Kabanata 31

200 14 0
                                    

May pamilya na

"Asawa siya ni baby Haze ko?" pag-uulit ko sa sinabi ni Ylatch. Ang wild na puting pusang iyon ay asawa ng pusa ko?

Tumango siya, karga karga pa rin si Chan habang nakaupo sa upuang nasa harapan ng mesa ko.

"Bakit hindi ko siya nakita noon sa bahay mo sa Maynila?" tanong ko habang hinahaplos ang balahibo ni Haze na nasa mesa.

"Kasi narito siya sa panahon na iyon," sagot niya kaya't napatango ako.

"Bakit ka narito ngayon?" nagtatakang tanong ko, ang aga pa at hindi ba niya aasikasuhin ang kaso ni Daddy?

"Ipapa-check ko kung buntis ba si Chandra," sagot nita.

Uminit ang pisngi ko. Bakit ba kapangalan ko ang pusa niya?

"Bakit mo naman naisip na buntis si Chan?" tanong ko at diniinan ang pangalan ng pusa.

Ngumuso siya at tiningnan si Haze na nakatingin lamang kay Chan.

"Iyan kasing pusa mo.. nilandi itong pusa ko. Siguro buntis talaga si Chan dahil nitong mga nakaraang gabi ay hindi na ako makatulog ng maayos sa ingay nilang dalawa," aniya at napangisi.

Uminit lalo ang mga pisngi ko dahil sa kaniyang sinabi. Seryoso ba siya sa mga sinabi niya?

Kaya't tiningnan ko kung buntis nga ang pusa niya at nang makumpirma kong totoong buntis ito ay labis ang kasiyahan ni Ylatch.

"Ang galing mo, baby Haze."

Ngumuso ako upang pigilan ang ngiting nagbabadyang kumuwala sa aking labi dahil kanina niya pa pinanggigigilan si Haze.

"Uuwi muna ako, dito muna ang mga pusa natin ha?" aniya na ikinagulat ko.

"P-pusa natin?"

Tumango siya at inilapag na ang dalawang pusa sa sofa bago tumingin sa'kin.

"Sige, babalik ako mamaya para sa pagkain nila. Mas gusto nila ang chicken kaysa cat food."

Tumango na lang ako at sinundan siya ng tingin hanggang sa makalabas siya bago ako naiiling na napangiti.

Hindi nagtagal ay naging abala ako dahil sa sunod sunod na nagsidatingang mga tao dala ang kani-kanilang mga alaga. Pansin kong karamihan ay mga pusa ang dala.

Hindi iyon natapos, sunod-sunod at pansin kong may umuulit hanggang sa bumalik si Ylatch na pansin kong nagtaka rin sa mga taong nadatnan.

"Ayos naman po siya, wala namang bali ang kaniyang buto. Sigurado ka bang nahulog ito sa bubong niyo?" tanong ko sa isang babae na tingin ko'y mas matanda sa'kin ng isang taon.

Tumango siya ngunit ang tingin ay wala na sa'kin kaya't nagkasalubong ang mga kilay ko at tiningnan si Ylatch na pinapakain na ang dalawang pusa.

Nakumpirma ko lamang ang dahilan ng mga kababaihang dumayo rito. Iyon ay si Ylatch.

"Wala namang problema ang mata niya. Umiiyak lang yan dahil hindi niyo pinapakain," May inis na sabi ko sa babae na ikinagulat niya bago nahihiyang tumango.

"Next," sabi ko at kaagad namang naupo ang babae ngunit ang mga mata ay nasa gawi ni Ylatch.

"Anong problema naman ho ng pusa mo, Miss?" may diing tanong ko rito.

"Dumudugo ho ang kaselanan niya, Dra.," sagot niya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Nireregla lang ho siya. Next," sabi ko kaya't napanguso ang babae bago tumayo.

Inismiran pa ako nito kaya't napailing ako. Sunod sunod pa ang mga iyon at alas dose na nagsitigilan.

Pagod akong napasandal sa aking kinauupuan.

"Gusto mong kumain?"

"May pagkain ba?" balik tanong ko, hindi ko napigilang magtunog inis ang boses.

Kumunot ang kaniyang noo bago tumango.

"Tara sa bahay," aniya kaya't nagulat ako.

"Sa bahay mo?"

Tumango siya.

"Oo, ipagluluto kita."

Parang may kumiliti sa aking tiyan dahil sa kaniyang sinabi. Napawi ang pagod at inis ko dahil sa nangyari kanina at kaagad na napatango.

Kinarga niya ang dalawang pusa at hinintay ako sa may pintuan. Binuksan ko ang pintuan at pinauna na siyang lumabas dahil sa karga karga.

Wala ang kotse niya kaya't siguro'y naglakad lamang siya.

"Anong gusto mong kainin?"

"Kahit anong lutuin mo," sagot ko sa kaniyang tanong at sumunod sa kaniyang paglalakad.

Tumango siya at hindi na umimik pa.

Itinuon ko ang atensyon ko sa unahan at natanaw ang isang magandang puting bahay na tingin ko'y kay Ylatch dahil kapareho ito noong bahay niya sa Maynila.

Nagawi ang tingin ko sa tapat nito dahil nakatayo roon ang isang babaeng may kargang batang lalaki.

Unti-unting bumagal ang paglakad ko. Hindi ako puwedeng magkamali. Kilala ko ang babaeng iyon. Ang babaeng tunay na nagmamay-ari sa gusto kong maging pagmamay-ari.

Lumunok ako at tinawag si Ylatch.

"Ylatch."

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"M-may pupuntahan pala ako.. saglit lang. Doon nalang ako kakain.. sa susunod nalang siguro ako pupunta sa bahay mo," sabi ko bago pumiyok ang aking boses.

Kung may susunod pa..

Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sasabihin at kaagad na bumalik sa clinic. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko ngunit kasabay noon ang pagtawag rin sa kaniya ni Mirella. Ang asawa at ina ng anak niya.

Kinuha ko ang bag ko sa clinic at sumakay ng tricycle na saktong naparaan pagkalabas ko.

Nang lingunin ko ang puwesto ni Ylatch ay nakita kong naka-squat sa harap ng batang lalaki at nakangiti.

Napangiti ako nang mapait at kasabay noon ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.

May pamilya na siya. Bawal na talaga.

Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata pagkababa ko sa tricycle. Pumasok ako sa bahay ng mabigat ang loob dahil sa nalaman.

Katulad dati ay kinakaawaan muli siguro ako ni Ylatch kaya niya naisipang buksan ang kaso ni Daddy. Total ang sabi niya ay hindi siya galit rito. Iyon ang dahilan kaya't lumalapit siya sa'kin. Iyon lang, Sacha. Wala ng iba pa bukod roon.

Nagulat ako dahil sa taong nadatnan ko sa aming sala pagkapasok ko sa bahay. It's Kiro.

"Mabuti naman at dumating ka na, akala ko ay maghihintay pa ako ng matagal," Aniya at tumayo.

Lumapit siya sa'kin at niyakap ako.

"A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko pagkatapos niya akong yakapin.

"Umuwi rito ang girlfriend ko eh," aniya kaya't napatango ako.

"Ipapakilala mo na ba siya sa'kin ngayon?" sabi ko at ngumiti ng tipid, pilit pinapakitang masaya ako dahil narito siya ngunit hindi mawala ang pait sa aking kalooban dahil sa nalaman kanina.

Tumango siya at ngumiti.

"Soon," sagot niya ngunit nagkasalubong agad ang kaniyang mga kilay nang matitigan ang aking mukha.

"Umiyak ka ba?"

"Hindi, kulang lang sa tulog.. alam mo na, inaalala ko ang kaso ni Daddy," sabi ko at tinungo ang sofa at naupo roon.

Tumango siya, mukhang naniwala sa aking rason.

"Oo, nabalitaan ko kay Serio ang nangyari kaya't nang umuwi kami rito ay pinuntahan kaagad kita," aniya kaya't napangiti ako.

"Salamat," sabi ko.

Nangkuwentuhan pa kami ngunit siya halos ang magsalita dahil ang isip ko ay na kay Ylatch pa rin.

Napangiti ako ng mapait sa aking sarili. Talagang pagmamay-ari na siya ng iba.. May pamilya na. Bawal na.

Stolen Hearts (Hearts Series #1)Where stories live. Discover now