Kabanata 11

206 17 0
                                    

Marunong

Naguguluhan ako sa mga nararamdaman ko para kay Ylatch. Pero imposible.. imposibleng gusto ko siya dahil si Kiro ang gusto ko..

"Good morning, pretty."

Iyon ang bungad sa akin ni Ylatch Miyerkules ng umaga bago niya ako pinagbuksan ng pintuan ng kotse.

Sinundo niya ako dahil itinext ko sa kaniya na maagang umalis si Daddy ganoon din si Kuya Serio.

"Good morning," balik bati ko at pumasok na sa loob ng kotse.

"Iba ang gagawin natin ngayong araw."

Napatingin ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi pagkaupo niya sa aking tabi sa backseat.

"Anong iba?" tanong ko.

"Pagkauwian ay may pupuntahan tayo," iyon lang ang isinagot niya pero hindi na iyon nawala sa aking isipan kagaya ng dati.

Ang dating boring at halos paghabang buhay ng klase para sa akin ay naging mabilis nalang lumipas ngayon. Agad akong lumabas sa classroom at tumungo sa manggahan kung saan nagaantay si Ylatch. Sabay lang kasi ang aming lunch break tama nga akong mas nauna siya kaysa sa akin.

Hindi na ako nagtaka ng fried chicken muli ang kaniyang dala. Napangiti nalang ako ng tahimik lamang siya, tila nahihiya dahil paulit ulit ang kinakain naming dalawa.

"Yehey! Fried chicken!" pang-aasar ko sa kaniya na ikinapula ng pisngi kaniyang mga pisngi.

Umiwas siya ng tingin at bahagyang ngumuso kaya't napahalakhak ako.

"Magiging manok na tayo nito, Ylatch!" sabi ko sa gitna ng aking paghalakhak.

"Tama na nga, Sacha."

Tumigil ako sa paghalakhak pero inangat ko ang aking mga kamay upang takpan ang aking bibig.

"Pasensya na hindi ko mapigilan!" sabi ko at muling napahalakhak.

Sa gulat ko nang bigla siyang humarap sa akin at inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ko ay napasandal ako sa puno sa aking likod.

"Kung ikaw kaya ang asarin ko at tawanan.." aniya at ngumisi ng pilyo.

Iginulong ko ang aking mga mata at hinawakan ang dibdib niya upang itulak ito nang bigla niya itong hawakan. Nanlaki ang mga mata ko na ikinangisi niya.

Ramdam ko ang katawan niya sa loob ng kaniyang uniporme at ang mainit niyang palad na bumabalot sa kamay ko. Lumunok ako.

"Hindi na nga tatawa!" sabi ko at ngumuso na lamang.

Marahan siyang natawa bago binitawan ang aking kamay at bumalik sa pagkakaupo sa aking tabi. Ngayon ay ang aming mga braso naman ang magkadikit.

"Nag-aaral pa akong magluto ng iba.." bulong niya na hindi nakatakas sa pandinig ko.

Napangiti ako dahil roon. Hindi ko inaasahan na nag-aaral siyang magluto ng iba para may iba na kaming makain sa tuwing lunch break o mas sabihing aming date. Namula ang mga pisngi ko dahil sa aking naisip.

Tahimik kaming kumain at pansin ko ang pagsulyap sulyap niya sa akin hanggang sa matapos na kami. Tutulungan ko sana siyang iligpit ang aming pinagkainan pero pinigilan niya ako.

"Ako na," sabi niya na ikinangiti ko.

Tumayo na lamang ako at sumandal sa puno ng mangga. Napahawak ako sa aking labi dahil hindi mawala wala ang aking ngiti. Napailing nalang ako sa huli at ibinaba nalang ang kamay.

"Wala ka bang gagawin bukas, Sacha?"

Napatingin ako sa kaniya dahil sa biglaan niyang tanong.

"Wala naman.. sa bahay lang ako, bakit?" tanong ko at napatitig sa kaniyang mga braso. Agaw pansin ito dahil sa kaniyang paggalaw.

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Where stories live. Discover now