Kabanata 7

219 18 0
                                    

Text mate

Narinig ko ang marahang pagtawa ni Ylatch habang ako'y nakayuko at namumula, pinaglalaruan ang mga kamay pagkatapos ng nangyaring paghalik niya sa akin.

"Look at me, Sacha.." aniya na agad kong ikinailing.

Nahihiya ako. Pero bakit nga ba ako ang nahihiya sa aming dalawa? He's the one who kissed me! Hindi naman ako..

Isang malalim na buntong hininga ang nanggaling sa kaniya bago ko naramdaman ang daliri niya sa baba ko, inangat niya ang aking mukha patingin sa kaniya gamit ito.

Agad kong iniwas ang aking mga mata upang hindi magtama ang aming mga tingin. Pinagtuunan ko ng pansin ang kaniyang pisngi at bahagyang napanguso nang mapansin ang kakinisan nito.

"Bakit hindi mo ako tinitingnan?"

"Tinitingnan kaya kita," agap kong sagot sa tanong niya.

Nabaling ang mga mata ko sa kaniyang namumulang labi dahil binasa niya iyon gamit ang kaniyang dila. Kanina I felt the softness of his sweet lips when he kissed me.

Uminit ang pisngi ko nang maalala ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.

"Tingnan mo ako sa mga mata ko, Sacha.." aniya, tila ba nauubusan na ng pasensya.

"Ayoko!"

"Look into my eyes or else.."

Pinagdikit ko ang aking mga labi at hindi nagsalita. Bahala siya. Hindi ko gagawin ang sinasabi niya. Palibhasa playboy ay makapal ang kaniyang mukha na makipagtitigan sa akin pagkatapos ng kaniyang ginawa!

"I will kiss you again."

Natigilan ako at hindi muling nakaimik dahil sa kaniyang sinabi.

Nagdadalawang isip pa ako kung titingnan ko ba ang kaniyang mga mata nang magsalita pa siya.

"Again and again.."

Kaya't agad kong tiningnan ang kaniyang mga mata dahilan upang makita ko ang naglalarong kislap rito.

"Pinaglalaruan mo ako, Ylatch!" asik ko nang mapagtanto ang kislap na iyon.

His eyes is full of humor. Kaya't isa lang roon ang napagtanto ko. Na hindi siya seryoso.. then I remember bakit ba siya magseseryoso ngayon at sa akin pa?

Tumaas ang kaniyang kilay dahil sa aking sinabi habang pinanliliitan ko siya ng mga mata.

He is just bored at ang makipagdate sa akin ay kondisyon niya lamang sa hiling kong tigilan niya na si Mirella. Walang ibig sabihin ang halik na iyon para sa kaniya, it's just a kiss ika nga niya..

Hindi sa gusto kong seryosohin niya iyon o ang magseryoso siya sa akin. It's just because.. it was my first kiss at ang buong akala ko ay kay Kiro ko iyon unang mararanasan!

"Dapat ay kay Kiro iyon!" sabi ko nang hindi siya magsalita.

Bakit sa kaniya pa na hindi seryoso? Na hindi ko gusto?

Nagkasalubong ang kaniyang mga kilay at umawang ang kaniyang labi saglit bago niya ito ipinagdikit ng mabuti.

"Puwes sa akin mo unang beses naranasan ang halik, sa akin lang at wala na akong balak na maranasan mo pa sa iba. And I'm not sorry from stealing your first kiss," aniya at gumalaw ang kaniyang panga bago kumawala ang mayabang na ngisi sa kaniyang labi.

Napamaang lamang ako at nanatiling nakatingin sa kaniyang mga mata. Wala na ang kislap ng katatawanan dito, namumungay na ito ngayon habang nakatingin sa akin ng bumagsak iyon sa aking mga labi.

Itinagilid niya ang kaniyang ulo pa kanan kaya't napakurap ako.

Akala ko ay kung ano ang gagawin niya nang maramdaman ko ang pagdampi ng daliri niya sa labi ko.

Stolen Hearts (Hearts Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن