Kabanata 6

237 22 5
                                    

Seal the deal

Ang kondisyon na gusto ni Ylatch ay hindi na nawala pa sa isipan ko buong magdamag kagabi. Pinag-isipan kong maigi iyon at ngayon ay mayroon na akong desisyon.

"Safaria.."

Napakurap kurap ako nang tawagin ako ni Kuya Serio kaya't napabaling ako sa kaniya. Ayos na ayos na siya at doon ko lang napagtanto na maging ako pala ay nakaayos na para sa birthday party ni Mr. Persico.

Agad akong tumayo at naglakad na palabas ng pinto nang masulyapan si Daddy na nakalabas na.

Sasama ako sa pagpunta sa birthday party ni Mr. Persico na ikinapagtaka ni Kuya noong una dahil tumanggi na ako sa kaniya. Sinabi ko nalang na maiinip lamang ako sa bahay dahil ako lamang ang maiiwan at ang mga tauhan sa bahay kaya't mas minabuti ko na lamang na sumama.

Narinig ko ang yapak ng sapatos ni Kuya sa aking likuran.

"Are you okay?"

Tumango lamang ako at hindi siya nilingon. Iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Ylatch na pumapayag na ako sa kondisyon niya lalo na at papunta kami ngayon sa bahay nila.

Nagkibit balikat lamang siya na ikinahinga at hindi na nagsalita pa. Sumakay na ako sa backseat at nang makaupo na siya sa aking tabi ay doon na pinaandar ni Manong Lando ang sasakyan.

Tahimik ang aming biyahe at hindi naman pala kalayuan mula sa amin ang Mansyon ng mga Persico.

Inilibot ko ang paningin sa buong paligid pagkababa ko sa aming sasakyan, malawak ang lupang kinatatayuan ng Mansyon ng mga Persico dahil kailangan mo pang sumakay sa golf cart kung sa labas ng kanilang gate ipaparada ang iyong sasakyan. Kami ay hindi na kinailangan pang gumamit pa noon dahil ipinapasok naman ang aming sasakyan.

Mangha ako mula sa labas dahil sa laki at ganda ng kanilang Mansyon pero mas labis akong namangha pagkapasok namin. Nakalinya ang mga naka unipormeng katulong at yumuyuko sa amin pagkapasok, malinis at kumikintab ang paligid.

Pagkapasok palang ay kapansin pansin kaagad ang malaking pabilog na chandelier at katapat nito ang engrandeng hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng bahay, paniguradong may hagdan pa sa itaas dahil apat na palapag ang buong Mansyon.

"Ikinagagalak kong nakapunta ka Mayor Rivancio."

Nabaling ang atensyon ko kay Mr. Persico na ngayon ay nasa harapan ni Daddy.

Hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan dahil sa kaniyang itsura. Kamukhang kamukha niya si Ylatch! Kahit na may edad na ay nahahalata mo pa rin ang pagiging magandang lalaki niya.

"Maligayang kaarawan Mr. Persico, Ikinagagalak ko ring makapunta rito sa inyong Mansyon," pormal na sabi ni Daddy at nakipagkamay rito.

"Nga pala, ito ang aking dalawang anak," sabi ni Daddy at binalingan kami pagkatapos makipagkamay kay Mr. Rivancio.

"Serafino Rivancio, Sir. Maligayang kaarawan po," seryosong sabi ni Kuya Serio at inilahad ang kaniyang kamay na agad namang tinanggap ni Mr. Persico.

Ngumisi ito kay Kuya.

"Salamat, Serafino. Enjoy the night," anito at tumango lamang si Kuya Serio.

Nang binalingan ako nito ay mas lumawak pa ang kaniyang ngisi. The way he smirked reminds me of someone. Napanguso nalang ako ng bahagya nang maalalang Ama pala ito ni Ylatch kaya't maging ang pagngisi nila ay magkapareho.

Nginitian ko siya at nagpakilala.

"I'm Safaria Chandra Rivancio, Sir. Sacha na lamang po. Happy birthday, I have a gift for you po."

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Where stories live. Discover now