Kabanata 14

181 19 0
                                    

Ang adobong manok

Nakakapagod ang buong maghapong kasama si Ylatch pero hindi ko iyon pinagsisisihan dahil labis ang kasiyahang nadama ko dahil roon.

Laking pasasalamat ko at wala pa si Daddy at Kuya Serio nang maihatid ako ni Ylatch sa bahay kaya't agad akong nakapagkulong sa aking kuwarto nang walang nagtatanong sa akin kung saan ako nanggaling.

Nakatulog ako dahil sa kapaguran at nagising lang dahil sa ingay ng aking cellphone. Kinapa ko ito mula sa aking bag na nasa aking tabi at sinagot ang tawag.

"Hello?" inaantok na sagot ko.

"Inaantok ka pa?"

Napamulat ako at nabuhayan nang marinig ang boses ni Ylatch sa kabilang linya.

"H-hindi na, Bakit?" agap na sagot ko.

Totoong nawala ang antok ko nang marinig ko ang kaniyang boses, kasabay din nito ay ang kakaibang kasiyahang bumalot sa puso ko.

Narinig ko ang marahang pagtawa niya.

"Buti naman. I miss you."

Pigil ko ang aking ngiti dahil sa narinig. Tumihaya ako ng pagkakahiga at tinitigan ang kisame.

"Kanina lang ay magkasama tayo ah," sabi ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Namiss na kita agad eh."

Napanguso ako pero kaagad din namang napangiti. Para na akong nababaliw dahil sa kaniya!

"Binibiro mo ba ako?"

"Bakit kita bibiruin?" malambing ang boses na tanong niya kaya't nakagat ko ang ibabang labi ko.

"Bahala ka. I miss you too," nakangiting sabi ko, para bang nakikita niya ako.

"Damn, pinapakilig mo talaga ako."

Nagulat ako dahil sa narinig. Dati ay sa text ngayon ay narinig ko mismo iyon galing sa kaniya. Ang tanong ay seryoso ba siya?

"Seryoso? Napapakilig kita?"

"Oo. Hindi mo ba alam, Sacha?" aniya, tila problemado.

Huwag kang mag-alala.. pinapakilig mo din naman ako eh..

Wagas ang ngiti ko at hindi mawala wala sa isipan ko ang sinabing iyon ni Ylatch hanggang sa natapos ang aming isang oras na tawagan.

Nang lunes ay maaga akong gumising at nagpatulong ako sa katulong namin na magluto nang ulam. Ako ang humahalo at si Manang Esme ang nagtitimpla.

"Anong ulam po ito?" tanong ko habang naghahalo.

"Adobong manok, iha," sagot niya na ikinanguso ko.

Chicken pa rin pala. Baka ay maging manok na talaga kaming dalawa nito ni Ylatch.

"Bakit mo naisipan na magbaon at talagang tumutulong ka pa sa pagluluto?" nakangiting tanong ni Manang Esme kaya't napakagat labi ako upang itago ang aking ngiti.

"Naisipan ko lang po.." sagot ko na ikinatango na lamang niya, mayroon pa ring ngiti sa labi.

Ang totoo ay gusto kong magdala ng pagkain para sa amin ni Ylatch. Ngayong gusto ko na siya ay kailangan ko ng mageffort para magustuhan niya rin ako. Gusto kong mapasaakin ang puso niya, ang pag-ibig niya na para sa iba.

"Ang bango. Adobo ba yan?"

Napabaling ako kay Kuya na ngayon ay nasa akong tabo at sinisilip na ang adobo.

"Oo. Kakain ka, Kuya?" tanong ko na ikinailing niya.

Napangisi siya habang nakatitig sa adobo, pansin ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata na ikinapagtaka ko.

"Hindi. Pero puwedeng makihingi? May pagbibigyan lang.."

Nagkasalubong ang mga kilay ko pero pumayag na lamang dahil sa tingin niyang parang gagawin niya ang lahat makahingi lang.

Sino kaya ang bibigyan niya?

Marami naman ang adobong manok na naluto kaya't hinati namin iyon. Nagtaka pa nga si Kuya Serio dahil ang dami ko raw ibabaon, nagkibit balikat lamang ako at salamat ay hindi na siya nagtanong pa.

Proud ako sa adobong niluto namin ni Manang Esme kaya't noong lunch na ay mas nauna pa ako kay Ylatch sa manggahan.

Nang makita ko siyang may dalang paper bag at nasa bulsa ang isang kamay habang nakayukong sumisipol sipol ay kaagad akong nagtago sa puno at nang malapit na siya ay saka lamang ako lumabas na ikinagulat niya.

Napaatras pa siya dahil mukhang hindi niya talaga inaasahang narito na ako at nauna pa sa kaniya.

"Nauna ka.." gulat at may pagkamanghang aniya at naglakad na palapit sa akin.

Ngumiti ako at itinaas ang hawak na paper bag na kagaya ng sa kabiya.

"Oo, at may dala akong ulam!" masayang anunsyo ko na ikinataas ng kaniyang kilay.

Lumuhod siya kaya't tumabi ako nang ilatag niya ang sapin na aming uupuan.

"Talaga? Niluto mo?"

"Nagpatulong.. ako ang humalo at si Manang Esme ang nagtimpla!" proud na sagot ko sa kaniya.

Humalakhak siya at naupo na sa saping inilapag bago ako tingala.

"Edi hindi ikaw ang nagluto," nakangising aniya kaya't nagkasalubong ang mga kilay ko.

"Nagluto rin ako! Tulong kami!" asik ko ngunit umiling lamang siya at nagpigil ng pagtawa.

"Maupo ka na, Sacha."

"Hindi ako uupo at hindi ako kakain kung hindi mo sasabihing nagluto rin ako!" inis na sabi ko na ikinanguso niya bago tumango.

Mas nainis ako dahil roon, parang napipilitan lamang siya kung tumango!

"Oo na.. nagluto ka na kaya't maupo ka na at gusto ko nang matikman ang luto mo," aniya at ngumisi sa akin.

Inismiran ko siya at naupo na lang. Naawa ako dahil baka gutom na siya at dapat ay matikman niya talaga itong niluto namin ni Manang Esme, paniguradong masarap ito dahil tumulong ako sa pagluluto nito!

"Ang bango amoy adobo. Anong adobo ba yan?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa tanong niya habang inilalabas ko ang pagkaing dala sa paper bag. Siya naman ay inilabas ang dalang fried chicken.

Tila ba sayang saya siya sa kaniyang tanong.

"Adobong manok," sagot ko at sinulyapan siya na ikinanguso niya.

"Hindi na ako magtataka kung titilaok na ako mamaya o bukas ng madaling araw," aniya at tumawa kaya't ganoon din ako.

"Ako rin, hindi na magtataka kapag tutukain ko na ang kakainin ko sa susunod," tumatawang sabi ko at tumigil lamang nang ibigay niya sa akin ang pagkain ko, siya na kasi ang nag-ayos nito kagaya ng palaging ginagawa niya.

Sumubo ako at tumingin sa kaniya.

"Nagluto ako," sabi ko at pinanliitan siya ng mga mata nang susubo na siya kaya't napatigil siya at napakagat labi.

Nang hindi makapagpigil ay tuluyan na siyang napahalakhak kaya't inis ko siyang tinitigan.

Unti unti rin namang napawi ang inis ko habang pinagmamasdan siyang tumatawa. Nakaramdam ako ng kasiyahan dahil sa aking nakikita. Tumatawa siya! Masaya siya! Napasaya at napatawa ko siya!

Dahil sa ediyang iyon ay napangiti ako at nang mapatingin siya sa akin ay kaagad akong ngumuso.

"Aray! Shit! Gutom na ako, Sacha.. puwedeng pakainin mo muna ako?!" tumatawang aniya kaya't hindi ko na napigilan pa ang pagngiti.

Umiling nalang ako.

"Tumigil ka na. Kumain na tayo!" sabi ko na sinunod naman niya ka agad ngunit may nakapaskil pa rin na ngiti sa labi.

"Masarap ang niluto mo ha.." aniya at may diin iyon, tila inaasar pa ako kaya't inismiran ko na lamang siya.

Napangiti ako sa loob loob ko dahil sa kaniyang sinabi. Salamat talaga kay Manang Esme!

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon