Kabanata 37

201 14 0
                                    

Ang pang-aakit

"Pack your things," sabi ni Ylatch pagkababa ko sa kaniyang kotse.

Tiningnan ko siya habang magkasalubong ang akong mga kilay sa pagtataka. Gabi na at inihatid niya ako sa bahay pagkatapos naming manuod ng sunset kanina.

"Bakit?" Tanong ko at naglakad na papasok sa bahay, ramdam ko ang kaniyang pagsunod.

"Sa bahay ka na titira," maagap na sagot niya sa aking tanong.

Napamaang ako saglit dahil roon at tumigil saka siya nilingon.

"Sa bahay mo?"

"Sa bahay natin," sagot niyang muli at kinindatan ako.

Kumawala ang malawak na ngiti sa aking labi dahil sa kasiyahan. Hindi ako makapaniwalang titira ako sa isang bahay kasama siya.. pero sobrang saya ko dahil sa ediyang magsasama kami sa isang bubong.

"Bakit?" tanong ko kahit na siguradong papayag na ako sa kaniyang alok.

"Dahil bahay natin iyong dalawa. Kulang iyon kapag wala ka.."

Tinalikuran ko kaagad siya at napakagat labi dahil sa wagas kong pagngiti. Ibig sabihin ay ipinagawa niya ang bahay niyang iyon para sa aming dalawa?

Tumungo ako sa aking kuwarto upang sundin ang kaniyang sinabi. Mabuti na lamang at may mga gamit pa akong hindi ko pa naaalis sa aking maleta simula ng umuwi kami rito ni Kuya Serio.

"Iyan lang ba ang dadalhin mo?" ani Ylatch, tinutukoy ang isang maleta ko na nakahanda na.

Tumango ako.

"Oo, iiwan ko nalang dito ang iba.."

"Why? Doon ka na sa bahay natin titira simula ngayon kaya dapat ay dalhin mo na ang lahat ng gamit mo," aniya at bahagyang ngumuso.

Excited na akong makabalik sa bahay niya- I mean bahay namin. Para sa'kin ay iyon na ang pinakamagandang lugar, bukod kasi sa desensyo ay pagmamay-ari naming dalawa iyon!

"Babalikan ko nalang sa susunod," sabi ko at ngumiti.

Napailing siya at napangisi nalang.

"So you're excited huh? Akala ko pa naman ay ayaw mo lang dalhin ang ibang gamit mo dahil ayaw mo talagang sumama.." aniya, nahimigan ko ang pagtatampo roon na ikinahalakhak ko.

"Bakit hindi ako sasama sa'yo sa bahay natin?" may diing sabi ko dahilan upang makagat niya ang pang-ibabang labi.

Lumapit siya sa akin at yumuko dahilan upang magkalapit lalo ang aming mukha.

"Tara na. Balikan nalang natin ang iba.. gusto ko nang matulog sa kama natin kasama ka. Gusto kong yakapin ka hanggang umaga," sabi niya at pinatakan ng halik ang aking labi na ikinangiti ko.

Nakaramdam ako ng init na bumalot sa aking puso dahil sa kaniyang sinabi. Ang ediyang magkayakap kami hanggang umaga habang nasa aming kama ay labis kong ikinasasaya.

Hindi na niya ako nabigyan ng pagkakataon na palalimin ang aming paghahalikan dahil kaagad siyang umayos ng tayo.

"Huwag na tayong maghalikan dito, Sacha. Baka kung ano pang mangyari, wild ka pa naman," aniya at humalakhak.

Inismiran ko siya at tumayo na rin. Talagang kaya niyang magtiis hanggang sa maging mag-asawa na kami? Kaya niya akong tiisin?

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kalungkutan dahil roon. Hindi sa hindi ko gusto ang kaniyang pagtitiis sa'kin.. lalo na at sinabi niyang nais niya akong iharap ng birhen sa altar. Hindi ko lang maiwasan na hindi ba sapat ang epekto ko sa kaniya upang mapigtas ang pasensya niya?

"May problema ba, Sacha?"

Natauhan ako dahil sa tanong ni Ylatch sa'kin habang nasa hapag kainan ng bahay namin kaming dalawa at kumakain.

Umiling lamang ako na ikinakunot lamang ng kaniyang noo.

Hindi mawala sa isip ko ang pagtitiis niya sa'kin simula pa kanina at ngayon ay may naisip na akong gagawin upang hindi na siya makapagtiis pa.

Gusto kong mapigtas na ang kaniyang pasensya. Ayoko ng tiisin niya pa ako.. dahil handa na ako. Handa na akong ibigay ang buong sarili ko sa kaniya. Ayoko ng ganito na parang dati lang kami.. na isang batang babae ang tingin niya sa'kin.

Sigurado akong siya ang nagiisang lalaking minahal, minamahal at mamahalin ko.

Kaya't pagkatapos naming kumain ay hinayaan ko na lang na siya ang magligpit ng aming pinagkainan.

Umakyat ako sa aming kuwarto at kaagad na tinungo ang banyo. Napapangiti ako habang naiisip ang mangyayari mamaya.

Malakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at excitement sa gagawin hanggang sa matapos ang halos isang oras kong pagligo. Pagkatapos ay kaagad kong isinuot ang red lingerie na mabuti't nadala ko at nag-ayos ng sarili.

Bumuntong hininga ako at napangisi sa aking repleksyon sa salamin. Iniisip ko palang ang pilyong si Ylatch ay nakakaramdam na ako ng pagkailang ngunit desidido na ako ngayon at wala ng atrasan ito.

Kaya't lumabas ako sa banyo at inayos ang sarili sa isiping papasok pa lamang si Ylatch sa aming kuwarto ngunit naestatwa ako nang magawi ang aking tingin sa kama.

Puwerte siyang nakahiga roon ngunit ng mapatingin sa'kin ay kaagad na napaupo habang nakaawang ang kaniyang mga labi.

Bumagsak ang kaniyang mga mata sa aking katawan at hinagod ito ng tingin bago muling inangat ang mukha dahilan upang magkatinginan kaming dalawa.

Tumikhim ako nang hindi siya nakapagsalita at sumandal sa pader sa aking likuran.

Kinakabahan ako.

Nginisihan ko siya bago ko kinagat ang ibabang labi na may pulang pulang lipstick.

Nagkasalubong ang kaniyang mga kilay at lumunok. Nahuhulog ang tingin niya sa aking katawan ngunit kaagad niya itong inaangat sa aking mukha.

"W-what are you doing at ano yang suot mo, Sacha?"

Ngumuso ako. Hindi ba halata?

"Inaakit kita," sagot ko at humakbang palapit sa kaniya.

Napasunod ang kaniyang tingin sa'kin nang maupo ako sa kaniyang tabi. Namumula ang mga pisngi dahil sa kaniyang mga titig ngunit nginitian ko pa rin siya.

Umiling siya at ibinagsak ang likuran sa kama.

"Stop it. Matulog nalang-"

"Hindi ka ba naaakit sa'kin, Ylatch?" malambing na pagpuputol kong tanong sa sinasabi niya.

Tinitigan ko siya ganoon rin siya sa'kin. Kumislap ang kaniyang mga mata ngunit ipinikit niya iyon ng mariin. Nang magmulat ay binasa niya ang pang-ibabang labi.

Lumunok siya at saka nagsalita.

"Hindi mo alam ang epekto mo sa'kin, Sacha."

Kumurap-kurap ako. Ibig sabihin ay may epekto talaga ako sa kaniya? Pero bakit niya ako natitiis kung ganoon?!

Napanguso na lamang ako nang hapitin niya ang aking baywang at inihiga ako sa kaniyang tabi habang yakap yakap.

"Naglagay ka pa ng lipstick huh.." aniya at ngumisi.

Naupo siyang muli at hinubad ang suot na itim na t-shirt bago muling humiga sa aking tabi.

Tiningnan ko lang siya nang sinimulan niyang punasan ang lipstick ko habang nakatitig sa aking mga mata.

Marahan ang kaniyang pagpunas at hindi nagtagal ay natapos niya na ito. Inilapit niya sa'kin ang kaniyang mukha at pinatakan ng halik ang aking labi bago bumaba ang kaniyang mukha sa aking leeg.

"Noon bang highschool party ay inaakit mo rin ako, Sacha?" nanunuyang tanong niya at naramdaman ko ang kaniyang labi sa aking leeg.

Napanguso ako at namula nang maalala ang gabing iyon. Ngayon ay alam ko na kung ano ang tinutukoy niyang hinahalikan sa mga dalaga na! Ang pilyo talaga!

Hindi ako umimik na ikinatawa niya ng mahina.

Ang plano ko ay akitin siya ngunit bakit ako ang naaakit sa kaniya?!

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon