Kabanata 13

196 17 0
                                    

Gustong-gusto

Mabilis ang naging pag-aayos ko at mabuti na lamang ay umalis na rin kaagad sila Kuya pagkatapos mag-agahan dahil hindi nagtagal ay dumating na si Ylatch.

"Malayo ba ang Hacienda niyo?" tanong ko pagkapasok niya sa driver's seat pagkatapos umikot dahil pinagbuksan niya ako ng pinto.

Wagas ang ngiti ko at excited.

"Oo, kaya huwag kang maingay diyan at hindi ako makakapagmaneho ng maayos," aniya at sinulyapan ako.

Napanguso ako ng kumindat siya kaya't hindi nalang ako umimik kagaya ng sabi niya dahil baka madisgrasya pa kaming dalawa.

"Maghapon tayo doon dahil ililibot kita sa buong Hacienda. Gagawin din natin ang mga activities na kadalasang ginagawa ko kapag naroon ako, ayos lang ba?"

Tumango ako.

Nakakaramdam pa lalo ako ng excitement. Ano kaya ang mga activities na madalas niyang ginagawa doon?

"Magugustuhan mo iyon doon.."

Tumango lang ako.

"Maganda doon.."

Tumango muli ako, ngayon ay nagtataka dahil sa pagsasalita niya.

Sa gilid ng aking mata ay nakita kong pasulyap sulyap siya sa akin. Salubong ang kaniyang mga kilay at bahagyang nakanguso ang labi.

Kumunot ang noo ko.

"Sacha.." pagtawag niya sa aking pangalan na tila nakikiusap.

Tiningnan ko siya at nagtama ang aming tingin ng sumulyap siya sa akin saglit.

"Ano?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

"Ang tahimik mo," nakasimangot na aniya.

Nagkasalubong ang mga kilay ko.

"Hindi ba at sabi mo'y tumahimik ako dahil hindi ka makakapag-focus sa pagdadrive?"

Sumulyap siya sa akin ng saglit at ngumisi.

"Hindi ko pala kaya. Mas gusto kong naririnig ang boses mo," aniya at kinagat ang ibabang labi.

Napailing ako dahil sa narinig mula sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi niya.

Umiwas ng tingin dahil sa aking biglaang pagngiti, kasabay nito ang pag-iba ng tibok ng puso ko. Bumibilis na naman na tila nakikipagkarera.

Nitong mga nakaraan na walang ibang kasama kung hindi si Ylatch ay naramdaman kong may nagbago sa akin. May nagbago sa nararamdaman ko. Naiisip ko na kung ano iyon pero natatakot ako na baka ako lang.. na baka hindi ko dapat maramdaman iyon.

Ayoko mang palalimin pa ang nararamdaman ko para kay Ylatch ay hindi ko kayang tumigil.. kung dati ay si Kiro ang dahilan ko kung bakit ko ito ginagawa ay iba na ngayon.. Gusto ko sa tabi ni Ylatch, I like the different and new feelings I feel everytime I'm with him. Gusto ko ang pakiramdam ng kaniyang epekto sa akin.

Hindi nagtagal ang biyahe at hindi kami nabored pareho dahil panay ang kuwentuhan namin kung ano ang mga activities na aming gagawin sa kanilang Hacienda.

Kaya't pagkarating namin doon ay nakaplano na agad ang aming sunod sunod na gagawin. Manghang mangha ako sa lawak ng kanilang Hacienda at sa ganda maging sa kanilang mga tauhan dahil napakababait ng mga ito.

Tumungo kami sa kuwadra ng mga kabayo dahil pangangabayo ang una naming gagawin dahil maaga pa at maganda pang mamasyal dahil hindi pa mashadong mainit ang sinag ng araw.

"Gusto mo bang kumain muna?" tanong niya habang inihahanda ang kabayo niya na aming gagamitin.

Umiling ako dahil busog pa naman ako.

Stolen Hearts (Hearts Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن