nagulat dahil nasa likuran ko na pala siya. Umatras ako ng dalawang beses at tiningala siya.

"Wala akong narinig na kung ano man," sagot ko. Bukod siyempre doon sa sinabi ni Mirella.

Alangan namang sabihin ko iyon sa kaniya? Edi nalaman niyang nakita kong muli sila! Uminit ang pisngi ko sa kahihiya.

Tumango tango siya.

Tinitigan ko siya at napaisip. Kung palaging ganitong may alam ako sa patagong bawal na relasyon nila ni Mirella ay talagang hindi na maibabalik pa ang tahimik kong buhay.

Hindi ko na rin maisip na makakapagdikit pa ako ng love letter sa locker ni Kiro gayong may sikreto akong alam kong makakasakit sa kaniya.

Napabuntong hininga ako na ikinataas ng kaniyang mga kilay.

Tinitigan niya ang aking mga mata kaya't kumurap kurap ako at ibinaba ang tingin sa kaniyang dibdib, iyon ang pinagtuunan ko ng pansin kaysa ang tingalain ang kaniyang mukha.

"Let's make a deal. Hindi ko sasabihin ang nakita ko basta ay tigilan mo na si Mirella," sabi ko, ngayon ay determinado lalo kaysa sa unang beses kong sinabi iyon sa kaniya.

His chest looks so firm and hard. Bagay na bagay sa kaniya ang uniporme niya at naaamoy ko rin ang kaniyang bango.. natural ba iyon?

"Anong mapapala mo roon?" tanong niya kaya't napaisip ako.

Ano nga ba ang mapapala ko? Wala naman kung tutuusin pero para sa lalaking gusto ko...

"Wala akong mapapala pero hindi masasaktan si Kiro."

Narinig ko agad ang kaniyang pagismid kaya't napatingala ako sa kaniyang mukha. Malamig ang mga mata niyang nakatingin sa akin ang nakita ko.

"No deal," malamig na sabi niya.

Napaawang ang aking labi dahil doon.

"Ano? Dapat ay pumayag ka!" asik ko.

Pinagtaasan niya lamang ako ng kilay, bakas na ngayon ang kasupladuhan sa kaniyang mukha.

"Kapag sinabi mo, papayag ako pero hindi sa isang ito, Sacha."

Nagkasalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan! Ano ang pagkakaiba ng sinabi ko ngayon?!

"Wala kang magagawa, kung hindi ka papayag at sasabihin ko ang alam ko kay Kiro paniguradong kakalat iyon.. at kapag kumalat iyon ay masisira ka sa mga kaibigan mo at kay Kuya Serio!" sabi ko at ngumisi lalo na nang matigilan siya saglit.

Umiling iling siya at malamig ulit na ngumisi, tila ba pagod na sa aking mga pinagsasabi.

"You're smart, Sacha.. pero hindi mo ako maiisahan," aniya kaya't napawi ang ngisi sa aking labi.

He's so hard to please! Ano pa ba ang kaniyang gusto? Tama naman ang aking sinabi ha? Paniguradong masisira siya sa iba kapag kumalat ang eskandalo nila ni Mirella! Ayos lang ba iyon sa kaniya? Bakit? Dahil gusto niya si Mirella?

"Do you like her?" tanong ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata.

Bahagyang nanlaki ang mata niya saglit dahil sa gulat, hindi siya umimik at nagiwas lamang ng tingin.

Kumurap kurap ako. He likes her.. or he's inlove with Mirella, tama ako sigurado dahil kung hindi ay bakit siya dito nakikipagrelasyon kahit na alam niyang may boyfriend na ang tao? Wala naman siya mapapalang iba..

"Lalayuan ko si Mirella, I'll stop dating her but in one condition.." iyon ang sinabi niya imbes na sagutin ang tanong ko.

What he just said caught my attention, hindi niya na din kailangan pang sagutin ang aking tanong dahil nakumpirma ko na ang sagot. Una palang ay alam ko na talaga.. gusto niya si Mirella, kaya niya ngang manloko ng tao para makuha ito!

"And what is it?" tanong ko.

"Let's date," Parang wala lang na aniya na ikinanlaki ng mga mata ko.

"A-ano?"

"Lalayuan ko si Mirella so instead of dating her ay ikaw nalang.."

Nanggalaiti ako dahil sa narinig. Ngayon ay malinaw na sa akin, hindi lang makapal ang kaniyang mukha! He's also a playboy!

"Bakit naman ako papayag na maka-date mo?" umigting ang panga ko, hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Tinaasan niya lamang ako ng kilay habang nakangisi parin.

"Simple. Cuz you want me to stop dating Mirella. Sino nalang ang idi-date ko?" inosenteng tanong nito na ikipula ng pisngi ko sa inis.

"Your unbelievable! Akala ko ba ay gusto mo si Mirella kaya kahit may boyfriend na siya ay dinidate mo pa? Bakit ngayon ako naman? Ano ako rebound?" natawa ako ng mapakla.

Umigting ang panga niya at napawi ang kaniyang ngisi.

"Date me and I'll stop dating
Mirella, Period," iyon ang huling sinabi ni Ylatch noong hapon na iyon.

Naguguluhan ako, hindi ko alam kung dapat ba na pumayag ako. He'll stop dating Mirella but he will be dating me instead, that's his condition. That makapal ang mukhang playboy is insane! Buweset siya!

I don't know what to do! Dapat ba na sabihin ko na lamang kay Kiro ang alam ko? Pero panigurado akong masasaktan siya or worst ay hindi niya pa ako paniwalaan! Dahil sino ba naman ako? Ni hindi nga kami magkaibigan..

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Where stories live. Discover now